Umupo ako sa kama ko. "So, yun na nga. Confirmed ko na kahapon na ang pangalan niya a—what the f—!" Again, di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil tulog na naman. Jusmeyo.

***

4 araw bago ang araw ng pagsusulit.

"Altair! Makinig ka naman sakin!"

"O-kay."

"Makinig ka ha!"

"O-oo."

"Good. Kasi si cru—" As usual... Tulog na naman.

Buset!

***

3 araw bago ang araw ng pagsusulit.

"Altair! Wag mo naman akong tulogan oh!" Sabi ko habang hinahampas ang unan sa kama ko dahil himbing na himbing na siya sa tulog.

***

2 araw bago ang araw ng pagsusulit.

"Argh! Mukha na talaga akong eng-eng dito!" Argh! Nakakainis na talaga to! Palagi na lang.

Wala na akong nakakakwentuhan huhu.

***

1 araw bago ang araw ng pagsusulit.

Napasabunot na lang ako sa sarili ko sa inis sa Altair na to! Talagang tinutulogan niya ako.

Parang gusto ko na siyang isako tapos ihagis para magising.

Haist! Bahala na nga! Pagbigyan dahil pagod palagi. Mukhang talagang puspusan training nila kagaya sa division namin. Mabuti na lang hindi ako kasali sa top 10 sa amin. Kung nasali man ako, baka hindi pa ako nakakarating dito sa dorm, tulog na ako.

***

Araw ng test nila Altair.

Nauna na si Altair na pumasok ngayon. Ngayon na raw kasi ang test nila.

Wish ko na madala si Altair sa top 5 nila. Para naman worth it yung pagpapagod niya sa training at para naman may halaga din ang bigla niya akong tinutulogan. Haay.

Papasok na ako ngayon sa Trainee Section ng biglang may sumigaw nang...

"Pangit!"

Hmm. Sigurado akong hindi ako yun. Ang ganda ko kaya. Hmp!

"Hoy! Pangit!"

Tss. Kung sino man yang taong sinisigawan, mukhang bingi.

"Eunice pangit!"

Natigilan ako bigla. Ano raw? May 'Eunice' akong narinig.

Nilingon ko kung sinong tanga ba yang sumisigaw. Napasimangot ako agad nang makita ko kung sino. It's Ryoran the ugly orangutan.

"Mabuti naman at liningon mo rin ako," sabi niya nang makalapit siya sakin.

"Ako pala tinatawag mo?"

"Oo. Eh sino pa ba ang pangit dito? Diba ikaw?"

Aish! Buset na Ryoran! "Excuse me? Makapagsalita ka ha. Ang pangit mo rin," komento ko.

"Tss. Anong pangit? Ang gwapo ko kaya," aniya. Like eww. "Pero teka nga. Naikwento sakin ni Altair kahapon, ata yun, na natutulugan ka raw niya habang nagkekwento ka."

"So?"

"Pfft. Naisip ko nagmukha ka lang baliw nun sa kakasalita habang tulog na pala kausap mo. Hahaha." At ayun. Natawa nga siya.

"Bwesit!"

"Hahaha. Ngayon ko lang din na isip..."

"Na isip na ano?!"

"Na pangit ka na nga, baliw ka pa! Hahaha."

"Argh! Nakakainis kang pangit ka!" Nasabi ko na lang dahil sa inis.

Humalakhak lang siya. Tss. Sinisira niya ang araw ko!

"Tumigil ka nga sa kakatawa! Kakabwesit."

Bigla nga siyang tumigil sa pagtawa. "Shit! Ngayong araw pala test nila Altair!" aniya.

"Alam ko," pagsungit kong sabi.

"Aish! Mauna na ako sayo, pangit. Kailangan kong i-cheer si Altair," paalam niya saka tumakbo na palayo.

Bigla akong napabuntonghinga. Kung magka-division lang kami ni Altair, paniguradong numero uno akong magche-cheer para sa kaniya. Sana makapasa siya sa top 5 nila.

Doon naman sa aming division----oh shoot! Ngayon din yung test nila Esdeath. Mukhang sabay-sabay ang test ng bawat division. Aish. Bakit ko ba prinoproblema yan? Hindi naman ako magtetest ng ganun. Buti na lang hindi ako kasali sa top 10 para maging stress hahaha.

Nang magsimula na akong muli sa paglalakad bigla kong naalala ang pangit na si Ryoran. Argh! Kaasar. Makakaganti rin ako sa pang-aasar niya. Sarap niyang ibalibag.

*****

Elemental Gunji-teki AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon