Real-Self Image VS Social Image

Start from the beginning
                                    

"Jane Cristobal. Ikaw 'yung babaeng hindi nakikinig kay Ma'am Inah diba? Pero ikaw pa 'yung nakasagot sa tanong niya," komento naman ni Jane sa inasta kanina ni Chord. Napakamot ito ng batok.

"Nakakahiya nga kay Ma'am Inah, e. Crush ko pa naman siya." Halos mabilaukan ako sa kinakain kong adobo. What?

"Crush mo, teacher? Tapos babae?" bulalas ko. Yeah, I know. She told me that she's a bi pero teacher? As in teacher? Napawasiwas naman si Chord sa ere ng kamay niya.

"Hindi, hindi. I mean, ang astig niya kasi mag-discuss. Talagang alam niya 'yong tinuturo niya at saka nagbabagsak siya. Fair siya siguro magbigay ng grades kaya nacha-challenge ako, " she replied. Napatango-tango nalang ako. Ina-idolize niya lang pala?

I went down to a place in Brooklyn
Where you tripped on LSD
And I found myself reminded
To keep you far away from----Ring!

Napatingin kaming tatlo sa Phone ni Jane nang may tumawag sa kaniya. The screen flashed the name Gail at agaran din naman 'yung sinagot ni Jane. Sinenyasan niya kami na aalis lang siya sandali para kausapin kaya tinanguan ko lang siya habang si Chord naman ay nag-thumbs up lang.

"Something's fishy..." saad ni Chord na nagpakunot ng noo ko habang nginangatngat 'yung manok.

"Ano naman 'yon?" tanong ko. Kinakain ni Chord ang hotdog na nakatusok sa tinidor niya, habang ang mga mata niya nasa dinaanan parin ni Jane kanina.

"Feeling ko may syota si Jane. At 'yon ay si Gail."

Ngumisi ako. "Obvious naman. Una ko kasing nakita siya na kausap niya 'yong Gail, iba na kislap ng mga mata niya." pagpapaliwanag ko, and that explanation earned me a long stare from Chord that made me uncomfortable.

Medyo....nakaka-conscious?

"You're talkative when the topic is all about your observations, huh?" she said. 

I flashed a smile and gestured my hand. "Slight lang." 

Napatango-tango siya at tinignan ako sa mga mata. "Then tell me about your observations with me, Reid." Aniya. Medyo nabigla ako sa pagka-agresibo niya, pero hindi ko na 'yon pinansin at tinignan ko nalang ang mga mata niya. 

Her eyes....are full of sadness. At hindi ko matukoy kung ano ang kinauugatan nito. Medyo kinilabutan din ako dahil parang ibang chills 'yong hatid sa akin ng mga mata niya. Pasimple ko siyang iniwasan ng tingin at kumain. 

What's up with this girl? She's really great at making me uncomfortable.

"Moody ka," untag ko nalang. Narinig ko siyang tumawa.

"I always get that a lot," tugon niya at pinagpatuloy narin ang pagkain. Maya't-maya rin naman ay bumalik na si Jane at nakipagkwentuhan sa amin habang kumakain. And mostly, tungkol kay Gail, sa syota niya. Harot ni ate.

Hindi nagtagal ay pumasok naman na ang kasunod naming Teacher.

"Good morning class." bati nito. And as usual, bumati rin kami pabalik. Isa siyang lalaki na medyo mahaba ang buhok, abot sa batok, at may mahabang pilikmata. He looks fine, and parang nasa late mid 30s na.

"Ako si Arnel Romulo, ang teacher niyo sa Personal Development. Bago ko simulan ang discussion, gusto ko munang kumuha kayo ng 1/4 sheet of paper at sagutan 'tong mga bibigkasin ko. Just rate yourself from 1 - 4. Very weak to very strong."

 Sumunod naman kami sa ginawa niya at kumuha ng 1/4. Akmang ilalagay ko na ang pangalan ko sa papel nang may dalawang kamay na ang humarang sa paningin ko.

"Pahingi." sabay nilang saad. I frowned at Chord and Jane before handing them both my sheets of paper. Mabait kasi ako.

 Mabait kasi ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tortured GeniusWhere stories live. Discover now