6. A Whole New World

1.9K 50 9
                                    

“Many claim to have unfailing love,
but a faithful person who can find?” – Proverbs 20:6

 

 ___________

“KAIN TAYO. Treat kita.”

Agad napalingon si Cherry Mae sa pinto ng silid niya dahil sa lalaking bigla na lang nagsalita. Nanlaki ang mga matang bumaba siya sa pinapatungang stool at hinablot ang kanyang towel upang ipulupot iyon sa kanyang baywang.

“Hoy, Panget! Sino’ng may sabi sa’yo na pwede kang pumasok dito?” naiirita niyang tanong.

Of all days, ngayon pa talaga siya naabutan nito na naka-shorts. Nag-aayos kasi siya sa kanyang mini-library at dahil maalinsangan ang panahon kaya nagsuot na lang siya ng shorts para hindi siya gaanong mainitan.

“I asked permission from Mama at siya na nagsabi na puntahan na kita sa room mo. Teka, pasilip uli ng mga logs mo,” pang-aasar pa nito sa kanya.

O, diba? Nakiki-Mama na rin ito sa nanay niya. Talagang isinasapuso nito ang pagiging bestfriend kuno sa kanya dahil sinunod talaga nito ang utos ng Papa niya. Ang huli kasi ang nag-suggest na Mama at Papa ang itawag ni Lee sa mga ito. Bagay na ginaya din naman ng parents ni Lee. Mommy at Daddy naman ang tawag niya sa parents nito.

Everything was on default. Wala na siyang choice pagdating sa parteng iyon. Pero ngayon, may choice siyang mapikon dahil inaasar na naman siya ni Lee.

Binato niya ito ng unan. Mukhang back to the old Lee na naman ito na todo makapanlait sa katabaan niya. Nang makitang hindi ito nasaktan ay ibinato niya rito ang isang hardbound na libro.

“Aw! Masakit na iyon ha? Kapag ako ang gumanti kawawa ‘yang lips mo dahil sa gagawin ko,” sabi nito.

Natigilan siya sa narinig. “A-anong ibig mo sabihin?” kinakabahan niyang tanong. Sana mali ang pagkaintindi niya sa sinabi nito. Sana hindi ang paghalik sa kanya ang tinutukoy nito.

Waaaahhh! Hindi ko na ito keri!

“Basta, kapag sinaktan mo pa ako, gagantihan kita ng something na masarap na hindi mo pa natitikman ever,” bulong nito sa kanyang mukha.

Noon lang niya namalayang nakapasok na pala ito sa silid niya kahit na hindi naman niya ito inimbitahan doon.

“Hoy! Lumabas ka nga muna at magpapalit lang ako ng jogging pants,” aniya sabay tulak dito palabas ng pinto.

Hindi niya alam kung bakit sobrang lakas nito kahit na higit na mas malaki naman ang pangangatawan niya dito. Yun nga lang, marami itong muscles samantalang siya fats ang pinaparami.

“Sus! Ngayon mo pa ba itatago ‘yan eh mula noong toddler pa lang tayo ala-troso na ang binti mo?” pang-aalaska na naman nito sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na talaga siya nakatiis. Sinipa niya ito sa tuhod.

“Hoy, Panget! Kung pumunta ka dito para lang laitin ang katabaan ko, lumayas ka. Baka ihulog pa kita sa terrace ko at magkabali-bali pa yang mga buto mo. Di bale nang mataba ako no? Kesa naman tulad mo, skin and bones. Parang hindi ka ipinagluluto ng babae mo!” banta niya rito.

Tiningnan niya ito ng masama. Kaso wala yatang epekto ang nakamamatay niyang titig dito kasi nakangiti pa rin ito. Asar. Ano ba ang kasalanan niya sa mundo at pinaparusahan siya ngayon?

“Ito naman. Hindi ka na nasanay sa akin. Pikon ka pa rin. Halika nga,” anito.

Bago pa man siya maka-react ay nakakulong na siya sa mga bisig nito. Walang nagawa ang pagpupumiglas ng mga fats niya sa katawan dahil malakas ito.

One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHEDWhere stories live. Discover now