CHAPTER 13 (GIL): Hot Choco

148 7 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

We're here at the Dream's cafe. Medyo malayo ito sa company. Pero dahil sa may lahing abnormal si Taehyung, nag-aya dito sa coffee shop na to. Aba, dinamay pa kaming dalawa ni Yoongi hyung. Tumakas kasi yung apat kaya ayun, kami ang nahatak netong baliw na kasama namin.

At kung minamalas ka nga naman, andito din pala si Kimshie. Ayoko nga sana pumunta sa table nila, dahil sa nakakahiya yung boses ni Taehyung at ang sarap salpakan ng kung ano, sumunod na kami.

"AKALAIN MO YUN! ANDITO DIN PALA KAYONG DALAWA!"

Putchanggala, yung boses talaga ni Taehyung eh. Ang laki-laki na ng boses, ang lakas pang magsalita.

"Hoy, hinaan mo yang boses mo kung ayaw mong ihagis kita palabas ng coffee shop na to."
Malamig na sabi ni Yoongi hyung.

"Ay, sarreh hyung! Don't angry at me, cause Im handsomeness."

Ano? -,- Anong alien language ang pinagsasabi ni Taehyung? Takte, bakit ba kasi sumama pa ko eh.

"Sisipain na kita dyan Taehyung. Tumahimik ka na."
Sabi ko sa kanya.

Nag-peace sign lang sya at saka ngumisi. Later on, dumating na yung order namin. Coffee lang ang inorder ko, ayoko ng cakes or pastries. Ang tamis kaya -,-

"Anong ginagawa nyo dito? Bakit napadpad kayo sa coffee shop na to?"
Narinig kong tanong ni Kimshie.

Gusto ko sanag sagutin yung sinabi nya eh sasabihin ko 'Ano bang pake mo? Ikaw lang ba may karapatang pumunta dito?' Kaso baka mag-aya na naman ng suntukan yan kaya mananahimik nalang ako.

"Gusto kasi naming makatikim ng pizza dito. Hehe, kaya ayun nagpunta kami."
Sabi ni Taehyung.

Ang sarap hampasin ng upuan si Taehyung. Gago, may pizza ba dito? Coffee shop to tanga. Puro pastries and cakes lang inoorder dito.

"Pizza?"
Sabay na tanong nila Kimshie at Ayesha.

"Tanga, walang pizza dito."
Walang gatol na sabi ko.

"ANO?! WALANG PIZZA DITO?! BAKIT SABI NI HOSEOK HYUNG MAY PIZZA DITO?! WAEYO---aray naman hyung!"
Sigaw naman ni Taehyung.

Binatukan ni Yoongi hyung si Taehyung dahil sa pagsigaw nya. Nakakakuha na kasi kami ng atensyon mula sa mga customer dito.

"Tanga mo talaga. Naniniwala ka dun sa babang yun? Parehas nga talaga kayong tanga."
Naiiling na sabi ni Yoongi.

Ngumisi lang si Taehyung at saka nag-wink. Hindi ko nalang sya pinansin, kasi baka mahampas ko lang sya ng upuan.

Nagsimula ng kumain si Taehyung, at sa wakas ay may laman na ang bibig nya kaya hindi na sya dumadaldal. Si Yoongi din kumakain na, ako lang kasi saming tatlo ang coffee lang ang inorder.

"Taehyung, here oh."
Nakangiting sabi ni Ayesha sa kanya habang nilalagyan ng cake ang plate ni Taehyung.

May something talaga tong si Ayesha kay Taehyung eh. Lagi kasing nangingislap ang mga mata ni Ayesha everytime na titignan nya si Taehyung. Baka bias nya si Taehyung.

"Thank you."
Sabi naman ni Taehyung.

Wow, tama yung english ni Taehyung ah. Naks naman, umiimprove ang baliw na to. Nagkibit-balikat nalang ako at saka humigop ng coffee.

"Yoongi, cake oh---"
Hindi na natuloy ni Ayesha ang sasabihin nya nang magsalita si Yoongi hyung.

"No thanks."
Malamig na sabi ni Yoongi.

The smile dissapeared on Ayesha's face because of Yoongi's coldness. Grabe naman tong si Yoongi hyung -,- Sinungitan si Ayesha. Hay bahala sila dyan -,-

Girl In Love (BTS FANFIC)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora