Chapter 42

6.3K 192 12
                                    

ALTAIR

Kinabukasan… Ready na kami ni Agatha para sa pagbabalik sa EGA.

Lumabas na kami ng silid namin at dumiretso na ng plaza dala ang mga gamit namin. Nandito na rin ang iba pang estudyante.

Wala na pala ang Royal Army rito. Umalis na sila kagabi.

"Excited na ako sa pagbabalik natin!" Ani Ryoran nang makalapit na sa amin. “Excited na ako na makita ulit ang iba kong kaibigan.”

Nasa labas ng gate ang mga kalesa na sasakyan namin at ilang minuto pa, pinalabas na kami sa campus. Halos hindi magkamayaw ang mga kaklase ko habang sumasakay sa kalesa.

Bago ako makasakay, nakita ko si papa sa kabilang kalesa. Saktong lumingon siya sakin.

"Papa!" Tawag ko at patakbong lumapit sa kanya.

"Uy anak!" Yinakap niya ako at kumalas din agad. "Magaling ka na bang makipaglaban? Nang ganun?" Tanong ni papa sabay pose ng parang nakikipaglaban.

Natawa ako at umiling. "Ahm. Kulang pa ako sa training. Pero promise ko na gagaling ako sa pakikipaglaban," sabi ko.

"Talaga, nak?"

"Oo, pa."

"Sigurado yan ha? Tapos gayahin mo ko. Maging lieutenant ka."

"Eh? Mahirap ata maging lieutenant."

"Ano ka ba! Hindi. Basta ang mahalaga, may sapat kang kaalaman sa pakikipaglaban at may malasakit ka sa kapwa army."

Napangiti naman ako sa sinabi ni papa. Siguro magaling na lieutenant si papa dito sa red army kaso may kunting doubt lang ako. Eh kilala ko ‘tong si papa. May pagkabaliw minsan. Tsk. Buti na lang at di ako mana sa papa ko.

“Basta hetong paalala ko sayo: maging masaya ka lang sa buhay. Huwag mong masyadong seryosohin lahat ng bagay. Baka masiraan ka ng bait niyan. Kung nahihirapan ka na, huwag mo pa ring kakalimutang ngumiti sa mga tao. Dapat ngiti ka lang palagi.” Ginulo niya buhok ko. "Sige na, nak, sakay ka na dun," sabi ni papa sabay nguso dun sa may kalesa na sasakyan ko.

"Sige pa." Sumakay na ako sa isa sa kalesa. Hanggang sa mapuno na kami dito. Mayamaya pa ay nagsimula na ang paglalakbay.

***

Nagtatawanan lang kami dito sa loob ng kalesa dahil sa mga patawa ni Ryoran.

“Laugh trip talaga. Hahaha,” tawang-tawang komento ng isa kong kaklase at napahampas pa sa kaniyang katabi na tumatawa rin.

"Hahaha. Tapos ano pa?" Nanggigilid na halos ang mga luha ni Agatha dahil sa kakatawa.

"Tapos ano... ano nga ulit yun? Ahm.." Mukang nakalimutan pa ni Ryoran ang sasabihin. “Ah! Ganito k---aray!”

Biglang umuga ng malakas ang kalesa namin at huminto kaya maraming nauntog.

"Aray ko naman. Ang epal ng kalesa ha," reklamo ni Ryoran.

Isang malaking dagundong ang narinig namin sa labas ng sinasakyan namin.

"Hala! Ano yun?"

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon