Ebidensya

5.5K 75 17
                                    

Araw ng libing ni Jason.

Nagluluksa ang lahat.

Naroroon sina Alice, Janus, Grace, Mr. San Carlos, Mary, Inspektor, at pamilya at mga kaibigan ni Jason.

Hindi naging madali ang pagtanggap ng lahat sa pagkamatay nito, dahil bukod sa brutal ay wala paring lead kung sino ang walang pusong gumawa nito kila Jayson, May at sa hindi pa natatagpuang bangkay ni Shiela.

Nang matapos ang libing, unti-unti naring nawala ang mga taong nakiramay sa sementeryo maliban kina Inspektor, Mr. San Carlos, Mary, Grace, Alice at Janus.

Isang police officer ang lumapit.

May ibinulong ito sa inspektor.

Napuno ng curiousity si Alice.

Nagkatinginan sila Alice at Mr. San Carlos na tila iisa ang naiisip. Ano ang laman ng bulong?

Ilang saglit ay nauna ng magpa-alam si Mary kay Mr. San Carlos.

Sinundan ito ni Grace na nagpa-alam sa kaibigang si Alice.

Tanging naiwan na lamang sina Inspektor, Alice, Janus at Mr. San Carlos.

Naglakas ng loob si Alice na tanungin si Inspektor.

“Kamusta na po sir?”, tanong ni Alice.

“We do now have a lead.”, pagmamalaking sagot ni Inspektor.

“Really…?”, dagdag na tanong ni Mr. San Carlos matapos ay tumingin kay Alice.

Dean's Lists (COMPLETE)Where stories live. Discover now