8. Friend For A Cause

1.7K 49 4
                                    

“A man of many companions may come to ruin,

but there is a friend who sticks closer than a brother.”

Proverbs 18:24

 _____________

“CONGRATULATIONS sa magandang teamwork ninyo, Miss Baltazar and Mister Ybañez. Natuwa ang ating campus president dahil sa tandem ninyong dalawa. At dahil doon ay may something special siya sa inyong dalawa,” excited na sabi ni Miss M sa kanila ni Lee.

Nandoon uli sila sa opisina ni Miss M dahil muli sila nitong ipiinatawag. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi nito. At least, nagbunga din ang walang humpay nilang holding hands at yakapan sa entablado kahit pa alam niyang napakaraming babae sa campus ang umuusok ang ilong kapag nakikita siya.

Madalas na kasi niyang kasama si Lee. Hindi niya alam kung bakit bigla ay nais siya nitong samahan sa halos lahat ng activities niya. Pati sa opisina ang ENARCH ay dinadalaw siya nito at dinadalhan ng pagkain.

“Ano pong something ang ibig ninyong sabihin, Miss M?” pangungulit ni Lee sa guro nila.

“This one,” sagot nito sabay abot ng isang envelope sa kanya.

“Pera po ba?” tanong niya kay Miss M.

“You’ll see. Buksan mo,” sagot ni Miss M. Hindi kasi niya agad binuksan ang sobre.

Napatingin siya kay Lee.

“You want me to open it?” tanong nito. Tumango siya at hinayaan itong kunin mula sa kamay niya ang sobre.

She held her breath as he opened the envelope.

“Whoah! Ayos!” masayang sambit ni Lee bago muling isinara ang envelope.

“A-ano’ng nakalagay?” curious niyang tanong.

Lee smiled at her wickedly before answering. “House and lot,” anito.

Hinampas niya ito sa braso. “Umayos ka nga. Yung totoo,” aniya.

“O, ayan na, basahin mo. Nag-inarte ka pa kasi kanina. Naunahan tuloy kita,” sagot nito sabay abot sa kanya ng envelope.

“Suspense kasi eh. Natataranta ako,” sagot niya habang binubuksan iyon.

Namilog ang mga mata niya nang makita kung ano ang laman ng sobre.  Gift certificate iyon ng isang hotel sa Bagiuo. Her mouth fell open. Three days and two nights all expense paid trip ang nakalagay sa detalye ng gift certificates. Good for two.

Ibig sabihin silang dalawa lang ni Lee ang pupunta doon? Together?

“T-totoo po ba ito, Miss M?” baling niya sa kanilang guro na noon ay nakangiti sa kanilang dalawa ni Lee.

“Oo. Totoong-totoo. Mabuti pa puntahan na ninyo ang sekretarya ng Presidente upang mai-book na ang flight ninyo pati na ang hotel accomodations ninyo doon. May hotel personnel na atang susundo sa inyo sa airport,” sagot nito.

“Kelan mo ba gustong pumunta tayo? Two weeks from now magpapasko na. Pwede bang doon na lang tayo mag-noche buena?” tanong ni Lee nang makalabas sila sa opisina ni Miss M. Hanggang December lang kasi nila pwedeng i-avail ang gift certificate na iyon dahil mag-e-expire na iyon sa susunod na taon.

“H-ha? E-eh hindi ko alam kung papayagan tayo nina Mama. Pasko iyon eh tapos hindi natin sila kasama?” protesta niya.

Although sa loob loob niya ay excited siya sa prospect na makasama ito sa Baguio and celebrate Christmas eve together. Ang sweet kaya nun. Ngayon pa lang nagsitayuan na ang mga balahibo niya sa sobrang excitement. She can feel the tingling sensation all over her body dahil sa moments of love este moments together nila ni Lee doon.

One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz