MCM 666 pt 1

4.4K 55 3
                                    

Nagulat sila sa hindi nila inaasahang makita. Ang pagkalason ng mga tao sa presinto.

Nagmadali si Inspektor na puntahan ang isang naghihingalong officer at sinubukang kausapin.

Ngunit bigo itong makapag-bitiw ng kahit anumang salita at nalagutan na ng hininga.

Nagmasid si Inspektor sa kalunos-lunos na pangyayari.

Bawat sulok ng presinto ay ang mga nakahandusay na katawan. Walang buhay. Ang ilan ay nanginginig habang pilit na nilalabanan ang epekto ng lason na unti-unting sumasakop sa kanilang nanghihinang katawan.

Biglang pumasok sa isip ni Inspketor ang mga pangyayari, ilang minuto ang lumipas…

Isang police officer ang lumabas mula sa pantry dala ang isang trey ng coffee na isa-isang ibinibigay sa kasamahan.

Kinuha ni Inspektor ang isang tasang kape. Ngunit bago pa man ito inumin, isang officer ang pumasok sa presinto at ini-ulat ang natagpuang sasakyan at hindi makilalang bangkay sa sasakyan ni Janus  dulot ng pagkasunog.

Matapos ay ibinaba nito ang kape at saka pumasok sa isang kwarto.

Bago pa iyon, naalala rin ni Inspektor ang naabutan nito sa pantry kung saan naroon sina Mary at Mr. San Carlos, at ang isang trey ng coffee sa isang table.

“This is f*cking crazy!”, ani ni Inspektor.

Hindi pa rin tumitigil sa paghagulgol si Alice habang yakap-yakap ni Janus.

Ilang saglit, isang boses ang kanilang narinig.

“Aaahhhh… aahh… A-l-i-c-e…..”

Bahagyang huminahon si Alice at hinanap ang pinanggagalingan ng tinig.

“Mary…”, nangingiyak na tawag ni Alice.

Sumunod sina Inspektor at Janus sa kinalalagyan ni Alice at tumambad sa kanila ang isang naghihingalong si Mary.

Walang tigil sa pagluha ang mga mata ni Mary habang pilit na nagbibitiw ng salita. At sa bawat paghbalo nito ng hininga ay ang patuloy na pagbula ng kanyang bibig dulot ng pagkalason.

“Ssii…. M-r. Sss-a-n Cccc-a-r-l-o-s…”, ito ang mga huling salita na binitiwan ni Mary.

Nawalan ng buhay si Mary ng nakadilat ang mga mata. Bakas sa mukha nito ang naramdamang dusa sa sinapit na mapait kamatayan.

Dean's Lists (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon