CHAPTER 27 (GIL): Announcement

96 6 0
                                    

(KIMSHIE'S POV)

We're here at the Windshine Academy because we passed the requirements they asked. Since we're not attending any of our classes because we're so busy right now in our training days. But our CEO talked to our Head Principal regarding in our schedules. Since trainees na kami at students kami, we need to focus on our training and study at the same time. So nagdecide sila na i-home school kami it means hindi na namin kailangan pang umattend ng classes everyday because may permission na kami dahil nga trainees na kami ng isang company. The school agreed on this so binibigyan nalang nila kami ng school papers para naman makahabol kami sa lessons and activities in school. Kaya naman kahit na trainees kami, nakakapag-aral pa din kami.

"Wait lang Kimshie, punta lang akong comfort room."
Paalam ni Ayesha kaya naman tumango nalang ako.

Naupo muna ako sa may isa sa mga benches dun. Mapuno at maraming nakapaligid na halaman roon kaya mas relaxing talaga. Lalo na't tahimik pa yung lugar na yun. One of my favorite places kasi itong lugar na to.

Tumingala ako at saka sumandal sa bench na inuupuan ko. I closed my eyes and feel the warm breeze of the wind that touches my skin. Ang sarap talaga sa pakiramdam neto. Hmmm...sana palaging ganto katahimik yung paligid ko at ang mundo ko-----

"ARAY!"

Napasigaw ako nang bigla na lamang may kung anong bagay ang tumama sa ulo ko. Nakita ko ang bolang tumatalbog ngayon sa harapan ko. Sinong lapastangan ang nambato sa ulo ko ng bolang yan?

Lumingon ako sa likuran ko at nakita kong tumatakbo papalapit ang pigura ng isang lalaki papunta rito sa kinapepwestuhan ko. Sya siguro ang may pakana neto. Inis na tumayo ako habang hawak ang ulo kong tinamaan ng bola. Handa ko na syang sigaw-sigawan para pagsabihan pero nagsalubong ang kilay ko nang makilala ang lalaking yun.

"Unano ikaw pala."
Bati nya sakin nang makalapit sya sakin.

Naglakad sya papalapit dun sa bolang tumatalbog kanina pa at kinuha nya to saka sya humarap sakin habang hawak yung bolang yun. So ano? Walang sorry-sorry?

"Hoy Jungkook ano bang trip mo ha? Andun yung gym tas dito ka naglalaro ng basketball. Tapos di ka man lang marunong magsorry nang mabato mo ko ng bolang yan."
Masungit na sabi ko sa kanya habang hawak-hawak yung ulo ko. Shet ah infairness masaket sya.

"Oh? Sorry."

Parang gusto kong lamutakin yung mukha nya dahil napaka-insincerity ng pagsosorry nya arg! Well, never mind. Makaalis na nga lang dito geez..saka ano bang ginagawa nya ulit dito? Feeling park ba tong school sa kanya? Saka bakit ba kasi nakakapasok sya dito? Baka naman nagtrespass sya? Ay ewan nako.

Nung unang beses na nakita ko sya, yung tinamaan naman ako ng apple na hawak nya habang nasa itaas sya ng puno. Tapos ikalawa yung ngayon, tinamaan naman nya ako ng bola. Just wow, ano bang tingin nya sa ulo ko? Batuhan ng kung ano-ano? Grr...Tinalikuran ko nalang sya at saka naglakad papalayo sa kanya.

"Unano! San ka pupunta?"
Narinig kong tanong nya.

"Sa lugar kung saan wala ka."

Sabi ko naman sa kanya pero hindi ko sya nilingon habang patuloy na naglalakad. Napansin ko namang parang biglang tumahimik at hindi na nagsalita pa si Jungkook kaya naman nagpatuloy nalang ako sa paglalakad paalis sa lugar na yun. Nang magiiba na ako ng direksyon, nagulat ako nang biglang may humawak sa wrist ko at hinatak ako sa kabilang direksyon! Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa matipunong likuran ng taong humatak sakin.

"Hoy ilong san mo ba ko dadalhin?!"

Dire-diretso lang sya habang hatak-hatak ako sa kamay ko. Ano bang problema neto?

Girl In Love (BTS FANFIC)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن