CHAPTER 126: Deadline

6.1K 101 25
                                    

GRACE's POV

/--- START OF TEXT ---/
FROM: Xandy

Ate, yung vase ha wag mo kalimutan! I need to text you everyday para maalala mo. Makakalimutin ka kasi eh!! Need ko na yun next week..
/--- END OF TEXT ---/

Noong isang araw pa akong kinukulit nitong si Xandy sa vase. Paano kasi, kailangan na kailangan na niya para sa school project nila. Mabuti na lang at sinamahan ako ni Rico maghanap ng vase sa mall nung isang araw. At dahil gusto daw niya makabawi sa kasalanan niya sa akin (the Ice Cream incident!), tutulngan daw niya akong maghanap ng magandang vase at an affordable price. Ang saya diba! Actually, papunta na ako ngayon sa mall para imeet si Rico dahil ngayon namin bibilhin yung mga vase na nakita namin nung isang araw.

/--- START OF TEXT ---/
FROM: Sushi Boy

Hoy Amazona. Late na ako makakauwi. Pakikuha naman yung sneakers ko sa locker. Baka hindi na din ako makabalik ng school eh. Gagamitin ko bukas yun kaya kelangan mong iuwi yun sa bahay ko. Alam mo na naman yung code ng locker ko diba.
/--- END OF TEXT ---/

Kita mo tong lalaking to. After ilang araw niyang hindi magparamdam sa akin dahil sa huli naming away, ngayon lang ulit siya nagparamdam. Pinalipas pa niya ang isang linggo bago magtext. And guess what, nagparamdam nga, utos naman ang laman ng text. How thoughtful of him.

Bakit nga ba naiinis ako? Ano nga ba namang karapatan kong mainis, eh ako naman ang dahilan kung bakit kami nag-away. *sigh*

And I assume na galing na naman siyang date with Lea kaya siya late na uuwi ngayon. Palagi naman e. Palagi na lang.

/--- START OF TEXT ---/
To: Sushi Boy

Hindi ako makakadaan ng locker mo. May importante akong lakad. Daanan mo na lang bago ka makipag-date.
/--- END OF TEXT ---/

Wala pang 10 seconds ng biglang nagreply si Ken sa huli kong text. Wow. That was fast. Wala sigurong magawa yun kaya ang bilis niyang magreply.

/--- START OF TEXT ---/
FROM: Sushi Boy

Importanteng lakad? Mas importante pa sa akin? Lol. Saan ka pupunta? May kasama ka?
/--- END OF TEXT ---/

Nyemas, kahit sa text ang kapal pa din ng mukha. Pakialala nga sakin kung bakit ako nagkagusto sa lalaking to please?

/--- START OF TEXT ---/
To: Sushi Boy

Babalikan namin ni Rico yung vase sa mall.
/--- END OF TEXT ---/

After nung huli kong text, hindi na siya ulit nag-reply. Well I guess pinahihintulutan na niya ang servant niya na mag-day off.


KEN's POV
Rico? Nanaman? Parang kasama lang niya yung lalaking yun nung isang araw ah. Magkasama na naman sila ngayon?!

LEA: Ken, restless ka na na naman.
K: hmm?
LEA: sino ba yang katext mo? Simula ng nabasa mo yung reply ng katext mo, naging ganiyan na naman mood mo. Okay ka naman kanina.

Ganun ba ka-obvious pag nagiiba ang mood ko? Ganun ba ako ka-affected sa mga tinetext ni Grace kaya grabe na lang ako maka-react? Damn, ano na ba tong nangyayari sa akin.

Kung bakit kasi naisipan ko pang itext yung babaeng yun. Sneakers? Hindi ko naman talaga gagamitin yun eh. Naghanap lang ako ng dahilan para itext si Grace. At hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ko yun ginawa.

Ugh.

K: ah wala naman. Hehe. Sorry. Kain na ulit tayo? Sabi nila, masarap daw yung wine nila dito.
LEA: really? Then let's try that later.

Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit [ C O M P L E T E D ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon