Chapter 57

5.7K 163 9
                                    

ALTAIR

Sandaling tahimik ang lahat at nagkakatitigan kami ng kalaban ko. Nagpapakiramdaman kung sino ang mauunang aatake. Hanggang sa siya na mismo ang unang umatake.

Nagpakawala siya ng fireball patungo sa akin. Agad kong inilabas ang buong blade ng katana ko at ginamit ito upang masangga ang fireball. Pagkalaho ng fireball, saktong nasa harapan ko na siya. Deri-deritso siya palapit habang nakatutok ang malaki niyang double edged sword sa akin. Agad akong lumiyad para maiwasan ang talim. Dumeritso ang espada niya.

‘Shems. Muntik na yun,’ sabi ko sa isip ko.

Kung hindi ako lumiyad, paniguradong masasaksak ako.

Nang umatras na siya, saka ako tumayo ulit ng maayos at saktong naramdaman ko ang mabilis na paglapit ng sandata niya. Agad kong isinangga ang katana ko.

Isang malakas pwersa ang nabuo nang magkasangga ang mga talim ng sandata namin. Bahagya pa akong napaatras.

‘Hindi pa ako ganun kabihasa sa paggamit ng sandata ko,’ komento ko sa isip ko habang nakatingin sa kalaban ko na hinahandang muli ang sandata at pagsugod niyang muli.

“Nararamdaman ko na kabado ka ngayon dahil sa mga sandata,” bigla niyang saad. “Mas makakabuti kung kusa ka na lang lumabas ng circle kung nag-aalinlangan ka sa sarili mong kakayahan at magensayo pa ng maayos.”

Napahigpit ang hawak ko sa katana ko.

Aminado akong nag-aalinlangan nga ako sa sarili ko ngayon pero hindi ibig sabihin na kusa na lang na lalabas ng circle.

Ilang segundo ang lumipas at sabay kaming sumugod sa isa’t isa. Nagtatama ang mga sandata namin bawat wasiwas. Bawat pagtatama, lumilikha ito ng tunog. Nagtuloy-tuloy lang kami.

Napapaatras ako bawat pagtatama ng mga talim dahil mas malakas siya ngunit hindi pwede na basta-basta akong huminto. Isang mali lang sa pagsangga sa talim ng espada niya ay paniguradong masusugatan ako.

Bigla siyang huminto at umatras. Naging alerto ako.

Ilang hakbang ang ilinayo niya mula sa akin. Bumwelo at saka sumugod ulit sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito, umiikot siya sa ere habang papalapit at nakatutok sa akin ang espada niya.

Nabigla ako sa ginawa niya at tanging pagsangga na lang ang nagawa ko. Tumama ang dulo ng talim ng espada niya sa katana ko at may kasabay itong malakas na pwersa. Napaatras ako ng ilang hakbang hanggang sa narinig ko ang biglang sigawan ng mga ka-division ko.

“Tingnan mo ang marka!” Rinig kong sigaw ng ilang ka-division ko.

Ginamit ko ang lahat ng lakas ko sa mga paa ko upang mahinto ako sa pag-atras. Nang mahinto ako, agad akong napalingon sa paanan ko.

“Sh—” Halos mapamura ako nang makita ko na halos ilang pulgada na lang ang layo ng mga paa ko palabas ng marka.

Patuloy sa pagsigaw ang mga kadivision ko.

“Altair!” Boses iyon ni Ryoran.

Pagkarinig ko sa sigaw ni Ryoran, napalingon ako sa kalaban ko. Bigla niyang winasiwas ang espada niya patungo sa paa ko.

Shemay! Pinupuntirya niya ang paa ko para mapalabas ng tuluyan.

Agad akong tumalon upang maiwasan ang espada niya at ginamit ko ang pagkakataon na isabay ang magpabuga ng malakas na apoy mula sa isa kong palad patungo sa kaniya. Naiwasan ko ang talim ng espada niya kasabay nang pag-atras niya.

Napalingon ulit ako sa paanan ko. Nasa loob parin ako marka.

Nilingon ko ang kalaban ko. Namumula at may sugat ang kaliwang pisngi niya. Ginamit ko ang pagkakataon na hindi pa siya naka-focus sa akin dahil sa natamo niyang sugat. Sumugod ako patungo sa kaniya at sunod-sunod na nagpakawala ng mga wasiwas ng katana ko para mas mapaatras pa siya.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon