Hitch

5K 67 39
                                    

Nabalot na ng dilim ang paligid.

Nagbibigay ng liwanag ang apoy na dulot ng pagsabog ng sasakyan sa kalsada.

Patuloy sa pagtakbo sina Alice at Janus palayo sa taong naka-itim na humahabol sa kanila.

Naghahabol na ng hininga si Alice. Pero tila nasa kalagitnaan palang sila ng talahiban bago makarating sa kabilang kalsada.

Nang mapansin ni Janus na tila kinakapos na ng hininga si Alice, sandali silang huminto.

Yumuko si Janus habang hinahabol ang hininga.

“Take a rest, you’re running out of breath…”, ani nito kay Alice.

Lumingon si Alice kay Janus.

Naupo ito sa talahiban at huminga ng malalim. Pinawi ang luhang tumutulo sa mga mata dulot ng labis na takot.

Lumapit si Janus at niyakap si Alice.

Hindi napigilan ni Alice na bumuhos ang luha.

“We can get rid of this….”, habang hinihimas ni Janus ang likod ni Alice.

Hindi nagsasalita si Alice at patuloy lamang sa pag-iyak.

“But how can he do this…”, tanong ni Janus.

Umangat si Alice mula sa pagkakayakap kay Janus.

Pinawi ang luha na dumadaloy sa pisngi at huminga ng malalim.

“The day before we leave the campus for outing…”, panguna ni Alice.

Inilahad ni Alice ang mga nakita ni Alice nang araw na nagtipon sila bago magpunta sa lugar na pagdarausan ng outing celebration para sa naging resulta ng dean’s lists.

Ang mga nakita ni Alice sa sasakyan ni Mr. San Carlos. Ang babaeng naka-itim at ang lumang black book.

Ang nakita nito sa sasakyan nila Janus kung saan duguan ang mga katawan nila Janus, Chris, May, Jason at naghihingalong si Shiela kasama ang babaeng naka-itim.

Ang babaeng naka-itim na nakita rin nito sa reception area ng resort.

Ang mga nakita ni Alice ay iisa sa mga nakita niya sa loob ng office ni Mr. San Carlos.

“You’re saying na may kinalaman ang babaeng nakita mo kung bakit  ito ginagawa ni Mr. San Carlos…”, tugon ni Janus sa mga pahayag ni Janus.

Hindi na sumagot si Alice. Tanging mukha na nababalot ng takot ang nakita ni Janus.

Dean's Lists (COMPLETE)Where stories live. Discover now