Chapter 32

7.1K 223 3
                                    

ALTAIR


"Tara na, Altair. Maraming studyante na ang papunta na sa Conference Hall. Sa may West part ng campus," aya ni Eunice sakin.

“Sure ka?”

“Oo nga. Yun yung sabi nila,” sagot ni Eunice.

Okay. Sabi nila.

Lumabas na rin kami agad ni Eunice. Papunta na kami sa Conference Hall. Andun kasi ang mga Commander ng mga Army/mga Commander ng Elemental Army. Buti nga at sa wakas nagkatotoo na rin na pupunta sila rito.

Walang training ngayon para lahat daw ng studyante ay makikinig doon.

Pagkarating namin sa Conference Hall, bumungad samin ang maraming studyante. Kapansin-pansin naman iilang army na naka-uniform na nandirito. Talagang nandito na nga ata ang mga commander. Sa pagpasok namin ni Eunice, may naririnig kami na mga usapan na excited na raw silang makilala ang commander ng ano—like that. Basta!

Walang upuan rito. Siguro para maging fair sa iba dahil siguradong hindi lahat makakaupo.

"Eunice," may tumawag sa pangalan ni Eunice kaya napalingon kami pareho dun sa tumawag sa kanya.

Familiar siya sakin itong tumawag kay Eunice. Uhm... Ito yung parang masungit na magiging taga-Crystal Army. Nakilala ko siya noon sa meeting. Ano nga ulit pangalan niya? Napaka-unique nun e.

Isip. Isip. Esmeralda? Hindi. Ah! Esdeath! Tama. Si Esdeath nga.

Lumapit siya kay Eunice. "Sumama ka sakin. May paguusapan muna tayo," malamig na sabi ni Esdeath kay Eunice.

"Huh? T-tungkol saan?" Tanong ni Eunice.

"Tss. Tungkol sa training lang naman natin. Diba grinupo tayong lahat sa division? Ako ang leader sa grupo natin."

Nanlumo naman itong si Eunice. Humarap siya sakin. "Ano ba yan, Altair. Aalis muna ako. May paguusapan daw tungkol sa training chu chu kesyo leader namin siya," halos pabulong na sabi ni Eunice sakin. Natawa naman ako.

"Oh. Altair," napatingin naman ako kay Esdeath na sa akin din nakatingin. "Kaibigan mo pala itong babaeng madaldal na ‘to?" Mapang-asar na tanong ni Esdeath sabay turo kay Eunice.

"H-hindi ah! Sakto lang," depensa ni Eunice.

Tumaas lang yung kaliwang kilay ni Esdeath. "Mauna na kami, Altair," paalam sakin ni Esdeath. Tumango lang ako. Habang si Eunice, padabog na sumunod sa kanya. Naaalala din pala niya ako. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko dahil sa tumungo sila sa isang grupo ng mga estudyante na tila naghihintay sa kanila. Mukhang kadivision nila iyon at kagrupo.

Dito lang ako pumwesto sa may tabi. Yung hindi masyadong maraming tao. Pero nakikita ko pa ang entablado. Ayaw ko munang makisama sa dami ng estudyante. Hindi pa ako ganoong fully may energy.

Palingon-lingon lang ako sa paligid. Nag-aabang kung may makikita akong kakilala ko. Nagmumukha ako ritong loner.

Mga ilang minuto pa ang lumipas, mas dumami pa ang studyante rito at nananatili akong nakatayo rito sa sulok. Matagal pa ba magsimula itong meeting?

'Kung bumalik na lang kaya ako sa dorm? Siguradong i-kwe-kwento sakin ni Eunice ang mangyayari dito. Kulang pa ako sa lakas,' sabi ko sa isipan ko. Maglalakad na sana ako para bumalik sa dorm nang may nagsalita sa stage.

"Good morning students!" Tapos naghiyawan din naman ang mga studyante kaya napatakip ako ng tenga ko dahil sa ingay. Napalingon ako sa may stage. Nandon ang isang teacher na lalaki.

"Alam ko na matagal nang sinasabi na pupunta raw dito ang mga commander pero hindi naman natutuloy. At sa nakailang beses nang sinabi na pupunta rito ang mga commander, sa wakas ay natuloy na! Yehey!” Ani ng guro sa stage.

Bakas sa mga estudyante ang tuwa. Sa wakas daw ay totoo nang nandito ang mga commander.

“Biglaan lang ito ngayon. Hindi man lang tayo nakapag-ayos ng silid na ito para sa kanila. Pero hayaan na. Ang mahalaga ay nandirito na sila. So, excited na ba kayong makilala ang mga commander niyo?" Tanong nang guro at naghiyawan naman ang mga studyante kaya napatakip ulit ako ng tenga ko.

"Okay. Okay. Hindi ko na papatagalin pa ito. Alam kong excited na kayo at baka may kailangan pang gawin pagkatapos nito ang mga commander. Heto na sila---ang mga commander!" At hiyawan ulit ng mga estudyante ang dumagundong sa buong Conference Hall. Nagsilabasan naman ang mga sinasabing commanders mula sa backstage.

Labing apat silang lahat. Lahat sila nakasuot ng military uniform at cap. Iba-iba nga lang ang kulay nito at yung style ng uniform nila. Pero nakilala ko agad yung commander ng Red Army dahil sa uniform niya at nagkita na kami.

Umupo sila sa mga upuan na nakahelera sa may stage na labing apat din. Hindi na rin ako aalis pa. Makikinig na lang ako. Total ay nandito na sila.

"Simulan na natin ang pagpapakilala sa ating mga commanders!" Maligayang sabi nung teacher.

Ay luh. Nakalimutan ko ang phone ko para sana mai-note ko.

Tumayo mula sa kaniyang kinauupuan ang isang commander na kulay asul yung uniform na pang military.

Sa dami ng sinabi, hindi ko na ide-detailed pa. Basta nagpakilala sila at pati narin ang mga lieutenant nila at nagsabi sa mga tungkol sa mga kapangyarihan na under sa army nila at ibang details like kasalukuyang population ng army nila.

Ang mga Commander ng bawat army ay ang mga sumusunod:

Lucent Army — Commander Arnel

Cyan Army — Commander Sota

Blue Army — Commander Teppei

Pellucid Army — Commander Sayu

Solidius Army — Commander Labrador

Colorless Army — Commander Joel

Chant Army — Commander Taki

Crystal Army — Commander Toshiro

Gold Army — Commander Ryuu

Medication Army — Commander Saori

Purple Army — Commander Arvin

Opaque Army — Commander Kyo

Green Army — Commander Leon Koike

At ngayon naman, ang Red Army Commander naman.

"Ako si Shin Yagami. Ang Red Army Commander at nandito ang lieutenant ko. Si Lieutenant Lorenzo Chancelor."

Napatango ako. Pero teka nga. Kapangalan ng papa ko ang Lieutenant ng Red Army ah.

May lalaking umakyat sa may stage. Medyo hindi ko masyadong makita ang mukha lalo na at malayo-layo ako.

Ilang segundo pa, nakatuntong na siya sa stage at humarap na sa amin. Kaya nakita ko na rin mukha niya.

Napakunot ang noo ko ng makita ko siya. Kinusot-kusot ko rin ang nga mata ko para makasigurado. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Naman oh! Namamalik mata lang ba ako?

Umiling-iling na rin ako at talagang tinutok ko ang mga mata ko dun sa stage para masigurado kung totoo ba talaga itong nakikita ko ngayon.

Aish! Ano to? Totoo ba talaga to?

"Papa?"

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon