"Teka, hindi pa ako tapos. Meron pa" pahabol naman ni Dylan. "Oh siya, wala nang pabitin 'yan ha? Diretsohin mo na!" sabi naman ni Derick.


"Cum Laude rin si Kate" sabi ni Dylan. Medyo nag-process pa muna iyon sa utak ko. Nang natauhan naman ako, bigla na lang akong napangiti.


"Totoo ba?" pagtatanong ko kay Dylan. "Yep" sagot naman ni Dylan sa akin. Sabi naman ng ibang mga kaibigan namin, hindi na daw sila nagtaka. Deserve ko naman daw kasi talagang ma-recognize dahil sa efforts ko sa pag-aaral.


"Pero hindi lang siya Cum Laude" sabi naman ulit ni Dylan. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman sa kanya ulit.


"Summa ka, Kate... Summasaakin" sabi naman ni Dylan. "Sus! 'Yang mga banat mo talaga!" sabi ko naman sa kanya sabay hampas sa braso niya.


"Haha. Puwera biro, Summa Cum Laude ka, Kate" sabi naman ni Dylan. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. "Congrats" sabi niya sa akin. "Thank you" sagot ko naman sa kanya.


Pagkalipas ng ilang minuto, narinig namin ang announcement mula sa Administration Office. Tinatawag na kaming mga ga-graduate para sa final briefing. Graduation na kasi namin next week.


Tumayo na kami at nagsimula nang maglakad papunta sa auditorium kung saan gaganapin ang final briefing ngayon at pati na rin ang graduation next week.


Habang naglalakad naman, bigla akong hinila ni Dylan at sinenyasang huwag akong maingay. Nang nakalayo na ang mga kaibigan namin at hindi man lang nila napansing wala na kami, nagsalita naman na ako.


"Bakit tayo humiwalay sa kanila?" tanong ko sa kanya. "May pupuntahan tayo" sagot naman ni Dylan habang nakangiti.


"Huh? Ano ka ba? Kailangan nating umattend ng final briefing!" sabi ko naman sa kanya. "Kate, trust me. Madali lang magtanong sa kanila. Tsaka na 'yun. Ngayon lang tayo tatakas sa University" sabi naman niya.


Sa bagay, matagal na rin naman akong naku-curious kung ano ang pakiramdam ng pagtakas sa school. Dahil doon, nagpahila na lang ako kay Dylan. Pumasok kami sa kotse niya at nagsimula na rin siyang mag-drive.


Parang pamilyar ang mga nadadaanan namin. "Saan ba talaga tayo pupunta?" pagtatanong ko naman sa kanya habang nagda-drive pa rin siya. Ngumiti lang siya sa akin.


Pagkalipas ng ilang minuto, itinigil na niya ang sasakyan. Pagtingin ko sa paligid, naalala ko na kung ano ang lugar na ito. Hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad na kami paakyat ng burol kung saan naroon ang puntod ng daddy ni Dylan.


Pag-akyat namin, naramdaman ko na naman ang ihip ng sariwang hangin at nakita ko na naman ang luntiang kapaligiran. Paglingon ko nga lang, hindi ko inasahan ang nakita ko. Nandito rin si Tita Carlene... at si mommy.


"Tita? Ma? Ano pong ginagawa niyo dito?" pagtataka ko. Ngumiti lang sila sa akin kaya naman tumaas ang isa kong kilay. Napatingin ako kay Dylan pero nagulat na lang ako sa ginawa niya. Bigla na lang siyang lumuhod sa harap ko at binuksan ang isa na namang blue velvet box.


Sa pagkakataong ito, diamond ring na ang laman nito sa loob. Nang natauhan naman ako, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Napatakip na lang ako sa bibig ko at naramdaman kong may tumulo nang luha mula sa mata ko.


"Kate, sinama ko sila dito para maging witness sa gagawin ko. I know we're still young. Heck, I know I'm just 21 and you're just about to turn 21 this month" napatigil siya sandali.


"But the thing is, I don't want to lose you. I'm willing to wait kahit gusto mo muna ng two years, five years, o ten years or so bago tayo magpakasal . Gusto ko lang talagang makasigurado ngayon na hindi ka na mapupunta sa iba. Makita ko lang na suot mo ito sa daliri mo, kampante na ako. Kate, will you marry me?" seryoso siya at nakikita ko sa mata niyang kinakabahan din siya sa magiging sagot ko.


Ano na, Kate? Umurong na naman 'yung dila mo katulad na lang noong binigay niya 'yung black titanium ring? Tinignan ko sila mommy at Tita Carlene. Nakangiti si Tita Carlene sa akin habang tumango naman nang minsan si mommy.


Pinunasan ko ang mata ko at ngumiti ako sa kay Dylan. Tumango-tango ako dahil hindi pa ako makasagot nang maayos. Nang napakalma ko na nang kaunti ang sarili ko, nakapagsalita na rin ako.


"Yes. Of course" sagot ko sa kanya. Agad siyang ngumiti sa akin. Tinanggal niya ang black titanium ring at inilipat ito sa index finger ko. Pagkatapos niyon, isinuot na niya sa akin ang diamond ring. Tumayo na siya at agad niya akong niyakap. Niyakap ko rin naman siya.


Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon lalo pa't nakita mismo nila mommy at Tita Carlene ang mga pangyayari. Ito na yata ang pinakamagandang graduation gift na natanggap ko.






They Meet Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now