CHAPTER 68: DA-Ang Tagahilom ng Pusong Sawi!

9.5K 61 7
                                    

Nandito kami ngayon ng barkada ko sa pavillon. Eh wala ako sa mood pumasok kaya niyaya ko sila na tumambay kasama ko. Sa ngayon, kelangan kong madistract yung sarili ko para "makalimot" ako.

At mamaya papatay na ako ng tao. Kanina ko pa kasi napapansin na nagbubulungan tong tatlong to eh. OP ako ha. Ano na naman kaya pinaguusapan nung mga yun? :|

G: baka naman gusto niyo kong isali?
M: ay kalabaw! Nakakagulat ka naman!
G: malamang magugulat ka kasi may ginagawa kayong kalokohan. O ano? Hindi pa ba kayo magsasalita? Kelangan pa bang may dumanak na dugo dito bago kayo magsalita? Bistado ko na kayo eh!
A: ah.. eh ano kasi. Ahm..
G: ano ba? Parang tanga naman to kausap uutal utal. May sakit ka ba?
C: anong nangyari sa inyo ni Jared?

Ah. So yun pala yun. Yun pala yung kanina pa nilang pinagbubulungan.

G: ah.
A: o ano na? magsalita ka na!
G: teka, diba dapat ikaw yung magsalita kasi ikaw yung pinsan? Bakit hindi mo sinabi sakin?
A: alam mo, nabigla lang din ako. Hindi din siya nagsabi sa akin. Sinabi niya lang yung "yun" nung araw na paalis na siya.

So talaga palang sinikreto sa lahat ni Jared yung pag-alis niya. Hai.. ganun ba kalaki yung suliranin niya sa buhay at kahit mismo sa pinsan niya eh di niya na-open up yun?

M: so kamusta naman puso mo?
G: normal heart rate naman. Baket? Mukha ba akong may sakit sa puso?
M: pusa ka. Ang ibig kong sabihin eh kung heartbroken ka ba?
G: bakit naman? Eh wala naman akong boyfriend in the first place para ma-heartbroken O_O At mukha bang maluwag turnilyo ng puso ko para masabi niyong heartbroken ako? Ayos pa naman siya. Mahigpit pagkakakapit sa dibdib ko!

Ay ang kerni -____-

M: o ito piso hanap ka ng kausap mo ha? Bwiset. :|
G: eh kasi ok naman talaga ako eh! Ano bang pinoproblema niyo? -__________-

Seriously. I'm fine. I'm ok. Ayos ako. It has been 3 days since he left us. I am still adjusting pero eventually masasanay din ako. Akala mo naman girlfriend ako ni Jared para makapag-react ng ganito eh no?

A: he's getting married next week.
G: ooh.. good for him.
C: ok lang ba talaga sayo Grace? Ikakasal na si Jared! Hindi mo ba naisip na dapat ikaw yung babaeng kasama ni Jared sa altar at hindi yung kung sino mang babae!
G: ano ka ba naman Collin. Mas bitter ka pa yata sakin eh -_____- Ok lang sakin. Hindi naman niya ako girlfriend para pigilan ko siya eh. At isa pa, desisyon niya yun. Hindi ko naman pwedeng i-judge yung tao dahil lang doon diba? And malay niyo naman matutunan din niyang mahalin yung girl diba? Baka nga mas ok pa yung babaeng yung kesa sakin eh. Matalino si Jared. I'm so sure, he'll find his happiness.

Infairness naman, sincere ako doon sa sinabi ko. Though medyo nalungkot nga ako dahil doon sa sinabi ni Collin. Pero isipin niyo na lang kung naging boyfriend ko si Jared, edi mas masakit yung pag-alis niya diba? Naisip ko na ok na din yung naghiwalay kami ng ganito. At least we are still friends diba? Pero hindi naman din ako sure sa feelings ko. Hindi ako sure kung mahal ko na ba si Jared. Ang sigurado lang ako, importanteng kaibigan si Jared sa akin at talagang ikinalungkot ko yung pag-alis niya.

A: well sa bagay. Hindi naman pabaya yung pinsan ko. He's old enough to make his own decisions too.

Nag-smile na lang ako sa sinabi ni Anna. As much as possible ayoko na kasing pagusapan pa tong topic na to kasi wala lang, nakaka-emo lang. Kahit naman silang tatlo nalungkot sa pag-alis ni Jared dahil kaibigan na din nila yung tao. Wala na din naman kaming magagawa eh diba? Life goes on.

GRASYAAAAAA~

Ay butiki! Sino ba yung hinayupak na yun na tumatawag sakin?! Pagkalayo-layo ang lakas ng boses!

GRASYAAAAAA~

Ay teka bakit ko pa nga ba tinatanong, eh isang tao lang naman tumatawag sakin sa ganiyang pangalan -_______-

M: hui! Ikaw ba tinatawag nun?
G: hehe oo. Amp.
C: HAHAHAH! GRASYA!
A: o eh nandito na pala sila eh. May bitbit pang chix.

Chix? May bitbit na chix si DA? Pagkalingon ko, nagulat ako sa nakita ko. Hindi pala CHIX bitbit ni DA. LINTA. At PINYA.

G: ay, di yan chix. Linta yan. -_____-

Ang sabi ko na lang sa mga kaibigan ko. Then they threw me a weird look. Hahaha.

DA: Grasya!! Baket ka absent kanina? Wala tuloy akong kausap huhuhu
G: ah. Eh tinatamad pa kasi akong pumasok eh.
B: can you just give that to thing to that girl para makaalis na tayo!

Ay epal na naman yung linta. Sarap i-vacuum cleaner ng mahigop na eh. Kakairita kasi!

K: iabot mo mamaya kay Sir Sadista. Kelangan kasi niya yung hard copy ng report.
G: o eh bakit ako mag-aabot nito? Bakit di na lang ikaw eh nasayo na rin lang.
B: we don't have time for that. May date kasi kami ni Kenny. Ok? Maliwanag? May tanong ka pa?
C: fufufu Kenny? Eh diba "Ken" pangalan niyan?

Natawa ako sa banat ni Collin eh. Nasa timing! Fwahaha! Tinignan lang siya ni Blue mula ulo hanggang paa. Eh wala naman siyang palag kay Collin kasi kung sa kagandahan lang din lang ang mapaguusapan, may maibubuga si Collin sa kaniya. Insecure b*tch hehe --,

G: ay, nakalimutan ko pa lang ipakilala sa inyo. Sila pala mga kaibigan ko, sina Anna, Mae and Collin. Itong makulit na lalaki na to, siya si Ernesto.
DA: Hi! Wag kayong maniwala kay Grasya! My name is Daniel Anthony Francis Ernesto Villadelgado! But you can call me DA! Nice meeting you!
M, A, C: wooooah ang haba ng pangalan O_O

Hahaha see, hindi lang ako nabigla sa pangalan ni DA. Kahit sila din nabigla. Wahaha.

G: at itong bitbit este, katabi naman ni Kenny, ay, Ken pala sorry. Anyway *coughs* yung katabi naman niya eh si Leech. Ay, mali ulit *coughs* Blue pala.
B: whatever.
M, A, C: *no reaction*

Na-feel ko na na-feel ng mga friends ko yung hindi magandang aura na lumalabas sa katauhan ni Leech. Kahit yung reaction nila nung pinakilala ko si Blue sa kaniya, hind maipinta eh. Wahahaha. Wagas!

B: tara na nga Kenny, baka hindi na natin maabutan yung movie.
K: oi ge. Kayo na bahala ni DA sa project.

Then after nun, umalis na lang sila bigla. Ni wala man lang "Bye" nung tumalikod sila. Bastos din ano? Nakakagigil talaga pag magkasama yung dalawa!!!!

M: girlfriend ba niya yun?
G: hindi. Bago niya lang kalandian.
C: magbebreak din sila agad.
G: hindi pa nga sila eh.
A: marerealize din ni Blue na mali yung nilalandi niya.
G: hindi si Blue ang nagkamali, si Ken!
DA: mamaya magkakapalitan na sila ng mukha.
M, A, C, G: TOMOOOO!

Ay hindi pa pala nakaka-alis si DA. Nawala sa isipan ko na kasama pa pala namin siya. XD

G: ay susme, nandito ka pa pala!
DA: oo. Hinihintay kita. Bigay na natin to kay Sir!!!
G: ok ok fine. O siya friends una na ako sa inyo at baka mapagalitan na naman ako ni Boss pag hindi ko pa to naabot kay Sir.
M, A, C: ingat!

Pagka-abot namin nung project kay Sir Sadista, bigla na namang nagyaya mag-lakwatsa si DA. O siya na ang gala.

DA: tara mall tayo! Ang inet eh. Libre kita!
G: ok.

At siya na din ang mayaman -_____-

DA: sama mo si Jared. Masaya pag tatlo tayo hehe

Miss na niya agad yung crush niya. Ay naku, paano ko kaya sasabihin sa kaniya na wala na yung crush niya? Baka maging emo din siya tulad ko. -____-

G: ah eh ano kasi eh.
DA: ano nga? Dali tawagan mo na siya!
G: eh.. wala na si Jared..
DA: ha?! Wala na? patay na?!
G: GAGA SYEMPRE HINDI ANG SAMA MO! *knock on wood*
DA: eh ano?

Walang hiyang lalaki to, mas malala pa sakin mag-isip eh. Pinatay ba naman yung taong buhay?! Pero sabi nga nila diba, kapag ang taong buhay napagkamalang patay, ibig sabihin eh hahaba pa ang buhay. Diba? Diba? :|

G: lumipad siyang papuntang New York nung isang araw. He's getting married..

Natahimik si DA sa sinabi ko. Nakatayo lang siya tapos nakatingin lang sakin. Matagal lang siyang nakatingin sakin samantalang ako eh nakatingin sa ibang direksyon. Nabasag ko yata puso niya dahil sa sinabi ko kaya hindi siya makapagsalita T_T Kasalanan ko pa yata pag nag-emo to. :|

Pero bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko........

DA: ok lang ba yung puso mo?
G: ha? Haha ano ba namang klaseng tanong yan. Oo naman. Ok naman ako.

... at dahan-dahan siyang lumapit sakin at sinabi..

DA: gusto mo bang hilumin ko yang sugat sa puso mo?

Ha? Ano daw? Hihilumin? Ang puso? Nino? Ako? Ha? At kelan pa siya naging screwdriver ng puso ko? Hindi naman maluwag yung turnilyo ng puso ko ah. Heartbroken ba ako?? At teka, diba ulo lang ang lumuluwag ang turnilyo at hindi ang puso? O_O Hala ang labo! @_@

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon