CHAPTER 139: Love Drunk

5.2K 82 10
                                    

OH YEAH. ETO NA ANG START NG SUNOD SUNOD NA UPDATES NA TALAGA NAMANG NA-ENJOY KONG GAWIN NUNG DRAFT PALANG SIYA. AND OH, MORE KEN'S POV TOO! MEHEHEHEHE. NA-EEXCITE NA TULOY AKO IPOST YUNG IBANG CHAPTERS. PERO MAGPIPIGIL AKONG GAWIN YUN. BWAHAHAHAH!! JOKE. WELL, SEMI-JOKE. :3

=============

Alam mo yung feeling na para kang lutang, tapos hindi mo alam kung anong gagawin mo sa buhay mo? Yung tipong kahit gising ka na, parang tulog ka pa din? Alam mong nananaginip ka, pero di mo magawang magising? Gets niyo yung ganung pakiramdam?

Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako matinag sa kinatatayuan ko after maghiwalay ang labi ni Ken sa labi ko. Kahit ang mga kaklase ko ay natahimik dahil sa nangyari.

Ken just kissed me on my lips. It shocked me, really. Pero mukhang mas na-schock ang mga kaklase ko kesa sa akin.

AKI: anong ibig mong sabihin kanina? Nahalikan mo na si Grace even before....?!
K: *laughs* kayong bahala magisip kung maniniwala kayo sa sinabi ko o hinde. Basta ang tandaan niyo pag ako medyo nakainom, madami akong nasasabi at nagagawa ng hindi ko kaya pag matino ako. Pwede akong magbitaw ng joke, pwede din akong magconfess ng random stuff. Hehe.

Bumalik si Ken sa kinauupuan niya habang ako ay iwan mag-isa sa gitna. Teka, ano na nangyayari? Lasing na ngang talaga ako. Kung ano ano na nakikita ko. Umiikot na din pati ang paligid ko. Para akong lumulutang!

Pakshet! Habang tumatagal, parang ang sarap uminom ng alak. Ganito pala pakiramdam pag umiinom ng alak no? Parang kinukuha kaluluwa mo kasi pakiramdam mo lutang ka. Ngayon ko lang na-experience ito dahil first time kong uminom. Oo, iinom ako ng iinom ngayon. Kakalimutan ko lahat ng nangyari sa araw na ito! Kakalimutan ko din na ninakawan na naman ako ni Ken ng halik! Pakshet na buhay naman o!

K: hui tama na yan. Lasing ka na.
G: di pa ako lashing. Wag ka ngang epal! *hik*
K: ok. Sabi mo eh.

Hindi na ulit ako ginulo ni Ken. Bahala siya sa buhay niya. Ang epal niya! Epal epal epal!!!!

Hindi ko na din nagawang sumali sa game dahil hirap na akong tumayo. Nahihilo na ako, pero di ako lasing. Inaantok lang.

G: guysh *hik* di ko na kayang maglaro medyo inaantok na kashi ako eh. *hik* Una na ako sha inyo. *hik*
TRISH: friend, maaga pa! Bigay ka na?
G: oo friend. Lahat kayo umiikot na sha paningin ko. *hik* Inaantok na din ako.
AKI: naku may tama na! Sige na, matulog ka na.
Goodnight!
G: goodnight enjoy kayo! *hik*

Hirap akong tumayo ng diretso kaya naman halos gapangin ko na yung pinto papasok sa loob ng bahay. 30 seconds na ang nakakalipas pero hindi pa din ako nakakalayo sa grupo ng mga nagiinuman.

Oh gad, ang sarap ngang uminom, hirap naman maglakad! Hindi ko na uulitin to. Promise!


KEN's POV
Napansin kong kanina pa gumegewang si Grace sa tuwing tumatayo siya. Pati yung pananalita niya, iba na din. Lasing na ata tong babaeng to eh.

G: guysh *hik* di ko na kayang maglaro medyo inaantok na kashi ako eh. *hik* Una na ako sha inyo. *hik*
TRISH: friend, maaga pa! Bigay ka na?
G: oo friend. Lahat kayo umiikot na sha paningin ko. *hik* Inaantok na din ako.
AKI: naku may tama na! Sige na, matulog ka na.
Goodnight!
G: goodnight enjoy kayo! *hik*

Lasing nga! Aba akalain mong halos gapangin niya na ang sahig makarating lang sa paroroonan niya? Jeebus.

K: guys una na ako. Medyo inaantok na din kasi ako eh
IAN: asuuus sabihin mo lang susundan mo lang si Grace! *laughs*
K: hahaha. Sige enjoy na lang kayo jan. Goodnight!

Medyo nag-aalala din ako sa babaeng ito eh. Paano na lang kung biglang matumba to tapos magkasugat siya?

Shet, bakit ba ganito na lang ako mag-alala sa babaeng ito? After kong mabadtrip dahil nakita kong nagpahalik siya sa Bryan na yun, nagawa ko pang mag-alala sa kaniya.

Pakshet naman oh.

K: sabi ko naman sayo lasing ka na eh.

Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat para alalayan siya. Pero agad niyang tinangal ang kamay ko.

G: hindi nga ako lashing!
K: eh anong tawag mo jan? Halos gapangin mo na yung sahig
G: tipshi lang ako okaaay? Nahihilo lang. Pero di pa ako lashing! Naalala ko pa yung mga nangyari kaninaaa *hik*
K: oh? Like what?
G: yung shot. Yung number. Yung shot ulit. Tapos yung number. Tatayo. Tapos shot. Number. Yun.
K: yun lang?
G: ah. Yung kish.
K: *coughs* ooh. Hehe.

Ang cute niyang panoorin habang nagsasalita siya. Yung bibig niya kasi kusang nagpo-pout sa tuwing natatapos siyang magsalita.

Ugh, kaya nga ba sinasabi ko sa kaniya lagi na wag siyang mag-pout eh. Ang cute niya kasi. Paano na lang kung may ibang taong maka-discover na cute siya pag nagpo-pout siya? Gusto ko ako lang ang nakakaalam nun!

G: wag mo nga akong hawakan. Kaya kong maglakad.

Shinove niya ulit ang kamay ko at nagpatuloy siya sa paglalakad. Pero hindi pa siya nagtatagal sa paglalakad, bigla itong natumba at halos gumulong sa sahig.

Nagpigil ako ng tawa, baka awayin ako eh. Ang tapang pa naman ngayon nito dahil naka-inom ng alak. Just imagine na may isang amazona na nakainom at nagwala. Que horror!

Dapat pala hindi ko na lang siya sinali sa inuman eh. Hindi na sana siya nalasing.........

At hindi din nahalikan ni Bryan.

Ugh! Bakit naisip ko na naman yun?!

"selos lang yan" - subconscious mind

Anong selos? Di ako nagseselos ah. Wala sa bokabularyo ko yun!

K: sabi sayo eh. Halika na tulungan na kita.
G: tss. *hik*

Dahan dahan ko siyang hinawakan at iniangat mula sa pagkakatumba niya. Ang bigat ng Amazonang to ha. -_-

K: magpahangin muna tayo sa terrace para medyo mahimasmasan ka. Hindi maganda sa lasing ang matutulog agad. Baka mamaya bangungutin ka eh.
G: oh? Shino nagshabi? *hik*
K: ako. Napapanood ko kasi sa movies.
G: ahhhh okaaaay.

Inilalayan ko siya hanggang sa makarating na kami sa may terrace. 2nd floor lang siya nung villa, pero patola, kalbaryo ang sinapit ko! Ang bigat ba naman ng babaeng bitbit ko eh. At ang likot pa.

Iniupo ko siya doon sa long chair samantalang ako naman ay nakaupo doon sa single chair. Ang likot ng babaeng to. Kanina pa ikot ng ikot sa kinauupuan niya. Ayaw pumirmi! Talian ko na to eh!

Naramdaman ko na lang na tumatagaktak na ang pawis ko. Oo, ganun siya kabigat para pagpawisan ako ng sobra. Ang init tuloy sa pakiramdam.

K: ahh~ ang inet.

Sinimulan kong un-button ko yung bandang top ng polo ko para medyo prumesko ang pakiramdam ko. Pero bigla akong pinigilan ni Grace. Lumapit siya sa akin at pinigilan niya ang kamay ko sa pag-u-unbutton.

K: hui! Ano bang problema mo?!
G: wag mo ngang bukshan yan!
K: baket? Ang inet eh
G: bashta wag mong bukshan! *hik*
K: bakit ba?
G: nasisilaw mata ko pag ginagawa mo yan!

HAHAHAHAHAHAHA! Nasisilaw?! Anong nakakasilaw sa paghuhubad?! Natawa ako sa comment ni Grace. Out of this world talaga ang babaeng ito.

Maasar ko nga to. Minsan lang to malasing kaya susulitin ko na.

K: bakit naman ayaw mo akong maghubad? Anong masama?
G: ayokong magkagusto sayo.
K: huh?
G: ayokong magkagusto sayo. Ang kulit naman eh!

Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kaniyang mata na tila nasisilaw siya sa kung anong bagay na makikita niya. Eh wala siyang choice at kailangan kong mag-unbotton ng polo ko. Mainit eh. At duh, kasalanan niya kung bakit ako nagiinit ngayon. I mean, literally na mainit.

What, don't tell me nasisilaw siya sa abs ko?!

K: magkagusto? Eh diba may gusto ka na sakin? *laughs*
G: yea.. I like you. I really really like you....

Ang weird sa pakiramdam nung sinabi niya yun. I mean, alam kong may gusto siya sa akin. Pero minsan lang niya sambitin yung salitang "I like you". Ugh, lalo tuloy akong pinagpawisan dahil sa sinabi niya. Isama mo pa na medyo seryoso ang kaniyang mukha kaya lalong dumagdag yung kaba ko sa dibdib.

"I like you", huh? Ang lakas talaga ng tama sa akin ng batang to.

G: pero ayoko na. Ayoko ng magkagusto sayo. Basta ayoko na.
K: iba ang "walang gusto" sa "ayaw magkagusto". Dinedeny mo pa, eh nag-confess ka na ng ilang beses sa akin. Kakasabi mo nga lang kanina diba? Labo.
G: ayoko ng magkagusto sayo. Ang kulit mo naman eh.

Grabe talaga ang tama ng alak sa babaeng to. Kung ano ano ang mga sinasabi. Nung isang araw lang, mahal niya ako. Ngayon, ayaw na niya sakin. Bipolar na Amazona to.

Lumayo pa siya sakin ng konti at umupo sa kabilang dulo ng upuan. Talagang umiiwas sakin ang loko.

K: hoy! Bakit ka lumalayo sakin?!
G: kasi ayokong magkagusto sayo!
K: hai.... fine fine. So bakit naman "ayaw" mo ng magkagusto sakin?

Labo talaga o. Patay na patay sakin to eh. At halos araw araw kung iparamdam sakin nun na inlove na inlove siya sakin. Ngayon kung makapagsabi ng ayaw na niya sakin, wagas. Wow ha.

Alak nga naman oh.

G: eh kashi gwapo ka, *hik* pangit ako. Tapos babaero ka pa. Kung shino shinong babae ang kini-kish mo. Kaya hindi pwede. *hik*
K: HAHAHAHAHAHAHAHA!
G: oh? Bakit ka tumatawa? May shinabi ba akong nakakatawa?
K: Hahahaha! Lasing ka na talaga!

Nakakunot na ang noo ni Grace habang kinakausap ako. Hindi ko na talagang mapigilan tumawa dahil sa mga sinasabi niya eh. Masyado siyang nagiging honest and at the same time, out of this world ang mga sinasabi niya. Akalain mong for the first time, inamin din niya sa harap ko na gwapo ako? Samantalang todo kung maka-deny to na nagagwapuhan siya sakin.

Ang sarap talagang pagtripan ng babaeng ito habang lasing siya. Hehehehe.

G: bakit na naman ba? Lagi mo na lang pinagpipilitan sakin na lashing ako. Eh hindi nga!
K: sige ito, seryoso na. Hehehe. *coughs* so ano naman kung gwapo ako? At tsaka bakit ngayon mo lang napansin na gwapo ako? Matagal na akong gwapo no!
G: yun na nga eh. Gwapo ka. Gwapo ka masyado. Di bagay. Kaya ayoko ko ng magkagusto sayo kasi walang sasalo.
K: sasalo ng alin?
G: ng puso ko.
K: edi sasaluhin ko.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Grace at nanigas ito sa kaniyang kinauupuan. Napansin kong namula din pati ang kaniyang pisngi. Ganun ba kalakas ang impact ng mga sinabi ko sa kaniya para mag-react siya ng ganun?! Eh niloloko ko lang naman siya.

Ata.

G: pwede ba Ken wag kang ganyan
K: bakit?
G: wag ka magbitaw ng mga salitang magpapakilig sakin.
K: HAHAHAHAHAHAHAHA! Ganyan ka palang tao pag lasing ka no? Hahahahahaha!
G: bakit ka na naman ba tumatawa?! At ilang beses ko ba sayo sasabihin na hindi ako lashing! *hik* Ikaw kaya itong lashing! Ang dami mong nainom na beer kanina after namin gawin ni Bryan yung dare.
K: oi. Malakas ako sa alcohol ah. Hindi ako agad agad nalalasing.
G: heeheeehee *hik* Ken, umamin ka. Nagselos ka ba nung hinalikan ako ni Bryan kaya ka napainom ng madaming beer kanina no? Yieeee shelos siyaaa~~~!!! *hik*

Bigla akong nabigla doon sa tanong ni Grace. Patola, wag na ngang painumin ng kahit anong alak tong babaeng to! Kung ano ano ang sinasabi eh! Ang lakas ng loob para sabihan na nagselos ako. Ako? Si Kenneth Michael Ong na wala sa bokabularyo ang selos, magseselos? In your dreams!

K: asa, anong nagseselos ako. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng selos ah.
G: weeeh. Ang sama mo nga makatingin kanina kay Bryan eh. Tapos ang dami mo pang nainom. Hindi ba selos yun?
K: asa. Bakit naman ako magseselos? Kampante naman ako at alam ko namang yang puso mo, nasakin na.
G: fa-fine! Whatever. At uulitin ko, ayoko na sayo! Hmp!

Namula na naman ulit ang pisngi niya. Cute.

K: delikado ka pala pag nakainom ka. Masyado kang nagiging honest
G: bakit? Kahit naman hindi ako nakainom, honest naman ako ah! I am true to my self yo! *hik*
K: I know. Kaya nga kita nagustuhan eh.
G: ha?

Teka, nalalasing na din ata ako. Kung ano ano na din ang sinasabi ko. Pinagti-tripan ko lang naman tong si Amazona diba?

Nakatulala pa din sakin si Grace. Ang kaninang madaladal at malikot na Amazona, ngayon ay natahimik dahil sa mga sinabi ko. O, edi nagtino din ang kausap ko.

K: I mean, compared to other girls na walang ibang ginawa para magpacute sa harap ko, mas prefer ko yung mga tulad mong honest sa sarili. Hindi ka plastic tulad ng iba. Nagbabait-baitan sila pag nasa harap ko, pero pag nakatalikod naman eh ibang ugali naman ang pinapakita nila. Hindi mo din kelangan mag-ayos pag kasama ako. Walang arte sa katawa. Simple lang.

Tulala pa din si Grace. Medyo na-akwardan tuloy ako. Argh. Hindi naman nakakahawa ang kalasingan ah?! Bakit pati ako parang nahihibang na dahil sa mag sinasabi ko?! Pakshet naman.

K: errr.... ang ibig kong sabihin ay gusto kita as a friend ok? Nothing more than that. Baka mag-isip ka ng iba eh.

Tahimik at wala pa ding karea-reaction ang babaeng nasa harapan ko.

K: uh hello. Ang akward. Magsalita ka naman.
G: ah. Hinde. Ayoko lang talaga ng make-up.
K: hahahahaha!
G: tumatawa ka na naman.
K: haha! *coughs* sorry, sorry. Ang random kasi ng sinabi mo. Natawa ako.

Ang haba ng sinabi ko, nasabi lang niya ay tungkol sa make-up?! Hahahaha! Epic talaga ng Amazonang ito pag nalalasing! Sarap bidyohan eh.

K: so sabihin mo nga sa akin, ni minsan ba eh kinikilig ka pag kasama mo ako?
G: ha? Hmm. Oo. Minsan. *hik*
K: eh ngayon ba?
G: kanina oo. Pero ngayon hindi na.
K: eh pag umupo ako malapit sayo?
G: sakto lang.

Umupo ako sa tabi niya inilapit pa ng konti ang katawan ko. Hindi naman siya umalis sa kaniyang pagkaka-upo at parang wala lang sa kaniya ang pag-upo ko ng malapit. Aba china-challenge ako ha.

K: eh kung lumapit pa ako sayo. Yung ganito kalapit...

Mas lumapit pa ako sa kaniya at idiniin ko ang katawan ko ng konti sa katawan niya. Mas inilapit ko din ang mukha ko sa kaniya at tinitigan siya sa mga mata niya. Napansin ko ang pagkapula ng pisngi niya.

And holy guacamole, ano itong kuryente na naramdaman ko ng nadikit ang katawan ko sa kaniya?! Konti lang naman idinikit ko sa kaniya, pero yung moment na naramdaman kong yung balat niya na dumikit sa balat ko, para akong kinuryente! Oh god, what's happening to me?

G: ...
K: o ano? Kinikilig ka na ba?

Ang alam ko, biro lang itong ginagawa ko sa kaniya at sa aming dalawa, siya lang ang lasing. Pero parang tumatagal, pati ako ay nalalasing na din. Hindi ko na nga din sigurado kung pang-aasar pa tong ginagawa ko sa kaniya, o sadyang ginugusto ko na din itong ginagawa ko. Dahil sa bawat pagdikit ng balat ko sa balat niya, para akong kinukuryente ng ilang boltahe. At kahit na alam kong biro lang itong ginagawa ko, hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko parang sasabog ang puso ko sa sobrang kabang nararamdaman ko. Malakas at presko ang hangin dahil malapit kami sa karagatan, pero naiinitan ako.

Pakshet, ano nang nangyayari sa katawan ko?!

Lumayo ako kay Grace dahil na-a-awkwardan na ako. Parang ako pa yata ang kinilig dahil sa ginawa ko.

I mean.. basta!

K: HAHAHAHAHA!
G: mukha kang tanga. Ikaw yata tong lasing satin eh.
K: hahahaha! Siguro nga lasing na din ako. Ehehehehehehehe *blush*
G: ang init. Bakit ganun?
K: hindi ko a- hindi ko alam! *blush*
G: inaantok na ako. Pwede na ba akong matulog? *hikab*
K: pwede na siguro. Lika hatid na kita sa room mo.
G: hinde. Kaya ko na. Pramis. Wag mo na akong ihatid.

Pagkatayo ni Grace ay bigla ulit siyang natumba. Agad ko naman siyang nasalo.

K: sabi ko naman sayo hatid na kita eh. Sakay ka dito sa likod ko. Bubuhatin kita papunta sa room mo.

Hindi na nakipagtalo sakin si Grace at sumunod na lang siya sa sinabi ko. Pumunta siya sa likod ko at dahan dahan niyang ipinulupot sa leeg ko ang mga kamay niya.

K: Grace, hawak ka pa ng mahigpit sakin, baka mahulog ka.
G: hmm..

Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Medyo nakakakiliti. Mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sakin at maya maya, narinig ko na lang na humihilik na ang Amazonang karga karga ko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanilang room at nang narating ang kwarto ay pagiingat ko siyang inilapag sa kaniyang kama.

Bago pa ako umalis ay pinagmasdan ko siyang matulog. Ang lakas niyang humilik at nakabukas pa ang bibig nito habang natutulog. Siguro kung ibang lalaki ang nakakita sa kaniya, matuturn off sila dito. Siguro kung dati ko siyang nakitang ganito, matuturn off ako.

Huh? Dati? Eh ngayon? Ano na ngayon?

Whatever. Kung ano ano na naiisip ko dahil sa mga nainom ko kanina. Medyo malakas din yung mga shots namin ah. Tapos naka-ilang beer pa ako.

Tinignan ko muli si Grace na masarap ngayon ang tulog at lumabas na ng kwarto para sumunod sa mga kaklase ko na hanggang ngayon ay hindi pa din tapos maginuman.

Sweet dreams, Creampuffs.



GRACE's POV

Awww~ Ang sakit ng ulo ko! Para akong inuntog sa pader ng sampung beses at parang ding nakipag-high five ang ulo ko sa isang daang durian sa sobrang sakit ng ulo ko. Grabe, ilang timbang alak ba ang nainom ko kagabi?!

Saposapo ko pa ang ulo ko habang naglalakad papunta sa dining area. Halos madaming tao na nung nakarating ako. Yung iba sa kanila hawak hawak din ang kanilang mga ulo. Eto pala ang sinasabi nilang hangover. Ganito pala kasakit yung hangover na sinasabi nila. Ugh. I am never drinking again. Never!

AKI: so kamusta naman kayo kagabi?
G: bakit? Anong nangyari kagabi?? Aruyyy~ ang sakit talaga ng ulo ko >_<
RANGEL: what?! Wala kang matandaan?
G: wala masyado...
K: seryoso yan? Kahit yung mga napagusapan natin kagabi, wala kang maalala?

Hindi ko namalayan na lumapit na din sa amin si Ken. Si Ken na may bed hair pa dahil bagong gising lang siya. Shet, I wantzzzz to glomp him. Ang cute niya sa magulo niyang buhok! Bagsak na bed hair!!

G: oo nga. Oh bakit ka natatawa jan?
K: haha wala naman
TRISH: so hindi mo naalala na hinalikan ka kagabi ni Ken?
G: hinalikan.... AAAAH. Yun yung huli kong natandaan! After nun, wala na! MAY NANGYARI BA SATIN?!

Bakit kung kelan sober na ako, saka pa nanumbalik lahat ng kakahiyang nangyari kagabi?! Pakshet, this is so awkward! Gusto ko ng ibaon ang sarili ko sa ilalim ng beach sand! Grrr.

K: syempre wala! Nagambisyon ka na naman.
AKI: oh? Wala? After mo siyang halikan, walang nangyari? Haha!
K: ano ba kayo. For fun lang naman yun. It's a dare guys. Laro laro lang. Wala naman magagalit kay Grace pag hinalikan ko yan eh. Hindi tulad Iris na pag hinalikan ko, magagalit ang boyfriend niya.

Teka, para biglang tumaas ang altapresyon ko dahil sa mga sinabi niya. Bwisit! So ano ako? Pag natripan lang halikan, pwede ng halikan ng kung sino sino? Pag lasing, okay lang halikan? Kasi walang magagalit?

Sorry ha! Wala kasi akong boyfriend kaya walang magagalit pag may humalik sakin! Kaya ayos lang SA AKIN na halikan ako ng KAHIT SINO!

G: ahh. So for fun huh? Ah. Sa bagay. Laro lang naman lahat sayo eh. Guys una na ako. Medyo masama pakiramdam ko eh.

Nakakainis! Bakit ako nainis?! Ineexpect ko naman na sasabihin niyang isang malaking kalokohan lang tong nangyari. Pero naiinis pa din ako! Ano ba naman to! Grrr!!!!!!!!

Bago ako tuluyang umalis, lumingon ulit ako kay Ken at sinigawan.

G: Go Die Pinya!! Bye!

Epal talaga. Bwisit!!


KEN's POV

TRISH: anong nangyari doon?
K: ewan.

Parang ewan lang. Biglang uminit ulo nung Amazonang yun. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Baka may period?

RANGEL: baka nasaktan sa sinabi mo pre.
K: yung alin ba?
AKI: yung dahilan kung bakit mo siya hinalikan. Nababawan siguro sa dahilan mo. Feeling niya tuloy pinaglaruan mo.
TRISH: alam mo naman saming mga girls, big deal samin ang kiss. Mapa-first kiss man yan o second kiss. Bawat kiss na nakukuha namin sa special someone namin, special. Malamang, nainis siya nung sinabi mong laro lang sayo yung dare kagabi. Alam mo namang mahal ka ni Grace diba? Sobrang nasaktan yung kaibigan ko dahil sa ginawa mo. Maling mali e.
RANGEL: may point si Baby ko. Kaya dapat mag-sorry ka kay Grace. Naku, ininit mo na naman ang ulo ng private servant mo.
K: ah..

Wala na akong nasabi dahil totoo naman lahat ng sinabi nila eh. Hai Ken, ano na namang kalokohan tong ginawa mo? Sinaktan mo na naman si Grace.

Pero ano bang magagawa ko? Maniniwala ba siya kapag sinabi ko sa kaniya na magaan ang loob ko kapag siya yung babaeng nahahalikan ko? Na masaya ako pag labi niya dumadampi sa labi ko? Na kaya ko siya hinalikan dahil ginusto ko?

Lalabas lang din naman na niloloko ko sa kaniya at hindi lang siya maniniwala sa akin. Pakiramdam niya kasi ay lagi ko siyang niloloko.

Fine. Inaamin ko na hindi ko siya mahal pero magaan ang loob ko kapag hinahalikan ko siya.







Pakshet.

=================

[A/N] - Dedicating this chapter to Khaye!

Happy birthday Khaye!!!!! I'm so happy dahil nakilala ang naging friend kita kahit sa online lang. And hey! Matagal na pala tayong friends online. To be honest, you are one of my few online friends na tinetreasure ko talaga. Mula CandyMag, hanggang sa Watty, hindi ka nagsawang subaybayan tong story ko. Naabutan mo pa ata yung Jeje days nung time na ginawa ko pa yung story dahil sa sobrang tagal na nito eh. HAHAHAHAHA! Ikaw na yata yung pinaka-matagal na reader ko dito dahil naabutan mo pa to sa CandyMag (during my Jeje days hahahahahahahahaha). And because of that, THANK YOU. :) Really, THANK YOU!!! *bows head* Maliit na bagay lang itong ginawa ko sa birthday mo, pero sana magustuhan mo. :) MWAH MWAH MWAH! <3
- Jumi

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon