Chapter 72

237 6 1
                                    

ALTAIR

Nakita ko mula sa pinagtataguan ko si Commander Shin na nakikipaglaban sa mga Air Force.

Magaling siya.

Hanggang sa nakita ko mula rito ang isang lalaking pamilyar. Nakangiti siya na naglalakad tungo kay Commander Shin habang nagkakagulo ang paligid niya. Si Jerson Redfox.

Inayos ko ang buhok ko upang mas makita ko kung siya nga ba talaga. Tama. Siya nga.

Gusto ko sanang harapin na si Jerson. Pero na natili lang muna ako sa pagtatago.

Nakita ko na nag-usap muna sila. Pero hindi ko marinig dahil sa malayo layo sila mula sakin. Sabayan mo pa ng mga pagsabog sa ilang parte ng paaralan.

Sumunod na mga eksena ay naglaban silang dalawa. Ngayon ko mas nakita ang kakayahan ni Jerson. Malakas siya. Halos magkapantay lang ang lakas nila ng commander.

Halos hindi ko masundan ang ang kanilang mga galaw. Mabibilis sila. Kinusot ko ang mga mata ko para mas makita ko sila.

Nalalaman ko kung asan sa kanila si Commander Shin at Jerson. Dahil yun sa kapangyarihan nila na sunod-sunod na nagpapakawala.

Habang pinanonood ko sila, nahagip ng mga mata ko mula sa malayo ang pagbagsak ng isang commander. Si Commander Joel ng Colorless Army! Prenotektahan siya ng mga army niya pero nagsibagsakan rin ang mga ito.

Napatakip na lang ako ng aking bibig sa nasaksihan ko.

Napalingon ako sa ibang deriksyon. Nakita ko ang isa pang commander na bumagsak din. Si Commander Kyo ng Opaque Army.

Natamaan siya sa may kanang dibdib. Hinarang niya ang kanyang sarili upang hindi tumama ang tira ng Air Force sa isang army. Naalala ko ang ginawa sakin ni papa noon.

Hindi ko maiwasang maluha. Wala akong magawa rito. Ngunit hindi ako pumuslit dito para manood lang.

Nang tingnan ko ulit sila Commander Shin at Jerson halos hindi ako huminga ng makita ko ang pagsummon ng isang spear si Jerson at inihagis kay commander Shin. At...

At natamaan si Commander Shin sa kanyang ibaba ng kaliwang dibdib na tumagos pa sa likod niya.

Nakita ko ang unti-unting pagtawa ni Jerson.

Hindi... Hindi to pwede.

Hindi ko na maatiman na tumingin lang.

“COMMANDER SHIN!” Sigaw ko kasabay ng paglabas ko sa tinataguan ko.

Tiningnan ko si Jerson. Natigilan siya nang makita niya ako.

Sa galit ko, nakaramdam ako ng malakas na enerhiya sa katawan ko. Napansin ko na nagkaroon ako apoy sa likod— hindi. Hindi basta-basta apoy. Dahil mga pakpak na apoy mismo.

Hindi ko na inintindi pa iyon. Tinanggal ko ang takip ng katana ko at tila gumalaw ang mala-pakpak na apoy sa likod ko. Hanggang sa naramdaman ko ang paglipad ko patungo kay Jerson. Kasabay ng pagtulo ng luha ko at pagwasiwas ko sa katana kay Jerson.

Saktong pagkaapak ko sa lupa, nakita ko ang nagdurugong kaliwang dibdib ni Jerson. Kitang-kita iyon dahil sa puti niyang suot na long sleeve polo.

Nakita iyon ng ibang Air Force. Kaya dali-dali nilang itinutok ang kanilang mga cannon na nakakabit sa katawan nila.

Pero hindi ko sila hahayaan. Agad akong lumapit kay Commander Shin habang patuloy na pagpagaspas ng aking mga pakpak.

“LUMAYO KAYO!” Sigaw ko na halos ibuhos ko lahat ng boses ko. Bawat bagwis ng pakpak ko ay naglalabas ng malakas na apoy mula rito. Kung sa normal na pakpak ay hangin, sa akin ay ang apoy.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon