5. Akin Ka Lang

2.2K 59 7
                                    

“Be still before the LORD and wait patiently for him;

do not fret when people succeed in their ways,

 when they carry out their wicked schemes.”

Psalm 37:7

 

 _______________

“UY! SI Miss Songbird oh!”

Dinig ni Cherry Mae na sigaw ng kasamahan ni Lee sa basketball habang dumadaan sila ng kaibigan niyang si Edielyn Gail malapit sa basketball court ng San Agustin. Doon kasi ang daan papunta sa English class nila.

Nakita niyang napatingin din si Lee sa gawi nila. Nagkunwari na lang siyang hindi niya ito nakikita. Ngunit imposible yata iyon dahil kahit hindi siya nakatingin dito ay nararamdaman naman niya ang mga titig nito sa kanya ngayon.

Ilang araw na mula nang ginanap ang inter-school singing competition ngunit hanggang ngayon ay tila lumulutang pa rin siya sa ere. Nanalo kasi sila ni Lee. Hindi niya alam kung paano nangyari pero sila ang naging overall champion.

Ang buong akala pa naman niya ay hindi na niya makakasama si Lee at tatahimik na uli ang kanyang mundo. Ngunit nagkamali siya. Dahil nag-request ng repeat performance ang President ng campus nila para sa gaganaping Foundation Day ng San Agustin.

“Maganda naman pala siya,” narinig niyang sabi ng isang player.

Sa sulok ng mga mata niya ay napapansin niyang nakatingin ang buong basketball team sa kanilang dalawa ni Gail.

“Cherry, si crush mo nakatingin sa atin,” pasimpleng bulong ni Gail sa kanya.

Wala sa sariling lumingon din siya sa itinuturo ni Gail. Nandoon nga si Gabe at nakatingin ito sa kanila. Suot nito ang jersey nito. Sabay silang napasighap ni Gail nang kumaway at ngumiti sa kanila si Gabe. Sandaling nakalimutan niya si Lee.

“Sa atin ba talaga siya nakangiti?” paninguro niya kay Gail.

“Oo Cherry. Wala namang ibang tao dito kundi tayo lang. Oh em gee! Hihimatayin na yata ako,” tila kinikilig na sambit ni Gail.

Eksaheradang napahawak pa talaga ito sa dibdib nito na tila ba aatekehin na ito sa puso anumang minuto dahil sa sobrang kasiyahan.

Parehas kasi nilang crush si Gabe. Pati siya ay kinikilig din.

“Maganda nga sana kaso mataba lang,” narinig niyang komento ng isa pang player doon.

Agad napalis ang ngiti niya. Nanilisik ang mga matang bumaling siya sa nagsalita. Mabilis namang tumingala sa bubong ng court at sumipol ang lalaki. Halatang nagkukunwaring inosente.

But she knew exactly what the guy was talking about. Hindi na bago sa kanya na marinig ang tungkol sa pagiging chubby niya. Aawayin na sana niya ito nang bigla ay may nagsalita sa likuran niya.

“Hoy, kayo! Huwag niyong aasarin ang bestfriend ko ha? Kapag inulit niyo pa ‘yun, sasamain kayo sa akin!”

Kilala niya ang boses na iyon ngunit gusto pa rin niyang makatiyak. Halos mabali ang leeg niya sa paglingon. True enough, it was indeed Lee.

Ano daw? Sinabi nito sa kasama nito na bestfriend siya nito? Hindi ba matagal na nilang dini-deny sa madlang pipol ang tungkol doon? First year pa lang sila ay todo deny na ito na mag bestfriends sila. Ito pa nga ang madalas na tumatawag sa kanya ng Chubby eh.

One Perfect Love 1: My Heart's Desire PUBLISHEDWhere stories live. Discover now