Chapter 11-Black Pearl

6.2K 140 2
                                    

3rd P's POV

Sa isang lugar malayo sa MAMA Institute, may mga malalaking lalake na kapapasok sa isang, hindi ligtas na lugar.

"Andyan na pala kayo. Nasaan siya?"

"Boss, di po namin siya mahanap. Si Sally lang ang nahuli namin." tapos pumasok ang mga alagad ng tinawag na 'boss'. 

"Mabuti naman. Pero, ano ang nangyari?"

"Nakainom po siya boss."

"Ng alak?"

"Hindi boss. Ng Poisonous Water."

Nanlaki ang mga mata ng tinawag na 'boss'.

"ANO?! HINAYAAN NIYO LANG?!"

"Nakaharang kasi siya boss. Nasa CR po siya nun tapos naka-lock. Sinuntok lang po namin yung pinto. Nagkabutas. Kaya nakita namin siya. Pero may kausap sa telepono."

"Kilala niyo kung sino ang kausap?."

"Hindi po boss."

Napaisip ang tinawag na boss at muling kinausap yung mga alagad nito.

"Makakaalis na kayo. Ilagay niyo yan sa kulungan. Gawin niyo lahat para gumaling yang walang kwentang babaeng yan!"

"Si-sige boss." tapos umalis na ang mga alagad ng itinatawag na 'boss'

"Nagsisimula palang tayo ngayon. Maghintay pa kayo, princess Danielle. Makukuha ko ang Black Pearl at makakapunta sa Two Moons. BWAHAHAHAHA!"

 

Danielle's POV

"Major Lopez." tawag ko habang nagdridrive kami pauwi.

"Ano ang maililingkod ko sa'yo, prinsesa?"

"Sir itigil niyo nga yan! hahaha"

"Hahaha masanay ka na, hija. Di magtatagal, babalik ka rin sa Two Moons."

Hay... di pa ako sanay.


"Ano pala yun, Danielle."

"May... pinapabilin si.. si tita. Ano po. Yung... black pearl?" pagkasabi ko nun, tumahimik bigla. Nasa frontseat ako at nasa likod yung mga kasama ko. Natutulog na silang lahat.


"Ano daw?"


"Itago niyo po daw..."


Tapos biglang tumahimik sa van.


"Sir..."


"Ano yun?"



"Pwedeng magtanong?"

"Kahit ano!"

"Uh... ano po yung Black Pearl?"

The Princess and her 12 Guardians [EXO FF] (BOOK 1 complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon