CHAPTER 44: Tuliro

10.7K 73 0
                                    

SA LIBRARY
M: hui, ok ka lang?
G: ha? Bakit?
M: tulala ka jan.
G: ha? *shake head* Hindi ah.
A: hindi ka tulala. Eh hindi mo na nga namalayan na nakapasok na si Paul.
G: ha? Nasa loob na ba siya? Hindi ko napansin...
M: Hai Grace, ano bang problema mo at kanina ka pa wala sa sarili mo?

Should I tell them? Should I tell them what is bothering me right now? Kinakabahan ako. Feeling ko kapag kinuwento ko sa kanila, lalo lang ako mawiwindang. Pero mas nakakawindang nga ata kung isasarili ko lang to.. Waaah nababaliw na ako @_@

G: si-si Jared..
A: oh, anong meron sa pinsan ko?
G: nag-confess siya sakin nung Dance..
M, A, C: WHAT?!

Biglang tumingin samin yung mga tao sa library. Grabe ang lakas ng boses ng mga kasama ko, nakakahiya! Huhu.. Sinasabi ko nga ba at magiging ganun mga reaksyon nila eh. :|

G: shh~ wag nga kayo maingay! Lumipat tayo sa canteen at doon natin mapagusapan. Mukhang mapapagalitan pa tayo kapag dito ko pa kinuwento sa inyo eh. :|

Lumipat kami sa canteen para doon ko ituloy yung kwento ko. Wala pa ako sa climax ng kwento ko pero grabe na makatili sina Anna at Collin. Tamang desisyon talaga ang umalis kami sa library -___-

A: so anong sinabi mo sa kaniya?
C: did you two kiss?
M: what the hell Collin? Grabe imagination mo!
C: sorry na sorry na! o eh ano nga sinabi mo sa kaniya?

Ano nga ba sinabi ko? Ang tanong.. may sinabi nga ba ako? Hai.. naguguluhan ako! Parang mas naguluhan pa ako nung kinuwento ko sa kanila yung nangyari.

G: wala. Wala akong nasabi..
A: wala? Anong wala?
G: wala nga talaga. na-speechless kasi ako sa sinabi niya! Ngayon nga eh di ko alam sasabihin ko pag nagkita kami eh.
M: just be yourself. Wala ka naman kelangang sabihin o gawin eh.
G: eh ano na lang gagawin ko kung bigla niya ulit ako tanungin?
C: edi sabihin mo sa kaniya kung ano nararamdaman mo.
G: nararam.. daman?
A: ano ba feelings mo sa kaniya? May gusto ka na ba sa pinsan ko?

Yan yung tanong na hirap akong sagutin. Hindi ko alam kung ano na nga ba nararamdaman ko para kay Jared. Oo, masaya ako pag kasama ko siya. At may mga oras na kinikilig ako kapag kausap ko siya. Pero sapat na ba iyon para masabi ko sa sarili ko na may gusto na ako sa kaniya?

Tapos na ang break at may klase na naman ako. Hai naku.. makikita ko na naman yung sadista naming Prof. Pero wala ako sa mood makinig sa kaniya.. ilang araw na akong ganito. Laging wala sa sarili. Parang gusto kong mag-cut sa klase..

G: haiii...

Ano nga ba sasabihin ko kay Jared kapag tinanong niya ulit ako? Tengeneng tanong naman yan oh. Mas mahirap pa sa Advance Algebra o Electronics eh! At least yun, may IISANG solusyon para malaman yung sagot. Ito kasing problema ko ngayon, hindi ko masagot dahil hindi ko alam kung ano yung solusyon. Pakenshets naman oh T__T

K: poke.
G: AY FUUUU-
K: seryoso ka jan ah.

Naman oh. Epal talaga! Sarap ihambalos sa mukha niya yung makapal kong textbook eh. Kainis! Wala ako sa mood para makipag-away sa kaniya. Kakairita.

G: wag ka ngang magulo. May iniisip ako.
K: wow, nag-iisip ka din pala?

Tinignan ko na lang siya ng masama. Tulad nga ng sinabi ko, wala ako sa mood makipag-sagutan sa kaniya.

PROF: I would like to remind you that your project's deadline is due on next week. I will not give extension because I already gave you enough time to finish that. So how is the progress of your project? Patapos na ba kayo?

OH CRAP. May isa pa pala dapat akong problemahin.. Yung project! Naman oh. Bakit naman nagkasunod-sunod pa yung problema ko!

Madami sa mga kaklase ko ang napa-buntong hininga dahil halos lahat kami eh hindi pa nakaka-start sa project. Eh hello, Dance week last week kaya feeling namin napakalayo pa ng deadline. Pero mukhang petiks mode lang tong katabi ko eh. Sarap sapakin. Wala lang, for fun XD

G: tapos ka na ba sa project niyo?
K: oo naman no. ginawa na namin ng partner ko the day na inannounce ni Sir yung project natin. Dali lang kaya!
G: oo ikaw na. sige na. *sigh*

Oo na. siya na ang imba. Siya na ang matalino. Siya na ang magaling. Alam ko na nga yung sagot, tinanong ko pa. Ako pa tuloy ang napahiya.

Napagusapan na namin ng partner ko na si Trish last week na gagawin namin yung project this Saturday since yun na lang yung option namin para matapos yung project... hai..

Pagka-bell, kinausap ko na si Trish about sa project making this Saturday. After ko siyang kausapin eh pumunta na ako sa locker ko at kinuha ko na mga gamit ko. Wala ako sa mood kaya magi-skip na lang ako sa next class ko at uuwi na lang..

Pababa na ako ng hagdan ng bigla akong tinapik ni Ken.

K: sa Saturday kelangan mo palang-
G: di ako pwede sa Saturday
K: teka, hindi pa ako tapos sa sasabi-
G: uutusan mo ako pumunta sa bahay niyo sa Saturday diba? Sinasabi ko na nga sayo na hindi ako pwede.
K: bakit naman?
G: gagawa kami ni Trish ng project eh.
K: oh. Saan naman nakatirik yang bahay ni Trish?
G: hmm.. hindi ko alam eh. pero sabay naman kami pupunta doon.
K: ahh.. hmm, hanggang what time kayo doon?
G: ewan ko. baka abutin kami ng gabi siguro...
K: GABI?! Eh bakit ka magpapaabot ng gabi doon?!
G: Kasi alam mo naman, kelangan namin maperfect tong project na toh kasi pag nabagsak namin toh, goodbye tres na kami. T_T at bakit ba ang dami mong tanong?!
K: sus. Hindi ka kasi nag-aaral kaya tuloy nagkaganyan mga grades mo.

Aba! Kita mo tong Pinyang to. Nagyabang na naman ng grades! Palibhasa kasi.... HMF! Oo na sige na, siya na matalino!

G: ang yabang mo naman! Porket wala ka lang bagsak kay Sir.. hmf!
K: aba syempre.. matalino ako eh B-)
G: tss, yabang!
K: nagsasabi lang ng totoo B-)
G: oo na.

Ayoko ng makipag-talo. Ako din naman talo sa huli eh. Tss. Hindi ko na ulit siya sinagot at tumahimik na lang. Hahaba lang kasi lalo yung pagtatalo namin pag papatulan ko pa siya eh. -___-

K: wag kang magpapagabi.
G: eh?

Ano daw?

K: wag kang magpapagabi sabi ko.
G: bakit naman?

Wow ha. This is something new. Si Ken, may concern sakin? May sakit ata tong taong to eh -__-

K: ahm. hmm.. Kasi the next day, maaga kang pupunta samin. Magpapatulong ako sayo maglinis ng bahay.
G: ah.. ok..

Akala ko pa naman... oh well. Imposible nga kasi yung iniisip ko diba? KEN is KEN. Ok. NVM.

G: Most probably baka gabihin talaga ako eh.. pero susubukan kong pumunta sa bahay niyo sa Sunday ng maaga.
K: basta umuwi ka ng maaga!
G: eh! bakit ba?! Wag mo na pakilaman yung oras ng uwian ko, ok?
K: BASTA, UMUWI KA NG MAAGA! *walkout*
G: eh?

Oh, problema nun? Bakit bigla na lang akong sinigawan nun?! Pagkasabi niyang nun, bigla na lang niya ako tinalikuran at saka nag-walk out. WHAT THE F?



-------------------------//
SATURDAY

So 7 am ng nakarating na kami sa bahay nina Trish. Spacious and maganda yung house nila. Naisipan naming sa terrace na lang gumawa para presko.

TRISH: Grace, alam mo na ba gagawin natin sa project?
G: HEHEHEHEHEHE :D

Ok. So nagplano kami ng project making... ng walang alam sa gagawin. :|

T: laro muna tayo Wii baka sakaling may maisip na tayo after natin makapag-petiks.
G: hehe sige sige :D

11:00am

Almost Lunch na. Pero wala pa din kaming nasisimulan ni Trish. Huhu, ano na lang ang gagawin naming dalawa? T_T halos 2 hours na naming tinitigan yung Breadboard, wires at LED.. pero wala pa din kaming nabubuo. Kung pwede lang sana makatapos ng project sa isang titigan, siguro nakagawa na kaming dalawa ng 2sets of project dahil dalawa kami ni Trish ang nakatitig sa Breadboard. T_T

2:00pm

T: Grace, alam mo na ba gagawin?
G: HEHEHEHEHEHE :D

Ito na naman kami sa tanong na to. Wala pa din kaming nasisimulan! Huhu!

T: tara nood muna tayo TV. Baka makapag-isip na tayo mamaya kapag medyo nakapag-pahinga na tayo.
G: haha sige sige. Doon tayo sa Discovery Channel baka sakaling masagot nila katanungan natin hehe

3:15pm

Nakalaro na kami ng Wii, nakapag-lunch at nood ng TV pero hangang ngayon eh wala pa din kaming nagagawa ni Trish. Napaka-productive namin ano? PRODUCTIVE = BUM.

T: try natin mag-search sa net.. baka sakaling makahanap tayo ng idea kung paano natin sisimulan yung project.
G: bakit nga ba hindi natin naisip yang idea na yan kanina? Amf! Teka, open nga tayo ng Facebook.. try natin tanungin classmates natin kung nakatapos na sila sa project..

RESULTA: nalulong namin sarili namin sa paglalaro ng CRIME CITY, BAKING LIFE at FARMVILLE. Hosh*ts.

4:30pm

May naging magandang epekto naman ang pagfe-face book namin ni Trish.. nagbigay ng link yung isa sa kaklase namin kung paano namin masisimulan yung project. Medyo nakakita na kami ng liwanag ni Trish...

T: ayan try natin yung sa link.
G: sige sige.

5:05pm

May progress na kami sa project namin! Hmm.. sabihin natin na from 0% eh naging 10% na. Pero after nun, hindi na kami naka-usad sa project namin. 10% pa din kami.

Kinakabit ko na yung LED ng bigla kong naramdamang nag-vibrate yung phone ko.

---START OF TEXT---
K: Nakauwi ka na?
G: hindi pa boss. Hindi pa kami maka-usad sa project eh. Palaging may mali sa gawa namin...
---END OF TEXT---

Hai naku. For sure kukulitin na naman ako nun.

6:45pm

---START OF TEXT---
K: tapos na kayo? Pauwi ka na ba?
G: hindi pa.. wala pa kami sa kalagitnaan ng project namin... huhu...
---END OF TEXT---

7:56pm

---START OF TEXT---
K: saan ka na? On the way ka na ba?
G: wah~ hindi pa kami tapos!
K: quarter to 8 na ah. Umuwi ka na.
G: wah, hindi pa pwede! Ang tagal pa bago matapos tong project namin.. WAH! Teka, wag mo nga akong kulitin! Sinabi ko na sayo na gagabihin ako diba? Wag mo na akong itext at busy ako. Ang epal mo eh!
---END OF TEXT---


Ok. Kanina pa niya kasi ako tinetext eh. Nakukulitan na ako. Buti sana kung nakakatulong sa project namin yung pagtetext niya eh. Pero hindi eh! Huhu.. nasa 10% pa din kami ng project namin. Yung liwanag na kanina naming nakikita.. parang dahan dahang nawawala na. Is this a goodbye for tres? Huhuhu!

8:08pm

Nakatitig na naman kami ni Trish sa project namin. Iyak tawa na lang kami sa nangyayari eh. Hindi namin alam kung ano ng gagawin namin dalawa. Parang gusto na naming sumuko...

*BEEP BEEP*

MOM NI TRISH: Anak, may isa ka pa yatang kaklase na kararating lang.
Trish: Ma, papasukin niyo na lang po muna. Medyo busy po kasi kami dito eh

Pagkasabi nito ni Trish ay lumabas ang Mommy niya para sunduin yung isa pang bisita. Naku.. sino naman kaya tong bisita ni Trish at late ng dumating. Buti sana kung siya makakatulong dito sa project namin eh...

MOM NI TRISH: o iho, pasok lang. Nandoon mga kaklase mo.
salamat po Mrs. De Ocampo

Teka.. bakit parang pamilyar yung boses na yun?

T: Grace, iwan muna kita jan ah. Asikasuhin ko lang yung isa pang bisita.
G: ok sige. Try ko na din muna ayusin to.

Umalis muna saglit si Trish para asikasuhin yung bisita niya. At habang busy siya, ako naman ay nagpapaka-busy para hanapin yung error dito sa project namin. Kanina pa ako napipikon dito eh. Tama naman yung ginawa namin.. sinunod naman namin yung instruction sa internet. Pero di ko makuha kung bakit mali pa din kami! Huhu.

Naririnig ko na malapit na sina Trish at yung kasama niya.. pero hindi ko na muna sila pinansin. Sayang yung oras eh. Konting segundo lang ng paglingon ko, marami na ang pwedeng mangyari (ok, bakit hindi ko pa naisip kanina yun habang pumepetiks kaming dalawa? tss).

T: Buti naman Ken at hindi ka naligaw?

Ha? Tama ba ang rinig ko? Si Ken? Si Ken yung dumating?! O nabingi na naman ako dahil sa epekto ng pagbubutingting ko dito? Haha.. minamaligno na ata ako dito. Kung ano ano na naririnig ko.. Sakto, may malaking puno sa tapat ng terrace nila. Baka doon galing yung... Hosh*ts.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon