CHAPTER 30: Dating Jared Part 2

10.7K 85 1
                                    

[ GRACE's POV ]
Ngayon ko lang napagtanto na napakakulit at daldal din pala ni Jared. Kanina pa kaming magkasama pero hindi siya nauubusan ng kwento. Hindi din kami nauubusan ng tawa dahil sa mga corny, pero nakakatawang jokes niya. Isa ito sa mga side niya na ngayon ko lang napansin. Akala ko kasi ay seryosong tao si Jared, hindi naman pala. May makulit na side din pala siya.

Habang nasa kalgitnaan kami ng kwentuhan, naramdaman kong may biglang nagpatong ng kamay sa balikat ko. Hindi ko pa nagagawang lingunin ang taong yun, pero nagsimula na siyang magsalita.

Anong ginagawa mo dito...

Biglang nagsitaasan yung balahibo ko nung narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Akala mo nagka-stiff neck ako dahil hindi ko magawang lingunin ang pinangalingan ng boses na iyon. Parang bigla akong kinabahan!

...Ms. Frog Princess?

G: *gulp* anong gina-
K: my dear Frog Princess, ako nga dapat ang magtanong sayo niyan eh. Anong ginagawa niyo dito?

Bakit parang siyang galit? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Hindi kaya naingayan siya sa amin ni Jared kaya siya galit? Ang arte naman!

G: uhh- ano nga ba? Ehehehe

Ahe. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Ken. Ano nga ba dapat kong isagot sa kaniya?

J: we're dating.

OH. SHIT. JARED. YOU'VE JUST DIG MY OWN GRAVE. Bakit niya sinabi yun?! Itong Ken naman na to kung makatawa akala mo wala ng bukas! Ano naman nakakatawa sa sinabi ni Jared? Nakakatawa ba kapag may nakipag-date sakin?!

K: HAHAHAHAHAHAHA!!!!!!
G: ang ingay mo! Bakit ka ba tumatawa?!
K: date?! Wow. May nagtyatyaga pang makipag-date sayo!

Gago pala to eh. Gusto talagang sirain ng lalaking to yung araw ko! Hindi ako magpapa-apekto sa ginagawa niya. Hinding hindi ako magpapa-apekto sa mga sinasabi niya. Hindi ako magpapa-apekto sa presensya niya. Hindi ako magpapa-apekto sa kaniya!

G: pwede bang bumalik ka na sa table niyo. Nakakahiya ginagawa mo!
K: wow, nahihiya ka. Bakit? Nakakaramdam ka lang ba ng hiya kapag kasama mo yang lalaking yan?
J: pare, bumalik ka na sa table niyo. Nananhimik kami dito kaya wag mo kaming guluhin. At isa pa, wag kang gumawa ng eskandalo dito. Nakakahiya ang ginagawa mo.

Biglang natahimik si Ken dahil sa mga sinabi ni Jared. Seryoso si Jared at matalas ito kung makatingin kay Ken. Ganun din naman si Ken kay Jared. Pareho silang nagbabatuhan ng masamang tingin sa isa't-isa. Pero unang umiwas ng tingin si Ken.

K: ok. I'm going. Magpakasaya kayo. Whatever.
G: pwede ba Ken, tumigil ka na?

At parang hangin lang ako kay Ken. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita. What the hell is wrong with this creature?!

K: Amazona, ingatan mo yang ka-date mo ha. Baka ito na maging first and last date mo pag pinakawalan mo pa yan. Mukha pa namang siya lang ang nag-iisang lalaking magtyatyaga sayo. *scoffs*
J: pare, sumosobra ka na ah.
G: pwede bang umalis ka na!
K: whatever.

Sa sobrang inis ko sa kaniya, hindi ko na napigilan ang sarili ko na taasan ng boses si Ken. Sumosobra na kasi siya eh! Umalis na si Ken at bumalik na sa mga kasama niya. Grabe talaga ang lalaking yun. Binuhay ata siya sa mundo para lang sirain yung araw ko. Para lang perwisyuhin ako. Para lang inisin ako!

Halos mangilid-ngilid na ang luha ko dahil sa mga masasakit na salitang nabitawan niya. Bakit ba napakasama niyang tao? Bakit ba kasi nakilala ko pa siya?! Minsan gusto ko ng awayin tong si Ted Hannah eh! Hindi ako iiyak. Hindi ko ipapakita yung weak side ko, lalong lalo na sa harap ni Jared.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon