CHAPTER 9: First Date?!

12.3K 87 5
                                    

[ GRACE's POV ]
UWIAN. Nakakaines, bakit ang bilis ng takbo ng oras? Parang kanina lang, lunch pa lang namin. Kapag excited ka, ang bagal ng oras. Kapag hindi naman, saka bumibilis. Nakakainis no?

Usapan namin ni Pinya dito daw kami sa Pav magkikita. Eh hello, 10 minutes na kaya ako dito na naghihintay sa kaniya!

K: OI!

Wow. Sa wakas, dumating na siya. ONG TOGOL TOGOL NO?

G: ano ba yan, bakit ang tagal mo? 20 minutes na kaya ako nandito!

Ok, medyo inexag ko. Actually, 10min lang ako naghintay. Hehe.

K: oh eh ano naman kung late ako? Hindi naman tayo magde-date ah.
G: ayoko lang kasi na pinaghihintay ako.
K: ang arte mo naman. 20minutes lang naman ako nalate ah.
G: miski na ba! Oh ano, aalis na ba tayo o may extracurricular things ka pang gagawin?
K: ito na aalis na.

After another 20minutes (for real na. 20minutes talaga to) of doing his extracurricular activities (magpacute sa mga haliparot na babae na nadadaanan namin sa hallway, mag-ayos sa CR, makipag-usap sa ibang boys at kumuha ng basketball stuff niya sa locker) ay nagawa na din naming lisanin ang aming paaralan.

G: ano bang klaseng date ang gagawin niyo?
K: something extraordinary. Something that she can never forget in her entire life. A date that would remain in her memories forever.
G: wow.

Simpleng tanong, complicated answer. That's Mr. Ong for you.

K: you help me prepare the table, while I'll do the cooking.
G: after that, pwede na ba akong umalis?
K: syempre HINDI.
G: at bakit?!
K: syempre, after ng date namin, sinong mag-liligpit ng table and mag-huhugas ng plates? Diba ikaw?
G: what?! Pati ba naman yun, ako gagawa? Ang usapan natiin is tutulungan lang kita mag-set up sa date niyo ah!

The nerve! At ako pa ginawa niyang katulong!

K: bakit, may angal k aba?
G: angal? OO. MALAKI.

Biglang niyang hininto yung kotse. Problema nun?

K: ok, bibigyan kita ng 2 options ha. (1) Susunod ka sa utos ko, pupunta tayo sa bahay ng hindi ka umaangal, pero safe sa akin yung secret mo. Or (2) hindi ka sang-ayon sa utos ko, bababa ka ng kotse ko at didiretso ako kay Paul para sabihin yung sikreto mo. Ngayon, mamili ka.

WOW. 2 OPTIONS, AT NI ISA EH WALANG MATINO. So ano to, blackmail?! Nakakaines! Magpapakaalila ako sa kaniya dahil lang sa lintek na feelings ko kay Paul?! HAI! Na-corner na naman ako, ano pa nga bang magagawa ko diba? Masyado niyang inaabuso ang weakness ko!

G: FINE. Option 1. Happy?
K: tss. Susunod din naman pala.

So after 45minutes eh nakarating na ako sa impyerno. Infairness, malaki yung bahay per parang ang tahimik. Siya lang kaya mag-isang nakatira dito?

Dumiretso agad si Ken sa kitchen at hinanda niya na yung foods and stuff para sa dinner mamaya.

G: nasaan na yung table na gagamitin niyo?
K: nandyan sa garage, pakilinisan na lang!

Sa sobrang laki ng bahay niya , nagsisigawan na kami dito para lang makapag-communicate sa isa't-isa. Paano kasi, nasa kitchen siya samantalang ako eh nasa labas at nag-aayos ng table. Grabe, buti natitiis niyang tumira dito ng mag-isa? Sa super laki, nakakatakot! Feeling ko may kasama na mumu dito si Ken.. kaya siguro mainit ulo nun palagi. Feeling kasi niya lahat ng tao sa paligid niya eh mga multo! Nyaaaaaay~

Teka kung ano ano-ano na naiisip ko! Baka hindi ko matapos yung pinapagawa sakin ni Boss. Infairness (ulit), ang lawak din masyado ng garden nila. Ok nga dito mag-set ng date. Ang dami din kasing mga flowers. Hmm.. paano kaya niya namemantain ng maayos tong bahay?

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon