Ch.35: Crucial Stage

32K 312 21
                                    

Chapter 35: Crucial Stage.

Bianca's POV

 


 

"I'm not Chino," sabi niya nanatiling nakatalikod, nagtaka ko. Anong hindi siya si Chino? Eh kahit nakatalikod siya kilala ko ang tayo at pustura niya.

"...I'm Alden. I miss you Biancs." at tuluyan ng humarap sakin ang lalakig hindi raw si Chino kundi si Alden.

Napanganga na lang ako.

Si Alden na kinamumuhian ko.

Si Alden na nanloko sakin.

Si Alden na ginulo ang buhay ko.

Si Alden na naman ngayon?

Paano niya nagagawang ngumiti sakin ng ganyan? Paano? TToTT

Para bang close kami at wala siyang kasalanan sakin.

Napako ako kinatatayuan ko ng bigla niya kong sunggabin ng yakap.

"I missed you so much Mhie," malambing na sabi niya sakin. Di ko mapigilang manlambot. Yung tawag na yun, kahit nakokornihan ako nung naisip niya yun, tuwang tuwa ako pag tinatawag niya ko nun. Miss na miss ko na ang tawagang iyon. Pero sa kabilang banda, nanalaytay pa rin sakin ang pagkasuklam sa kanya.

"Tama na, bitawan mo ko." sabi ko sa kanya, hindi ako makakilos dahil parang nakadikit ang talampakan ko sa lupa.

Pero sa halip na kumalas, lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin. Nabahala ako at para bang nataranta bigla ang puso ko. Ang bilis bilis ng tibok nito. Hindi ko mapagtanto kung sa kaba ba ito o sa kung ano.

"BITAWAN MO KO PLEASE!!" Pilit ko siyang inilalayo sakin, pero hindi ko magawa. Napakalakas niya.

"Sakin ka lang, sakin lang!" matapang at may otoridad na sabi ni Alden at nagulat na lang ako ng bigla niyang isinubsob ang labi niya sa leeg ko at nararamdaman ko ang bawat halik niya. Ang halik niya ngayon, kakaiba. Parang puno ng galit at pananabik. Hindi ko mawari, naramdaman ko na lang na may mainit na likido na ang umaagos sa pisngi ko. Naiiyak na lang ako. 

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon