Ch.31: Wawa Wonderland Baby!

37.6K 387 17
                                    

Oo, alam ko nainip kayo sa UD, Sorry naman po! Busy po si Rosantot. Pero this is it, eto na'y hinintay niyo. Nawa eh masatisfy ko naman kayo. :D

 

Medyo may pagbabago sa way ng pagkkwento, may halong narration. K pows?

 

****

Chapter 31: Wawa Wonderland Baby!

Dinala na nga nina Chino at Bianca sina Ark at Lewis sa sasakyan para magtungo na sa theme park kung saan naroon ang venue ng birthday party.

Ito ang napiling lugar ni Bianca para sa selebrasyon ng kaarawan ng anak dahil ang lugar na ito ay itinuturing niyang fantasy world, lalo na kung nakasakay ka sa mga rides. Para bang nasa cloud nine ang feeling, tila napakalakas mo, parang may kapangyarihang lumulukob sayo. Nagiging matapang ka kung nandito ka.

Habang nasa sasakyan nanatiling nakablindfold si Luluboy pero si Ark ay tinaggalan na nila ng blindfold para makapagpalit na ito ng costume nitong si Robin. Samantalang si Lewis naman ay sinimulan ng bihisan ni BIanca ng sarili nitong costume. Nasa backseat ngayon ang mag-ina habang si Ark ay lumipat na sa harap dahil nakabihis na ito.

"Who are you? Where's mamami?" tanong ni Luluboy sa tao sa paligid, especially sa taong nagpapalit ng damit niya.

"I'm here darling," sagot ni Bianca, inaassure ang anak na naroon siya.

"And dadadi mamami, where is he?" dagdag na tanong ni Lewis.

"I'm here baby!" sigaw naman ni Chino.

Nagkatinginan sila ni Bianca na parang nagkakaintindihan na. Nangiti nalang sila pareho.

Hindi naman malayo sa kinaroroonan nila ang Wawa Wonderland kaya hindi naging matagal ang pagbyahe nila, nakarating agad sila. At tanaw ni Bianca mula sa bintana ng sasakyan kung gaano na karami ang tao sa pavilion na ni-rent nila, pati na ang mga batang kung todo costume pa. Napangiti na lang siya. :)

Sinenyasan niya si Chino na pumarada na habang siya ay bumaba para tawagin ang Kuya niya na magdadala kay Lewis sa loob dahil may kailangan pa silang gawin ni Chino.

Nang makaparada na ito at nariyan na si Bien ay lumapit siya kay Chino,

"Tara na!" bulong niya rito.

"Saan?" tanong nmana nito.

"Dun lang sa isang kwarto,"

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon