Hit and Run

4.9K 67 12
                                    

Patuloy si Alice sa pag-dial sa number ni Inspektor upang ilahad ang mga nakita sa kwarto ni Mr. San Carlos.

Ngunit bigo itong matawagan si Inspektor.

Takot na takot si Alice at hindi nito sinasadya na mabitawan ang cellphone at nahulog sa sahig.

Nanginginig ang mga kamay ni Alice habang pinupulot ang cellphone.

Nang magawa na nitong pulutin ay napabaling ang tingin nito sa balcony ng office ni Mr. San Carlos.

Nanilakbo ito sa takot nang makita ang isang naka-itim na tila nakamasid sa kanya.

Nagpatuloy si Alice sa pag-dial ng number sa cellphone.

Ilang saglit ay nag-ring ang kabilang linya na tinatawagan ni Alice.

“Hello… hello…”, nanginginig na tinig ni Alice habang kausap si Inspektor .

Hindi malinaw ang linya mula kay Inspektor.

Patuloy ang takot na nararamdaman ni Alice. Nangingilid na ang luha nito dahil sa labis na takot.

Nang mapabaling muli ang tanaw nito sa balcony ay hindi na nito nakita ang naka-itim.

“Alice….”, paputol-putol na linya mula kay Inspektor.

“Sir, alam ko na kung sino ang killer…”, nanginginig na sagot ni Alice.

Nanlaki ang mga mata ni Alice nang makita na bumababa ng hagdanan ang naka-itim habang kinakaladkad ang kadena.

“Si Mr. San Carlos ang killer…”, dagdag na pahayag ni Alice sa cellphone.

Subalit bigo na itong makarating kay Inspektor. Naubusan na ng karga ang baterya ng cellphone ni Alice.

Dean's Lists (COMPLETE)Where stories live. Discover now