Chapter 17

8.5K 245 6
                                    

ALTAIR

"Eunice, mauna na ako sayo ha. Bawal kasi late sa amin," palam ko kay Eunice.

"Oh sige. Alis na. Baka mapagalitan ka pa."

Nagmadali na akong umalis sa dorm. Ayokong magkaroon ng punishment sa pangalawang araw ko sa Red Army Division.

Takbo... takbo... Takbo ako ng takbo papuntang Trainee Section. At nang makapasok na ako sa Trainee Section...

"Uy!"

"Ay Red Army!" Napahinto ako sa pagtakbo at halos matumba dahil sa pagkagulat.

"Oh? Hahaha. Bakit ka takbo ng takbo?" Tumatawang tanong ni Lucas.

"Haist! Pambihira ka naman, Lucas, mala-late na ako. Alis na ako. Bye," pagmamadali ko.

Tatakbo na sana ulit ako nang hilahin niya kaliwang wrist ko kaya napaharap ulit ako sa kanya. Ngumisi siya bigla.

Teka. Parang...

"Lucas? Oh Altair. Noon, si Lucian. Ngayon si Lucas naman. Tsk tsk!" Nagpailing-iling pa siya.

Halos magsalubong naman ang kilay ko. Ini-process ko muna sinabi niya. Hanggang sa may mapagtanto ako. Agad kong binawi kamay ko sa kanya.

"L-Lucius?"

"Miss Altair Chancelor. Nawala lang si Lucian, na kay Lucas na naman ang atensiyon mo."

Ano raw? Susme!

"Lucius, matanong nga kita. Nag-aadik ka ba? Ilang ulit ko ba sasabihin na wala kaming relasyon ek-ek ni Lucian para kung ano-ano ang isipin mo. Eh nakakatakot nga yun eh," gigil kong sabi. Natawa naman siya.

"Talaga? Nakakatakot ba? Mukang hindi naman. Pero sinasabi ko sayo, Miss Altair. Diyan nagsisimula ang pag-ibig~" Pasing-song ang tono niya.

Nagpakurap-kurap ako sa sinabi niya. Pag-ibig raw? Sabog utak nito.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hey. Anong nangyayari rito?" Biglang may sumulpot pa na isang Imperial. For sure, si Lucas na 'yan. "Altair, ang aga-aga, tila high blood ka."

"Pagsabihan mo nga yang kambal mo. Kung ano-ano na pinagsasasabi," gigil kong sumbong kay Lucas at pinagtuturo si Lucius na nakasimangot na ngayon.

Tinapunan naman ng masamang tingin si Lucius ni Lucas.

"Mauna na ako, Lucas. Mala-late na kasi ako," paalam ko at kumaripas na ng takbo palayo sa kanila. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Lucas dahil nagmamadali nga ako.

Argh! Sana talaga hindi pa ako late. Kainis kasi na Lucius.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ko na ang division ko. Diretso na ako sa loob ng division. Sa plaza. Nandon din kasi ang ibang studyante pati na rin sila Agatha. Pero wala akong makita na guro kahit si Ma'am Victoria. Siguro hindi pa ako late.

Naglakad ako patungo sa gawi sana ni Agatha nang bigla akong natalisod. Sakto pa na may dumaan na lalaki sa harap ko kaya sa kanya ako natumba. Kaso nagulat siya kaya natumba rin siya at nadaganan ko pa siya.

"Aray!" Daing nung lalaki.

Agad akong tumayo kaso napaupo naman ako dahil sumakit ang paa ko sa pagkakatalisod.

Tiningnan ko ang lalaki na bumabangon. Siya yung lalaki kahapon na nagtanong kay ma'am about sa weapon. Nakalimutan ko nga lang ang pangalan niya.

Tumayo siya sa at inayos ang uniform niya. Pagkatapos ay tiningnan niya ako ng masama. Dahan-dahan naman akong tumayo ulit. Kahit na masakit ang paa ko, pinilit kong makatayo.

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon