CHAPTER 2: Ang Pagtatagpo

28.2K 229 16
                                    

Hello. Ako si Grace Aguirre. Isang nilalang na pinagsukluban ng langit at lupa dahil ni katiting na kagandahan ay hindi ako nabiyayaan at dahil nakaka-emo ang bagay na iyon, ayoko ng mabuhay sa mundo kaya magpapakamatay na ako at dito na din matatapos ang kwento na ito.

De. Joke lang. :D

Ako si Grace at ito ang kwento ng buhay ko...



GRACE: ui! Ano ka ba naman ang tagal mo! Nagugutom na ako eeeh~~!
COLLIN: oo ito na! Sorry-masen! Kinausap pa kasi ako ni Sir tungkol sa project namin kaya ako natagalan ng konti.

30 minutes is the new 1minute. Kanina kasi sabi niya hintayin niya ako dahil mabilis lang siya. Ang sabi pa nga niya 1minute lang eh. Tapos ito, inabot ako ng 30minutes sa paghihintay sa kaniya. Grabe no? Napaka-bait ko talaga!

G: natagalan ng konti? Sa bagay 30 minutes lang ako naghintay.. Again, 30 freaking minutes lang naman. Pinaka matagal na sa iyo ang isang oras. Sandali lang naman un eh, diba?!
C: ehe, pasensya na talaga! >_<
G: ok fine total ikaw naman manlilibre sakin ng lunch ngayon eh dba? *grabs Collin's hands* Tara na!
C: ui! Teka! Wala akong-

At dahil ang dami ko ng gutom at umiiyak na ang mga alaga ko sa abs ko, hinatak ko na siya papunta sa canteen. At wala din siya magagawa kundi ang ilibre ako! Naabutan naming nakatambay na sina Anna and Mae sa usual table namin.

ANNA: ui! Kilala nio ba ung Ken Ong?

Ok ito na naman si Anna sa boy talk niya. Pagkarating na pagkarating namin ay iyon agad ang bungad niya sa amin ni Collin.

C: hindi. Sino na naman ba yang lalakeng yan huh Anna? Bago mong prospect? Ang dami mo namang prospect!
G: juice colored, kakarating lang namin ni Collin, yan agad yung bunad mo samin. *facepalm*
MAE: actually, kanina pa niya hindi tinatantanan sa Ken Ong na yan. *nagbasa ulit ng libro*

Itong mga babaitang kausap ko, sila ang mga kabarkada ko ever since highschool pa lang kami. Bonga diba? Hanggang college, magkakasama pa din kami. Pero nasa magkakaibang college/departments nga lang kami.

Si Anna Cruz ang pinakamatalino sa grupo namin. Student Council Officer ng department nila yan at deans lister din. Madami din siyang rakets tulad ng President ng club, vocalist and guitarist sa sarili niyang banda at lapitan ng mga kaklase sa tuwing may hindi sila maintindihan sa klase. Pero ang nakabibilib kay Anna, kahit na madami siyang alam na kalokohan sa buhay ay na-me-maintain pa din niyang matataas ang grades niya.

Yung babaitang busy magbasa ng libro kanina, siya naman si Mae Marcos. Pinaka-tahimik at studious sa aming apat si Mae. And obviously, she likes to read a lot. When I say a lot, A LOT talaga. Sa katunayan nga, madami ang nagtataka kung paano nakasama sa barkada namin si Mae dahil sa aming apat, siya ang pinakatahimik at seryoso. Hindi lang nila alam, tahimik lang siya at hindi maimik, pero may tinatagong kalokohan din ang batang yun!

At sa aming apat, si Collin Salcedo ang pinaka-makikay, pinakamadaldal, pinaka-pagirly, at laging late sa mga lakad! Walang siyang ibang hinangad kundi ma-meet at makilala ang kaniyang ka-"Sparks" (lovelife). Kaya naman sa inaraw-araw na pagkikita namin, wala siyang ibang ginawa kundi ang mag-ayos (you know, makeup!) ng kaniyang sarili dahil kung sakali daw na magkita na sila ng ka-"sparks" niya, maganda daw siya. Hence, lagi siyang late sa mga lakad namin -_- Sabi ko nga sa kaniya, kahit hindi na siya mag make-up eh maganda pa din siya. Pero ayaw niya maniwala -___- Ganun ata kapag nangaling ang mga salitang iyon sa isang pangit na tulad ko. HAHA! Magpaganunpaman, mahilig siyang maghanap ng "sparks" seryoso din naman siya sa buhay niya. Mukha lang mahilig yan sa paghahanap ng lovelife, pero once na pumasok na siya sa isang relasyon, sobrang seryoso siya. At talaga namang maswerte ang lalaking makaka-spark niya!

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon