CHAPTER 86: Companion. Cake. Feelings

9.2K 71 14
                                    

Hi Everybody!

First of all, MERRY CHRISTMAS TO YOU, MY DEAR READERS! :) Kamusta naman ang mga pasko ninyo? Enjoy ba? :P I hope you guys had fun, and busog din. Hehe :D

At dahil pasko, ito na yung inaasam ninyong update. Heehee. Enjoy! :P

====================

I can't believe that weekend is finally over. Tapos na din ang birthday ko. Nalingat lang ako saglit, tapos na ang lahat. Ganun nga yata talaga pag nag-eenjoy ka. Masaya yung Birthday ko dahil nakasama ko yung family and far far relatives ko. Masaya yung Birthday ko dahil sa surprises ng mga kaibigan ko. Masaya yung Birthday ko dahil narealize ko kung gaano ako kaswerte dahil meron akong mga kaibigan at kapamilya na tulad nila. Masaya ang Birthday ko dahil after 10 years, nakapunta na ako ng Baguio! At masaya din ang Birthday ko kasi...

M: hui bakla. Kanina ka pa kinakausap ni Anna. Nakikinig ka ba?
A: ano ba nangyayari sayo at kanina ka pa tulala jan?
C: inlababo?
G: ha? Ano na naman pinagsasasabi niyo?
A: kanina pa kasi kita kinakausap, hindi mo naman ako pinapansin. Kanina ka pa kaya nakangiti sa ere.
C: baka naman may dapat kang ikwento samin?
M: come on, spill it out.

Ikwento? May dapat ba akong ikwento? Ikekwento ko pa ba kung ano nangyari nung dinner namin sa bahay, kung anong napagusapan namin ng relatives ko, kung anong kinain namin at nung sinurprise ako ni..

A: Did something good happened nung birthday mo?
G: kyaaaa~~~ >//<
M, A, C: ay kinileg ang bakla!

Pinaalala na naman nila sakin! kinikilig tuloy ako ngayon!!

A: oh my Gad don't tell me nagpropose na sayo ng ligaw si K-
G: hui! Wag ka ngang maingay! Tsaka, wag mo ngang bangitin yung pangalan niya. Baka may makarinig satin! Hindi yun yung nangyari no! Ano ka ba!
M, A,C: kung hindi yun, edi ano?

Sabay sabay nilang tanong sa akin. So dahil naiitriga much sila sa kwento ko, ikinuwento ko sa kanila yung buong pangyayari: mula sa text, kung paano niya ako pinuntahan sa bahay, at hanggang sa trip namin sa Baguio.

M: wow.
A: OMG TALAGANG GINAWA NIYA YUN?!
C: Sweeet! At talagang sinurprise ka pa niya sa Baguio!
G: hehe..

Ngiti na lang ang nai-reply ko sa kanila. Ayokong ipa-obvious na sobrang kinilig ako no! Mahirap na. Demure muna ako. Hehe.

G: oi sikret lang natin to ah!
Wow nag-Baguio ka? Sino kasama mo? :)

Crap, kakasabi ko lang na secret lang eh, sabay may ibang nakarinig sa kwentuhan namin?! Aww meeen malas naman! At si DA pa nakarinig. >_< Alam kong wala lang kay DA na malaman niyang nag-Baguio kami ni Ken. Pero syempre gusto ko sana na kaming apat lang nakaka-alam nun no.

G: ha? Baguio? Hindi ko alam. Sino nag-Baguio?
DA: eh kakasabi mo lang kanina eh. Ang linaw linaw pa nga nag pagkakasabi mo eh. Ang di ko lang narinig is kung sino yung kasama mo.. Sino nga ba?
G: oh? Ah.. hehe. Si-

Ako lang naman kasama niya. Baket? May problema?

Eh ang malas nga naman! Dumating pa siya!!! Bakit ba sunod sunod nagsisulputan tong mga to?

What?! You were with her the whole weekend?! But why her?!

At sumali pa siya.... =_=

G: anong ginagawa niyong tatlo dito? Bakit kayo nandito?
DA: masama bang makita ka? Makita lang kita, buo na araw ko eh! Kaso nakaka-sad lang dahil doon sa nabalitaan kong nag-Baguio kayo ni Ken.....
B: pwede ba shut it up DA. May iba silang kasama doon ok? Am I right, Kenny?
K: kasama? Ano kami? Mga bata? Kelangan may guardian?
B: so ibig sabihin... dalawa lang kayo...?
A: oo dalawa lang sila sa Baguio. Si Ken at Grace. Sila lang dalawa. Sa iisang kwarto.
C: magkatabi pa silang matulog at sabay kumain ng lunch and dinner at sabay nali-

Hala ka! ano na naman pinagsasasabi ng mga to? Hindi na makatotohanan!

G: oi! Hinde! Wag ka maniwala sa pinagsasasabi ng dalawang yun. Hindi kami magkatabi matulog at lalong lalo na hindi kami sabay naligo!
M: *facepalm*
DA: *emo sa sulok*
G: err. Anyway! Bakit ba kasi kayo nandito?

Nakakainis, ang awkward naman kasi ng pinaguusapan namin diba. Anong sabay kami naligo? Asa! Wishful thinking though.. este, ASA TALAGA!

K: may lakad tayo diba.
G: anong lakad?
K: yung lakad natin sa alam mo na. *make face*

Anong nangyari sa kaniya? Bakit siya nagme-make face? Parang ngumunguso siya kay Blue.. AHH. GETS.

G: ahh! Oo nga pala. May lakad pala kami ngayon. Uhh. Saan nga pala tayo ulit pupunta?
K: basta. May lakad tayo. Oi DA. Ikaw na bahala jan kay Blue. Aalis lang kami.
DA: ha? Ako? Bakit ako?
B: na naman? Iiwan mo na naman ako kay DA? Bakit ba lagi mo na lang akong iniiwan?
K: kasi busy ako. Tara na Grace!

Kita mo tong lalaking to. Nagmamadali na naman. Ni di ko nga talaga sure kung may lakad kami o wala eh. -_-

G: ha? okay. >_< ui friends, mamaya na lang ulit tayo mag-usap ha! Nagmamadali na naman si Boss eh.
M, A, C: righttttt. :3

At ayan na naman yung kakaiba nilang smile. May ibig sabihin yung mga ngiting yun. Nakakirita lungs :| Nakalayo na kami ng ilang meters sa kanila ng biglang nagsalita si Blue. Hinahabol niya pala kami -_-;

B: teka lang Ken!
K: ano ba? Hindi mo ba nakikitang nagmamadali kami?
G: nagmamadali sa wala..

Pabulong kong sinabi.. na narinig naman niya. Tinignan naman niya ako ng masama. Yung tingin na parang feelin g mo kakainin ka na niya anytime. Scary.

B: lagi mo na lang ako iniiwan. Wala akong kasama..
K: busy nga kasi kami. Sige na sumama ka na muna jan kay DA para may kasama ka na.
DA: magkasama na naman kayo? Magkasama na nga kayo nung weekend eh..

Humabol din pala sa amin si DA. Ano ba yan, napaka-complicated naman iwan tong babaeng to. Hindi ba niya kayang mabuhay kung wala si Ken? :|

K: oh. Don't tell me DA nagseselos ka? Wag ka magselos, hindi ka naman boyfriend ni Grace para pagselosan mo kaming dalawa. At wala ka din naman karapatan magselos diba.
G: what?! Ano na naman bang pinagsasasabi mo?

Hala ano daw? Nagiimbento na naman tong lalaking to. Kung ano ano na lang lumalabas sa bibig niya! Errrrr. Kakainisss.

B: but I am jelous.... Hindi ba pwedeng-

Hindi na niya pinatapos pa magsalita si Blue. Karipas na naman kami sa paglalakad. At tsaka nagseselos na si Blue (kelan nga ba hindi?)! Baka naman pwedeng kausapin niya yung tao. Hindi itong tinatakasan niya yung tao. Nakakainis lang! Kung may problema siya at gusto niyang umiwas kay Blue, wag na sana niya ako idamay! :|Baka mamaya makatikim na naman ako ng malutong na sampal. One is enough, two is too much na! >_<

DA's POV
At sa pangatlong (tama ba?) pagkakataon, iniwan na naman ni Ken si Blue. At sa pangatlong (kung pangatlo nga) pagkakataon, ako na naman ang tatayong "yaya" sa kaniya -_-

DA: umalis na sila. Tara na balik na tayo sa classroom.
B: no. I don't want to.

Ayoko din naman no! Gusto ko lang sabihin sa kaniya, kaso wala akong lakas ng loob. >_< Ayoko sumama sa kaniya kasi brat siya! And I semi hate her.

DA: well, good. Kung hindi ka naman magpapasama, una na ako sayo ha.

Hindi siya sumagot. So I assumed, it was a "Yes". Nagsimula na akong maglakad ng bigla niyang tinawag pangalan ko.

B: uhh.. DA!
DA: ow.
B: are you free?

Ayan na naman yung linya niyang "Are you free". Mukhang nape-predict ko na kung ano na mangyayari after dito.

DA: well, technically yes kasi wala naman akong gagawin ngayon. Papasok lang ako sa class then uuwi-
B: tara cut tayo!
DA: what?!
B: I said, mag-cut tayo sa class ni Sir!

Kita mo tong taong to. Napaka-B.I.! At ako pa naisipan i-BI! Ako? Ang class president, member ng student council, at Deans Lister ng batch, mag-cu-cut sa class?! Hell...






YES. Hindi ko alam kung bakit, pero nadala ako sa invitation ni Blue. Nagpa-B.I. ako for the first time. -_- Nandito kami ngayon sa Cake Shop kung saan una kong dinala si Blue. Which reminds me, hindi ko pa pala nadadala dito si Grace. At bakit naman kaya niya naisipan na dito magpunta? Malungkot na naman kaya siya tulad nung nakaraang nagpunta kami dito?

B: gusto ko naman itry to ngayon. Grabe, ang cucute ng cakes nila!
DA: sige pili ka lang ng cake jan.
B: yay! Treat mo? Treat mo??
DA: anong treat ka jan? wala akong sina-
B: yes! Thanks DA! Miss, isa nga nitong Chocolate Fudge Cake, Stawberry Cream Cheesecake at Banana Chocolate Cake. Tapos pa-add din ng Very Berry Stawberry Milk Shake with extra Whipped Cream.
DA: ang dami! Hindi ka kaya tumaba niyan?
B: I don't care. Basta kaw lahat magbayad niyan. See *shows pocket* I don't have my money with me. I left my bag inside my car.
DA: righhht. Basta ikaw ubusin mo lahat yan ha. Huhuhuhu.

Wala naman akong choice. Naka-order na siya eh. At wala siyang ibang dala kundi ang sarili niya. So wala talaga akong choice kundi ako ang magbayad nung mga inorder niya. Nasa State of Calamity ata mga alaga niya sa tyan nito at ang dami niyang inorder -_-

DA: Miss, pa-add na din ng isang glass ng tubig.
WAITER: Ok Sir, for a while. :)
DA: Thanks.
WAITER: ahm Sir, dahil sa 1000php yung na-purchase niyo, may free 1 picture po kayo sa photo booth. This side please.

SHET. MAY FREE PHOTO SA PHOTO BOOTH. KASO DI KO KINERI. 1000php ang nagastos ko for today lang! Ughhh. Hirap pala dalhin ng babaeng to sa mga Cake Shop. Mamumulubi ako!

PHOTOGRAPHER: okay. 1 - 2 - 3 - SMILE!

*CLICK* *FLASH*

Bumalik na kami sa counter at kinuha yung mga order niya. Doon kami umupo malapit sa window.

DA: next time kasi wag mo iwan bag mo sa kotse. Paano na lang kung may makakita ng bag mo at ninakaw? Magdala ka din ng extra money para in case na nawalan ka ng pera, meron kang extra. At sa susunod, wag ka umorder ng sobrang dami ng sabay sabay. Paano na lang kung di mo naubos yung pagkain, edi sayang!

Yun agad ang nasabi ko pagka-upo na pagka-upo namin sa table. Ang dami ko ding nasabi. Tahimik lang siya the whole time na nagsasalita ako.

B: are you done talking?
DA: uhh.. yes?
B: good.

Then she took a bite on her cake. Mukhang sarap na sarap siya dahil napapasunod-sunod yung subo niya sa cake. Or baka din dahil gutom siya? Hehe.

B: grabe, buti natitiis kang kasama ni Grace pag nanenermon ka?
DA: huh? Sermon?
B: yeah. Yung ginawa mo ngayon ngayon lang. Para kang matanda. Nananenermon.
DA: excuse me? Ako? Matanda?!

Wow, ako na nga ang concern, ako pa ang nasabihan na matanda. Salamat ha. Grabe din tong babaeng to. So dumaan lang sa kabilang tenga niya lahat ng sinabi ko.

B: halika, damayan mo ako. Kumain ka ng cake. O ito yung fork. Kumain ka lang.
DA: diba sabi ko ikaw lahat uubos niyan?
B: *tumingin ng masama*
DA: ok ok.. ito na kakain na.

Bakit feeling ko under ako pag kasama ko siya? Feeling ko lang ha. -_-" Mayamaya lumapit samin yung assistant ng photographer then binigay niya samin yung picture namin sa photo booth. Inagaw agad ni Blue yung picture doon sa Assistant. Ngumiti na lang sa amin yung Assitant.

DA: Thank you kuya.
ASSISTANT: you are welcome po Sir, Maam.

Then he walked away. Haii. Kakahiya kasama tong babaeng to. Mas malala pa sa bata =_=

B: grabe, ang ganda ko talaga. Kahit saang angle napakaganda ko no? Ang sexy ko din!
DA: uhh. Yeah.

She's looking at our picture. Hindi na ako pumalag kasi baka mag-tantrums lang eh. Tinignan ko yung picture namin after niyang pagsawaang titigan yung "sexy at maganda" niyang mukha. Weird, mukha kaming mag-couple. We are both wearing a checkered polo. Unexpected. Unplanned. Ok? Tsaka nakakainis, bakit may mga puso puso sa picture?? Mukha tuloy pang couple pic tong picture namin.

And yes, she's pretty and sexy sa picture. I'm not denying it.

B: bakit nga ba ganun. Maganda naman ako. Sexy. Pero bakit iniiwasan ako ni Ken? I don't want to use the word "ayaw" kasi nararamdaman ko na may gusto pa din sa akin si Kenny.

Maliban sa brat, Denial Queen din pala to. =_=" She continued with her rant, and I just listened.

B: mayaman naman ako. Ang daming nagtangkang manligaw sakin. Lahat sila ini-snob ko. Hindi ko pinansin. Tiniis ko lahat ng pangmamata ng mga babaeng may gusto din kay Ken. Sinunod ko lahat ng gusto niya. Binigay ko din ang lahat lahat sa akin, but what? Bigla siyang nanlamig sa akin. Bigla na lang siya naging malayo sa akin. He's near, yet so far. Panay ang layo at iwas niya sa akin. Panay sama pa niya kay Grace.

Tumigil siya pagsasalita. Then kumain na naman siya ng cake. Kumain siya na parang walang bukas. Ang bilis niya kumain! Ano to? Cake Eating Race? Nagmamadali? Nagmamadali? Hindi, gutom lang daw siya.

B: hey! Kumain ka din! O ito cake! Kumain ka pa masarap to!

Tapos sinusubuan niya ako nung cake niya. Take note: PILIT na sinusubuan. At habang patagal ng patagal siya sa pagsubo, palaki ng palaki naman yung cake na sinusubo niya sakin. Loko to ah, mabibilaukan na ako, hindi pa din siya tumitigil sa pagsubo ng cake!

DA: mm! Mmmm! Ayoko na! mmm!
B: kain ka pa!
DA: sinabing ayoko na eh! *coughs*
B: kung ayaw mo kumain, edi wag! Ako na lang kakain. Ang sarap kaya ng cake nila!
DA: oi hinay hinay ka lang sa pagkain ng cake. Baka mabilaukan ka.

Para namang hindi ako narinig =_=" Nagpatuloy pa din siya sa pagkain ng cake. Para siyang wala sa sarili. Ang lalaki ng kagat niya sa cake. Parang hindi siya "mahinhin". Hinayaan ko na lang kasi hindi din naman magpapapigil yun eh. Hindi na ako magtataka kung mabibilaukan siya.

B: *coughs*
DA: ok ka lang?
B: water.. *coughs* waterrr!!
DA: see, sabi ko na nga ba eh. Mabibilaukan ka.

Binigyan ko siya ng tubig then hindi ko na ulit pinansin. Mamaya yung pag-ubo niya, may kasama ng pag-singhot. Paglingon ko, umiiyak na siya! O_O hala, anong nangyari? Binigyan ko lang ng tubig umiiyak na siya! May gamot ba tong tubig?!

DA: oi, bakit ka umiiyak? May onion ba yang cake na kinakain mo at naiiyak ka? O yung tubig??
B: bakit siya pa.. hindi naman siya maganda.. bakit sa pangit pa...
DA: ha? akala ko ba cute yung cake? Kaya nga ang dami mong binili eh.

Labo din kausap nun eh no? Kanina sobrang nacu-cute-an siya sa mga cake. Ngayon kung laiitin niya yung mga cake wagas. Gantihan siya ng mga cake eh. >_<

B: bakit ba patay na patay kayong dalawa kay Grace?
DA: ha? Pano napunta ung usapan kay Grace?
B: sagutin mo ako. Ano ba nagustuhan niyo ni Ken kay Grace at gustong gusto niyo siya?
DA: hindi ko alam sinasabi mo *kamot ulo*

Ang uhh.. awkward ng tanong niya. @_@ Biglaan eh. Paano ko ba sasagutin yung tanong niya? Ano nga ba ang dahilan??

Mayamaya, bigla siyang lumapit sakin. Mas lumapit pa siya then unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya sa mukha ko habang nagsasalita.

B: sexy ba ako?
DA: err.... Oo.
B: maganda ba ako?
DA: ha? uhh.. oo. Oo.
B: may gusto ka ba sakin?
DA: ...

Ano daw? Ano ba tong babaeng to? Inaakit ba niya ako? Bakit niya ako tinatanong ng mga ganun?! Masyado akong na-stun sa beauty niya. Oo, maganda siya! Magandang maganda! Pero nung tanungin niya ako kung may gusto ako sa kaniya, hindi ko siya masagot!

DA: ...
B: DA? Ano? Sagot na..
DA: ...

Syet, mas lumalapit pa siya sakin! Pakonti ng pakonti na lang ang distansya niya sa akin. Konti na lang at magkakadikit na ang aming mga..

B: nevermind.

Bigla siyang lumayo sakin then wait, she stopped crying! Since when? Hindi ko napansin! So it was all just an act?!

DA: ...??
B: don't worry, ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na di tayo bagay. Na kami lang ni Ken ang bagay. Sinasabi ko na to sayo bago ka pa tuluyang ma-inlove sa akin.
DA: *coughs* Ako pa talaga mai-inlove sayo no? Baka ikaw! *pabulong* Ikaw kaya tong sama ng sama sa akin..
B: wag ka mag-alala, hindi ako maiinlove sayo. Kasi hindi ikaw ang type ng lalaki na gusto ko.

And now I realized na itong si Blue ay babaeng version ni Ken. Seriously, she is annoying and all. Nakakairita din kasama! Ngayon alam ko na kung ano nararamdaman ni Grace kapag kasama niya si Ken. What more pa at ngayon at nakatira sila sa iisang bubong! Ang hirap pala ng ganito. Now I know kung bakit sobrang lang talaga ang inis niya kay Ken.

DA: wag ka mag-alala, hindi din ako magkakagusto sayo dahil hindi ikaw ang type ng babae na gusto ko.
B: that's good to hear.

Hinding hindi talaga ako magkakagusto sa kaniya. Hinding hindi. Dahil itong puso ko, para kay Grace lang nakalaan!

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon