CHAPTER 12 (GIL): Im Not Afraid...?

152 6 0
                                    

KIMSHIE'S POV

Nandito na kami ngayon sa recording studio ng Big Hit. Kasama namin si Miss Hayoon, at nagpapractice kami para sa fanmeeting ng BTS. Jusko, bakit kasi kailangan pa naming magpeform dun samantalang trainees palang kami.

So ayun, kanina pa kami nagpapractice ni Ayesha dito. Tinetrain lang ni Miss Hayoon yung voice namin, kung may mas igaganda pa yun.

"Okay girls, take a rest na. Masyado ng gabi."
Sabi ni Miss Hayoon.

Tumango na kami at saka lumabas na si Miss Hayoon sa recording studio. I looked at my wrist watch to know what time is it now. It's already 1 am. Kaya pala nakakaramdam na ko ng antok.

Nag-unat ako at saka lumabas na din ng recording studio. Kasunod ko si Ayesha na mukhang inaantok na din dahil ang tahimik na.

"Kumain muna tayo, nagugutom na ko."
Sabi ni Ayesha.

Ay mali pala, kaya pala tahimik dahil gutom na. Anong klaseng bituka meron yan at palaging gutom? -,-

"Sa dorm na. Gusto ko ng magpahinga."
Sabi ko sa kanya.

Tumango nalang sya at saka kumapit sa braso ko. Ganyan naman lagi yan eh, masyado nya kong mahal na mahal kaya dikit ng dikit.

Nang makalabas na kami sa building na yun, pumunta na kami sa parking lot at saka sumakay na ng van. Magpapahatid na kami sa dorm namin.

"Wag kang maingay dyan Ayesha. Iidlip lang ako."
Sabi ko sa kanya saka sumandal sa backseat. Ilang minuto akong nakapikit at maya-maya pa ay bigla nalang...

"KYAAAAAAHHH!"

Muntik na kong mauntog sa bubong ng van nang marinig kong tumili si Ayesha. Futek, sinabi kong wag maingay pero talagang hindi makaintindi tong babaeng to -,-

"Hoy ano ba! Nakakaistorbo yang tili mo ah!"
Inis na sabi ko sa kanya.

May hawak na phone si Ayesha at mukhang may pinapanood dun. Ano na naman bang kabaliwan ang nangyayari sa kanya? Bakit ba ko nagkaroon ng kaibigan na katulad nya? -,-

"Eh kasi ang gwapo ng Bangtan eh~ kinikilig ako~"
Nangingislap ang mga mata ni Ayesha habang sinasabi nya yun. Hindi ko nalang sya pinansin at saka pumikit nalang ulit.

Teka nga...bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko ngayon? Wala naman akong naiwan dun sa recording studio diba? Wala naman siguro. Si Ayesha lang naman ulyanin samin eh, matanda na kasi eh.

Hindi ko nalang pinansin yung pakiramdam na yun. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa dorm namin. Dire-diretso ako sa may hagdan, pupunta ako sa kwarto ko. I need to sleep, yung eyebags ko baka mas lumaki.

"Hey, san ka? Di ka na kakain?"
Tanong ni Ayesha.

Hinarap ko naman sya at saka nagsalita.

"No, I want to rest. Ikaw nalang ang kumain."
Sabi ko sa kanya.

She just nodded and went to the kitchen. Nagkibit-balikat nalang ako at saka umakyat na sa kwarto ko.

Inilagay ko ang bag ko sa may study table ko at saka dumiretso sa banyo. I'll take shower muna, mas relax at mas presko matulog pag bagong ligo.

After kong mag-shower, nagbihis na ko at nagready na sa pagtulog. Umupo muna ako sa kama ko at saka kinuha ang bag ko. Iche-check ko ang phone ko if may calls mula kay Dad. Well, sana. He texted me a while ago, he'll call after his works. Im sure baka may mga missed calls na si Dad.

Kinalkal ko sa shoulder bag ko ang phone ko pero wala doon. Ibinuhos ko ang laman ng bag ko para masigurado kung andun ba ang phone ko. Pero wala!

Tinignan ko sa may study table pero wala dun! Lumabas ako ng kwarto at bumaba.

Girl In Love (BTS FANFIC)Where stories live. Discover now