Ch.22: Calvary?

43.7K 521 65
                                    

Chapter 22: Calvary?

 

Bianca’s POV

Matapos ang nasaksihan ko? Ewan ko. Parang nagulo ang isip ko.  Nagdadalawang isip na ko kung itutuloy ko pa ba na sabihin kay Lewis na patay na ang daddy niya, alam ko kasi. Magtatanong siya. Hindi naman na kasi siya sanggol na pwede mo kahit kelan hugutin yung ng mga tao sa paligid niya para mawala na lang dahil wala namang pakialam, lalo na kay Lewis, big deal sa kanya ang lahat ng tungkol sa dadadi niya. Ahhh? Nag-uusap kaya sila? Nagtatanong kaya si Lewis ng mga tungkol rito? Paano na yung itinanim naming kwento sa utak niya? Ahhhhh! Pakiramdam ko sasabog ulo ko. Parang dapat yata, baby pa lang siya wala na kaming iminulat sa kanyang ama, para kahit paano, wala sana kong problema. Kaya ko namang punuuin ang pagmamahal ng ama’t ina ang buhay niya we.

Nakabuo na ko ng desisyon sa utak ko.

Tinawagan ko si Charvs.

*Kring..

*Kring..

Narinig kong nag-ring na ang telepono sa kabilang linya, at may sumagot na.

“Oh Biancs, anong meron?”

“Nakausap mo na ba yung Chino?”

“Hindi pa ngayon pa lang sana, magkikita kami eh, bakit?”

“sasama ko, gusto ko rin siyang makausap.”

Tama, yun nga.

Napagdesisyunan kong kausapin siya.

Gusto kong malaman kung anong mga sinasabi sa kanya ni Lewis o kaya’y itinatanong, gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa isip ng anak ko, gusto ko siyang mas maintindihan.

“Sigurado ka?” narinig kong tanong ni Charvs.

“Oo,” matipid kong sagot, buo na ang loob ko.

Sumugal na rin lang naman ako, itutuloy ko na.

“Sige, sa resto alas-12.” Huling salita ni Charvs.

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon