Chapter 88- Captured

2.6K 79 4
                                    

~+untouchableprincess+~

Danielle's POV

Nagising ako sa isang bench dito sa park. Nakatulog pala ako.

SHOCKS. NAKATULOG AKO?! O__________O

Buti naman at walang nakahuli sa'kin!

Tinignan ko yung oras. 7 na pala.

3 hours lang ang tulog ko @___@

Tumayo na ako saka naglakad lakad. Bahala na kung saan.

Nakaramdam ako ng gutom kaya napadpad ako sa McDo. Buti naman at bukas na siya. Kasi nagugutom na talaga ako.

Pumila na ako sa counter at nagorder. Binayaran ko na rin. Kinuha ko na yung tray at naghanap ng bakanteng upuan.

Nakita ko na may table na good for 2 kaya naupo ako. Habang kumakain, may mga dumating na rin na ibang tao.

May mga kumakain na may kasama. Yung isa, pamilya nila. Yung isa, couple.

Naalala ko na naman si Luhan.

Kahit na galit ako sa lalakeng yun, mahal ko parin. Nasaan na kaya yung baklitang yun?

Umiling nalang ako at nagsubo ulit.

Luhan's POV

/airport sounds/

Bumaba na ako ng eroplano. Nasa Plipinas na ako.

"Malapit na kitang mahanap Dani... malapit na."

Nang makaramdam ako ng gutom, naghanap ako ng pinakamalapit na fast food. Nagorder ako saka umupo rin. Mag-isa ko lang.

Habang kumakain, may mga taong pumasok din. Tapos may couples.

Puta naaalala ko na naman nung nilibre ko sa McDo si Dani. Namimiss ko na siya...

Pinindot ko yung watch ko. Kung dati, sinet-up ko para walang makatawag sa'kin, binalik ko na sa dati. Tinawag ako ni Sehun.

"Luhan hyung? HYUNG! Jusko ilang beses ka namin sinusubukang tawagin. Ano? Nasaan ka na? Uuwi ka na? Susunduin ka namin?"

"Relax lang Sehunnie. Kamusta si Dani?"

"Nagmumukmok sa kwarto niya. Ayaw niyang buksan. Ok naman na siya dati. Naging malala kasi ang mga problema dito..."

Kumunot ang noo ko. "Ano?"

"Nalaman na ni Dani, hyung. Sorry. Pati ako nagulat dahil bigla siyang sumugod sa'kin at tanungin kung ikaw ang prinsipe."

The Princess and her 12 Guardians [EXO FF] (BOOK 1 complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon