"Syempre, ako lang naman baby girl mo eh, saka ikaw lang ang Kuya Ali ko." Naghihikab na si Kuya Alistair at alam kong pinipigil niya lang yung antok para sabayan ako.
"Tulog ka na Kuya, sleepy ka na eh."
"Tapusin muna natin yung food. Saka di rin ako makakatulog pag busog." He leaned back on his chair and chewed thoughtfully.
"What time ba class mo?"
"10AM pa po."
"Ayaw mo ba mag-shift sa Diliman para di ka matagtag sa biyahe?" his eyes were closed.
"Ano naman course ko Kuya? Pareho lang kayo ng tanong ni Prince."
"Sinong Prince?" naka-kunot yung noo niya pero di pa rin nakabukas ang mata.
Ooopsss... tanga mo Aya!
"Yung bago kong friend." I answered vaguely.
"Classmate mo?"
"Hindi po. Org mate ni Kuya Adam." Wag ka na magtanong kuya, please? Dasal ko habang naghihintay na bumuka yung lupa. Ang awkward na naman kapag nalaman ni Kuya kung paano kami nagkakilala.
"Pinakilala ni Adam?" Arrgh Kuya Ali bakit andami mong tanong?
"Nakilala ko po sa Main Lib"
"Sophomore?"
"Incoming Senior po."
"Hmmm... okay." Yes! Wag ka na ulit magtanong Kuya!
I was saved when Sab arrived at the house. Kuya Ali excused himself and we entered my room.
"Sooo... anong klaseng look ba yung gusto mo?" Tanong ni Sab habang nakaupo sa bed ko.
"Yung hindi mukhang manang."
"Hmmm..." Sab stood up and went to my closet. Kumuha siya ng ilang shirts at dresses.
"Demure pero hindi naman manang that's how I think you should look." She picked a light pink summer dress na sleeveless and below the knee ang haba.
"May shears ka ba? Putulan natin yung skirt nito para maging above the knee."
"Ha? Teka wag masyado maiksi ha. Baka magalit si Kuya Adam, kasama namin ulit siya mamaya."
Sab looked at me with horror, "WHAT?! Ano ba naman yang Kuya mo, pati sa date sumasama?... Shocks, gusto ba talaga nilang tumanda kang dalaga? So awkward".
"'Ayaan mo na si Kuya Sab, siya naman nakakakilala kay Prince. Saka sabi niya sa akin kagabi hindi naman niya ako babawalan basta wag ko itatago at saka mag-iingat ako."
"Sinabi yon ni Kuya Adam? Wow, improving!" she smiled as I gave her the shears. Pinutulan niya agad yung dulo pagkatapos ay tinupi. Naglabas ako ng sinulid at karayom at tinahi na agad ni Sab yung laylayan ng skirt.
"O sukat mo muna tapos pili tayo ng accessories mo."
I went inside my bathroom and put on the dress. Maganda naman yung pagkatabas ni Sab and I felt more confident when I twirled in front of my full-length mirror.
"Wow ang pretty na ni bes," She grinned at me as she draped a beaded necklace around my neck. "O ayan, bagay na bagay."
"Thanks Sab," I hugged her tight.
------------------------------
Posible palang maging sexy ang isang babae kahit hindi revealing ang damit niya? Ewan ko ba, covered naman si Aya at napaka-conservative ng suot niya pero bawat galaw niya ay talagang sinusundan ng mata ko. Yung korte ng katawan niya, yung makinis niyang balikat at binti... Oh man, anlakas ng tama ko sa babaeng to.
YOU ARE READING
It Started in the Library (Completed and Editing)
RomanceHindi ko naman talaga sinasadya. Nainis lang ako nung araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at umandar ang aking pagka-OC at pagka-intrimitida. Kasalanan mo, nilapastangan mo yung libro. Malay ko bang mahuhulog pala ang puso ko...
Chapter 6: Do You Believe in Fate?
Start from the beginning
