The Truth

2.6K 54 0
                                    

Nang makarating na sila Inspektor, Janus, Alice at Shiela sa ospital. Agad silang inilagay sa emergency room.

Sa sobrang pagod at sakit ng katawan, hindi na kinaya ni Alice na pigilin ang pagpikit ng mga mata at nakatulog.

Sa kanyang muling pagmulat...

Mahimbing ang pagkakatulog ni Janus. Hindi napigilan ni Alice ang maluha dahil sa itsura nito.

Halos matakpan ng pasa ang buong mukha ni Janus.

Lumapit ang tatay ni Janus sa kanya.

Dont worry he's doing fine... - wika nito

Gumuhit ang ngiti sa labi Alice.

Si Shiela, si Inspektor? - paghahanap ni Alice

Shiela is doing fine aside from losing her right eye. Hindi parin sya makausap because of too much trauma.

Inspektor is doing good, bukod sa sugat sa hita at pilay sa kanang kamay.

Tila nadagdagan ang ngiti sa kanyang mukha matapos marinig ang balita.

Hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa to ni Mr. San Carlos. - wika ni Alice

Wag mo ng isipin un hija... ang mahalaga ligtas kayo ngaun. - tugon ni Mr. Custudio

Hindi napigilan ni Alice ang maluha at yumakap na lamang sa tatay ni Janus.

Sa pagbitiw nito sa pagkakayakap... nakita nito na nakatingin sa kanila si Shiela.

Shiela? - ani ni Alice

Bahagyang tumayo si Alice ngunit hindi pa rin kaya ng katawan nito dahil sa labis na sakit.

Dont push your self Alice. - payo ng tatay ni Janus

Ilang saglit ay pumasok si Inspektor sa kanilang kwarto.

Kamusta na Inspektor? - tanong ni Mr. Custudio

Narecover na ang bangkay ni Mr. San Carlos at dalawa pang pulis. - sagot nito

Nagtaka si Alice sa kanyang narinig.

Dean's Lists (COMPLETE)Where stories live. Discover now