Dating Tayo

841 11 0
                                    

DATING TAYO BY MAI MAI CANTILLANO
Posted by iamroxanne on December 22, 2016 · 1 Comment



noong gabing tinapos natin ang lahat
saksi ang kalawakan kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko papalayo sayo
noong gabing yun, mailap ang mga tala na para bang nananadya
na kung ano ang dilim sa aking kalooban ay sya ring dilim ng kalangitan
at sumabay pa ‘to sa aking kalungkutan
sinubukan kong maglaro sa ulan, umaasang kaya nitong hugasan ang sakit
at tangayin sa kung saan ngunit hindi, dahil ako ang pinaglaruan ng ulan
ako ang pinagtaksilan ng kalawakan.. taksil ang kalawakan..
sinubukan kong tumakbo kasalungat ng pag ikot ng mundo
nagbabaka sakaling kaya ko pang habulin ang kahapon sa piling mo
noong sabay nating pinagsaluhan ang ritmo ng paborito nating awitin
noong sabay tayong naligaw sa magulo nating paligid
baka kaya ko pang ibalik ang oras, minuto o segundo?
baka kaya ko pa?
baka kaya pa natin at kung hindi na talaga kaya pang bumalik,
maari bang ulitin nalang ulit?
ang ikaw at ako
ang dating tayo..

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now