Ch.19: Playmates (Part1)

45.2K 500 23
                                    

Chapter 19:  Playmates

 

 

 

 Bianca's POV



"Lewis! Lewis! Magbihis ka na. Common!" tawag ko sa anak ko. Nakakain na kasi siya pero ayaw pa rin niyang magbihis, pasaway!

"Wait mamami!" sagot niya habang binubuo ang lego, mukhang busy siya sa ginagawa niya ni hindi man lang tumingin sakin bago pa sumagot

"No baby, tara na. Male-late ka sa school sige. Miss Elaine will get mad at you. You want that?" medyo lumapit ako sa kanya para mapansin niya ako

"No mamami!" mabilis pa alas kwatro niyang sagot. Ang mga bata talaga oh! Mas takot pa sa mga teachers nila kesa sa magulang. Kamusta naman yun? Ayun niligpit niya na ang laruan niya

"Okay good boy!" sagot ko na lang. Lumapit na siya sakin at kinuha ko naman ang uniform niya at binihisan siya.  Una kong isinuot ang shorts niya then ang polo niya, inayos ko rin ang buhok niya, bahagyang nakataas. Ang pogi talaga ng anak ko! :) 

Maraming nagsasabi na hindi ko daw siya masyadong kahawig, pag ganon hindi ko na lang masyadong pinapansin. At sa tuwing sinasabi nila yon, isang tao lang ang naaalala ko, SIYA. Kasi siya malamang ang mas kamukha ni Lewis ko,





"Go get your bag baby, ihahatid na kita sa school mo." mabilis naman niyang kinuha ang bag niya at tumakbo na palapit sa pwesto ko.

"I'm here mamami." at tiningala niya ko saka ngumiti. "Yes baby, Tara?" sabi ko sa kanya, nagnod naman siya habang nakangiti pa rin.

Mabait na bata si Lewis, madaming friends sa school at maraming natutuwa sa kanya, bibo kasi kahit paminsan ay makulit, ganun lang kasi talaga ang mga bata, hyper diba? Nagkakaproblema lang kami talaga sa kanya pag hinahanap niya ang daddy niya, at syempre si Kuya Bien ang umaalalay sakin para hindi kami mabuking, sobra paniwala naman siya sa lahat ng sinasabi namin, bata kasi we pero syempre nagi-guilty na rin ako. Parang pinapaasa ko yung anak ko, pero ayoko lang naman siyang malungkot. Sa tuwing kinukwentuhan kasi siya na kuya tungkol sa daddy niya, kahit hindi totoo, natutuwa siya, sumasaya. At yung kasiyahan na yun ang nagpapalambot sa puso ko.

ONE NIGHT STANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon