Selfie na, wackie pa!

2.6K 50 3
                                    

Nang makita ni Inspektor na si Mr. San Carlos ang killer.

Bumalik sa ala-ala nito ang oras kung saan nasa presinto sila.

Ang sasakyang bumangga sa pintuan kung saan si Mr. San Carlos ang driver.

Ang mga preliminary evidence na nakuha sa tanggapan ni Mr. San Carlos.

Nagulat na lamang si Inspektor nang sa pagtalikod nito ay naroon si Shiela.

Shiela! - wika nito

Tulala pa rin si Shiela na nakatingin sa katawan ni Mr. San Carlos.

Lets go Shiela - pagyayaya ni Inspektor, habang tumatawag sa radyo

Nagmasid sa paligid si Shiela bago tuluyang lumabas ng kwarto.


Sa kanilang paglabas.

Nadatnan nila ang patrol car at dalawa pang pulis na isinasakay sina Janus at Alice.

Lumapit si Inspektor at sinabi ang tungkol sa katawan ni Mr. San Carlos.


Iniabot ng isang pulis ang isang cellphone kay Inspektor.

Go ahead Inspektor... kailangan niyo na ng medical treatment... kami na ang bahala rito. - wika ng isang pulis

Tumango lamang si Inspektor at agad na pina andar ang sasakyan.


Agad namang tumawag si Alice sa tatay ni Janus.

Hello, sir... si Alice po ito... ligtas na po kami. - wika ni Alice

Naluha naman ang tatay ni Janus sa narinig na balita.

Hello, sir... papunta na kami sa ospital. May mga pulis na nagaasikaso sa katawan ni Mr. San Carlos  - dagdag ni Inspektor

Do you mean...  - dugtong ng tatay ni Janus

Yes, sir. Si Mr. San Carlos ang killer - pagtatapos ni Inspektor

Nang matapos ang kanilang pag-uusap...

Gulat na lamang ni Alice nang makakita ito ng matandang babae sa kanilang harapan.

Stop... - tila pigil ni Alice

Agad na tumigil ang sasakyan at bumaba si Alice.

Hinanap nito ang matandang babae na akala niyang nasagasaan ngunit bigo ito.

Nang pabalik na ito ng sasakyan.

Takot ang naramdaman nito ng isang kamay ang humawak sa kanya at tila pinipigilan siyang pumasok ng sasakyan.

Hindi naitago sa mukha ni Alice ang labis na pagkatakot ng makita ang mukha ng humahawak sa kanya.

Iyon ang matandang kanyang nakita sa sasakyan at opisina ni Mr. San Carlos.

Tila malungkot ang mukha nito.

At nang iniangat nito ang kamay at may ituturo...

Bumungad sa kanyang harapan si Inspektor.

Lets go, Alice... kailangan na nating magpunta ng ospital... - wika ni Inspektor

At agad silang pumasok ng sasakyan.


Nang lumingon si Alice, nakita parin nito ang matandang babae na tila ayaw umalis.

Samantala... sa kuwarto kung saan naroon ang bangkay ni Mr. San Carlos.

Ikaw pala ang killer ha... selfie, selfie muna tayo... - paglalaro ng isang pulis

Itigil mo nga yan! Mamaya magparamdam pa satin yan. - pagpigil ng isang pulis

KJ mo naman! Try mo wacky kayong dalawa, bilis! - tugon nito

Cge na nga! - hindi na napigilan at pumayag ang isang pulis

Napansin ng isang pulis ang black book sa bulsa ni Mr. San Carlos at kanyang pinulot.

At sa pagpapatuloy nila sa pag iimbistiga, ay tila nagpaparamdam ang matandang babae sa kanila.

May kakaibang hangin ang pumalibot sa kwarto at nagdulot ng pangingilabot.

Nakarinig din sila ng tinig ng tila isang babae.

Nagkatinginan ang dalawang pulis ng may bakas na takot sa mga mukha.

Nang isang ingay ang kanilang narinig sa di kalayuan. Nagturuan dalawa kung sino ang pupunta na nauwi sa bato-bato pick.

Takot na takot ang isang pulis habang timutungo sa pinagmulan ng ingay.

Nang marating ito, ay wala namang tao o kung anuman, kundi isang bukas na bintana.

Nang sumilip ito.. ay tila nakarinig muli ito ng tila boses ng babae.

Nang lumingon ito...

Napasigaw na lamang ito sa nakita.

At ito ay itinulak ng isang babae at nahulog na kanyang ikinamatay.

Takot na lamang ang naramdaman ng isa pang pulis  ng marinig ito.

Nadagdagan pa ng takot ito nang tila patay sindi ang flash light na gamit nito.

Hindi nito naitago ang labis na takot at napasigaw nang makarinig ng isang kaluskos.

Sa kaniyang pagtatapang tapangan, sinubukan nitong tahakin ang lugar na pinagmumulan ng kakaibang ingay.

Nang makarating na ito. Ay nawala narin ng tuluyan ang ilaw ng kanyang flash light...

Pilit parin nitong pinaandar ang kanyang flash light.

Takot na takot ito.

Nang magbukas ang flash light.. takot na takot ito nang isang mukha ng babae ang bumungad sa kanyang harapan...

Hindi nito napigilan ang sumigaw.

At sa kanyang pagsigaw... bigla na lamang ipinasok ang live wire sa kanyang bibig at kanyang ikinamatay.

Dean's Lists (COMPLETE)Where stories live. Discover now