Sa labis na takot, nahulog muli ang cellphone ni Alice.

Hindi na nito pinulot nang makita na papalapit na sa kanya ang naka-itim.

Nagmadaling tumakbo si Alice palabas ng campus.

Pagkalabas ng corridor, nakasalubong nito si Grace.

Nagtaka si Grace sa mga ikinikilos ni Alice.

“What’s wrong?”, tanong ni Grace kay Alice.

“We have to go…”, nanginginig na sagot ni Alice.

“Anong nangyayari Alice….?”, dagdag na tanong ni Grace.

“He’s here and he’s gonna kill us…”, nanginginig na sagot ni Alice.

“What….?”, pagtatakang tanong ni Grace.

“Si Mr. San Carlos, papatayin niya tayo…”, dagdag ni Alice.

Nanlaki na lamang ang mata ni Grace ng marinig ang mga pahayag ni Alice.

Ilang saglit ay isang naka-itim ang lumabas sa isang sulok.

Nabalot ng takot sina Alice at Grace nang makita ito, lalo pa nang marinig ang tila hinihilang kadena.

Dahil sa labis na takot nagmadali ang dalawa na lumabas ng gate ng campus.

Habang nagmamadali sa pagtakbo ang dalawa isang malakas na busina ang sumalubong sa kanila.

At humarang sa kanilang daan ang isang sasakyan.

Dean's Lists (COMPLETE)Where stories live. Discover now