"Ano ba kasing ginawa mo?" tanong ulit ni Simone. At gusto ko rin malaman.



"Tinulungan ni Ate Cane magbuhat ang mga nag-iimbak ng tubig!" kwento ni Wano.



"Ang galing niya po! Ang lakas niya! Ang dami niyang tinulungan! Binilang namin kanina! Limampu sila!" kwento rin ni Wani.



Tahimik na naglalabas ng pagkain si Cane mula sa bayong.



"Wano, Wani...dalhin niyo ito sa bahay niyo para may makain kayo hanggang gabi." sambit niya na mabilis na kinuha ng kambal at tuwang tuwa na umalis.



"May mainit na sabaw dito, Tenere. Ito ang higupin mo para mabawasan ang sama ng pakiramdam mo. Hehehe." lingon sa sambit niya sa akin.



Nilapitan siya ni Simone at tinulungang ilabas ang mga pagkain.



"Napakarami nito. Hindi natin mauubos." may panghihinayang na sambit niya. Nilingon niya si Lihtan na titig na titig sa pagkain.



"Pili ka na, Lihtan." sumunod si Lihtan at kinuha ang kanina niya pang tinitingnan.



"Ipamahagi na lang natin 'yung sobra mamaya."



Gagawin niya 'yon? Pero bakit?



"Simone, Lihtan, tulungan niyo si Tenere." sambit ni Cane pero bakit doble ang ibig sabihin sa akin no'n? Napabuntong hininga ako sa isipan ko dahil kung ano ano ang mga naiisip ko. Mas pinili kong bumangon mag-isa ngunit bago pa man ako maduwal ay mabilis na may sumambot sa aking magkabilaang braso.



"Wala namang masama kung tatanggap ka ng tulong, Tenere." mahinahong sambit ni Cane nang hindi lumilingon habang nag-aayos ng pagkakainan.



"Hindi lahat ng tulong ay tunay..." sambit ko nang makaupo sa harapan niya.



"Hindi lahat magkakatulad. Nagkataon lamang na may makikilala kang ganoong klaseng tao dahil may dahilan at para magbigay leksyon sa'yo." sagot niya ng hindi tumitingin sa akin habang kumukuha ng para sa kanya.



"Hindi ako naniniwala."



"Wala naman sa plano ko ang paniwalaan mo 'ko. Kumain ka na."



Napalunok ako at kunot noong kumain na lamang.



"Saan kayo galing kanina?" tanong niya kay Simone at Lihtan.



"Nag-imbak ng tubig para sa'yo pero nag-imbak ka rin pala." naiiling na sagot ni Simone sa kanya.



"Marami bang imbakan dito?" ngumunguyang tanong niya.



"Oo, Cane." sagot ni Lihtan.



"Oh." tumatangong sambit niya at hindi ko maintindihan kung bakit ang bawat reaksyon ng kanyang mukha ay sinusundan ko. Kahit anong iwas ko, bigla na lang napupunta sa kanya ang mga mata ko.



"Ginising niyo na lang sana ako." sambit niya.



"I told him not to." hindi ko maintindihang sambit ni Simone.



"Bakit naman?" nakangusong tanong ni Cane.



"Para mas humaba ang pahinga mo." sambit ni Simone.



"Magsabi kayo kung saan kayo pupunta, 'di 'yung basta niyo kong iniiwan." nakasimangot na sambit ni Cane. Nakita kong nagulat sina Simone at Lihtan. Maging ako.



"S-Sa susunod magpapaalam na 'ko, Cane." mabilis na sambit ni Lihtan.



"Wala akong sinabi na 'magpaalam' ka Lihtan ang sabi ko lamang magsabi kayo sa akin." kunot noong sambit ni Cane.

Mafia Heiress Possession: Hurricane ThurstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon