Chapter 60- Burning Forest

3.4K 89 1
                                    

Anika's POV

Umalis ako sa bahay para magtrabaho. Kailangan ko rin eh. Para mabuhay.

Sa isang restaurant ako nagtratrabaho.

Kahit labag sa kalooban, kailangan. Ang dami kasing humihingi ng number ko. Kahit ayokong ibigay.

Nakakainis!

Binayaran na nila ako. Bumili ako ng pagkain ko bago ako umuwi.

Malayo palang, nakikita kong ang liwa-liwanag na ng gubat. Gabi na rin kasi.

May usok. Maitim na usok.

At yung forest na yun,

"SHOOT!"

Agad akong tumakbo. Medyo marami rin tao dun. May mga bumbero at pulis.

Papalapit na ako sa forest nang may humarang sa'kin.

"Miss di ka pwe--"

"Sir dun po ako nakatira!" sigaw ko at tumakbo. Hinabol naman nila ako.

Napatigil ako nang makita ko yung bahay ko. Nasusunog.

"N-No." naupo nalang ako. Naiiyak ako. Nakaharap lang ako sa bahay kong nasusunog.

Tangina.

Dapat ginawa ko na yung harang!

"*Meow.*"

Napatingin ako sa pusa ko. Si Brittles.

Kinuha ko siya at hinawakan.

"Miss, tumayo na po kayo! Mapanganib na dito!"

Wala na, lahat na kinuha na nila.

Nakakainis!

Hindi human ang gumawa nito. Alam kong hindi.

Lay's POV

Habang may kanya-kanyang buhay yung iba sa'min, nilipat ko ang channel. Napadpad ako sa news.

"Gubat malapit sa park, sunog! Isang oras na ang nakakalipas."

Napalingon kaming mga nasa salas sa tv.

"Teka, diba diyan nakatira si Anika?" tanong ni Luhan.

The Princess and her 12 Guardians [EXO FF] (BOOK 1 complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon