4. All Over Again

2.4K 59 9
                                    

“Wait for the LORD; be strong and take heart and wait for the LORD.”

Psalm 27:14

 ____________

“ANG KUPAD namang kumilos ng lalaking iyon!”

Naiinis na sambit ni Cherry sa sarili habang hawak sa isang kamay ang isang pool noodle. Isa iyong uri ng polyethylene foam na kadalasang ginagamit sa mga taong nais matutong lumangoy o kaya ay lumutang lamang sa tubig.

Naroon na siya sa swimming pool ng campus nila at hinihintay si Lee. Mabuti na lang at maaga pa kaya kaunti pa lang ang tao sa naturang pool. Kanina pa niya hinihintay si Lee dahil ang araw na iyon ang usapan nila na tuturuan siya kung paano lumangoy. Pagkatapos ay ito naman ang tuturuan niya ng Basic Trigonometry.

Handa na siya para sa lessons nila at nakapagpalit na rin siya ng kanyang wetsuit na kulay neon pink. Nakakahiya naman kay Lee kung madatnan siya nitong dugyot ang hitsura. Napabili tuloy siya ng wetsuit nang wala sa oras para naman maging presentable siya sa paningin ni Lee. Plus the fact that he was the campus star gave her more reason to fix herself. Nang sa gayon ay hindi naman ito mapahiyang kasama siya.

Kaso dahil sa sikip ng wetsuit na iyon ay mas lalo pang na-emphasize ang baby fats niya. Nagmukha tuloy siyang dambuhalang salbabida. Ang saklap.

Ngunit tatlumpung minuto na ang nakalipas at hindi pa rin niya nasisilayan ang pagmumukha ni Lee. Nanggigigil na hinampas niya sa hangin ang hawak na pool noodle habang in-imagine na iyon ay isang samurai sword na gagamitin niya para gawing pamalo sa ang mayabang na Lee na iyon.

“Yaaah!” sambit niya habang ginagaya ang moves ni Kenshin sa anime na Samurai X.

Alam ba ni Lee na halos hindi na siya nakatulog dahil sa anticipation? At paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang sinabi nito na nakaka-in love daw ang boses niya? The more she thought about it, the more she doubted its truth. Baka naman inaasar lang siya ni Lee o kaya pinapaasa lang siya nito? At siya naman itong si gaga ay naniwala agad with matching butterflies pa in her stomach. Kaasar!

Humanda talaga ang Lee na iyon kapag in-indian siya nito.

“Ganito po ang tamang paghawak ng pool noodle, Miss Beautiful."

Napapitlag si Cherry sa boses ni Lee sa kanyang likuran. Akmang lilingon na siya rito ngunit naestatwa na lamang siya nang maramdaman ang braso nito mula sa kanyang likuran direcho hangang sa kanyang mga kamay na nakahawak sa pool noodle. Pakiramdam tuloy niya ay niyayakap siya nito mula sa likuran. Para siyang hindi makahinga at tila nanunuyo ang kanyang lalamunan.

Wala pang lalaking nakahawak sa kanya sa ganoong paraan at hindi niya maipaliwanag ang reaksiyon niya dahil sa ginawa nito. Napalunok siya.

“Gagamitin lang natin ito upang matutunan mong lumutang sa tubig. Kailangan mong ipulupot ito sa ilalim ng mga kilikili mo upang lumutang ka sa tubig. Ang gagawin lang natin ngayon ay siguruhing maging kumportable ka muna sa tubig. Kapag kumportable ka na, tuturuan na kita ng iba't ibang strokes for you to be able to swim on your own,” sabi pa nito.

Ito na mismo ang nagpulupot ng pool noodle sa likuran niya at ipinailalim iyon sa magkabilang kilikili niya. Matapang niyang nilingon ito. Nakapagpalit na din pala ito ng wetsuit. Lalo tuloy na-emphasize ang mga abs nito dahil fit na fit ang wetsuit nito.

Nag-iinit ang pisnging nag-iwas siya ng tingin. She took a vow of purity last Valentine’s day sa simbahan nila kasama ang ilang youth. Kaya major challenge sa purity ng pag-iisip niya ang outfit nito ngayon. Wala namang mali sa suot nito. Iyon naman talaga ang required outfit kapag nagsu-swimming. Kaso sa ganda ng abs nito ay nag-iiba ang takbo ng isip niya.

One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHEDWhere stories live. Discover now