Una

542 7 0
                                    

Ikaw ang aking una
Unang nakilala
Unang minahal
Unang halik
Unang sayaw
Unang kasiyahan
Ikaw ang aking una sa lahat
Ngunit habang lumilipas ang panahon
Habang lumilipas ang mga taon
Habang lumilipas ang mga taon
May mga nasasayang na pagkakataon
Mga nangyayari
At may mga pagbabago
Ikaw rin ang aking unang kaaway
Unang kasakitan
At sa di ko inaasahan
Ikaw ang unang nakadurog sa aking puso
Ngayon, naniniwala na ako sa kanila
Na kung sino ang minahal mo nang tunay
Siya pa ang magdudurog at magpapasakit
Sayo ng lubusan
At ang una kong pagbigkas ng mahal kita
Sa taong unang nagpabihag sa aking puso
Ay ngayon magiging
Unang huli ko na

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now