Ch.33: My Heart Skips a Beat

39.3K 486 41
                                    

Dedicated sa aking loyal silent reader na umonline pa para imessage akis at i-vote ang story ko. Salamat imangelonearth! Pati sa pagpromote ng ONS sa new story mo, Goodluck! :D

**




Chapter 33: My Heart Skips a Beat

Bianca’s POV

“Ano yan?” tanong ko kay Bryan, nadatnan ko kasi siya sa kusina na nagluluto. Naaamoy kong mabango yung niluluto niya pero hindi ko naman mawari kung ano yun dahil bago sa pang-amoy ko, bumaba ako para sundan ang amoy at nadatnan ko nga siya. 10 pm kami dumating sa rest house nila dito sa Bolinao, Pangasinan pero 12 midnight na ngayon at gising pa din siya.

Tumingin siya sakin, “Nagising ba kita? Sorry.” Sabi niya at hinarap ulit ang niluluto niya. Aba serious sa ginagawa! Busy!

“Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh,” sabi ko sa kanya at humikab ako. Napagod kasi ako sa byahe kaya naman inaantok na ko.

“Chili con carne to.” Sabi nya naman, “Ayan luto na, tikman mo.” Kumuha siya ng kutsara at kumuha ng kaunti sa niluto niya, nilapit niya iyon sa akin at akmang susubuan ako.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nakatulala. Ang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa.

Nakatingin siya sa.. ewan ko? Hindi sa mata eh. Parang sa pagsusubuan niya habang ako matamang nakatingin sa mukha niya, nagbibilang ng molecules.. Chos! Syempre, alam niyo na. Para-paraan para tumitig. *U^

“Ahh” binasag niya ang pagkatulala ko ng ngumanga siya na sinasabing isubo ko na yung hawak niya. Nakatingin na siya ngayon sa mata ko. Eh bakit kasi? Nakukuryente yata ako! %___%

“Ahh.” Pagsubo ko naman doon, pakiramdam ko namula mukha ko sa gesture niya na yun. Minsan talaga hindi ko kontrolado katawan ko eh, parang may sariling isip na ginagawa ang gusto nitong gawin.

Kusang mamumula pag kinilig. Tss.

Napaghahalata tuloy ako!

“Saraaaaaaap!” nabigkas ko na lang matapos kong manguya at malasahan ng ayos ng sinubo niya sakin eh grabe lang, SARAP kasi talaga eh. Talentado siya sa kusina!

Nakita ko naman ang pagguhit ng ngiti sa mukha niya. Ayiiiiii! Gwapo naman nireng Bryan na re! \\*u*//

Bigla siyang umalis at pumunta sa dining. Problema nun? Sabi ko naman masarap diba?

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon