Chapter 2

44.1K 899 88
                                    

Demone POV

MALAWAK na malawak ang ngiti ko nang magising ako na hindi ang kwarto ko ang nakita ko. Yehey! Wala ako sa bahay namin.

Kinusot kusot ko ang mga mata ko habang humihikab. Tumalon talon ako sa ibabaw ng kama at napapalakpak sa tuwa. Sa wakas pwede na akong lumabas kahit saan ako magpunta.

"Hindi na ako nakakulong, eeh!" Panay ang sigaw ko dahil ang lambot lambot ng kama. Mas malambot ang kama ko sa bahay namin pero masaya ako kasi hindi iyon ang gamit ko.

Ginulo ko ang buhok ko at kumuha ng suklay habang naghehead bang na parang rock star. Nakangiti akong pumikit at kumanta.

"I found a love for me
Darling just dive right in
And follow my lead
Well I found a girl beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me
'Cause we were just kids when we fell in LOVEEEEEEE~"

Sigaw ko sa huling linya. Bumirit ako ng bumirit.

"What the hell do you think your doing?"

Napangiwi ako dahil sa galit na boses na narinig ko. Napatingin ako sa pinto ng kwarto at doon nakita ko ang isang lalaking gwapo. No, hindi siya gwapo dahil napakagwapo niya.

Napatili ako at tumakbo papalapit sa kanya dahil kamukha siya ng Castillion brothers na nakilala ko kagabi ng dumating kami dito.

"Bonjour frére." Tuwang tuwang bati ko pero siya ay matalim lang ang tingin sa'kin.

"Tsk. Nasa Pilipinas ka." Agad nitong sinarado ang pinto kaya napanguso ako.

"I know po, I'm here in the Philippines. Did you know that it's more fun here?"

"And did you also know that this is my room? So get out." Seryoso niyang sabi.

Nawala ang ngiti ko sa labi at agad akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi niya. Kung sa kanya ang kwarto ko na ito it means na siya si Kuya Fourth? Sabi kasi ni Tita kagabi ng dumating kami ay siya daw ang may-ari ng room at dito muna ako dahil hindi naman daw ito uuwi.

But how come he is here?

"Pero sabi po ni Tita na dito po muna ang room ko because the guest's room daw po ay hindi pa nalilinis and binati ko po kayo ng good morning kanina pero hindi pa kayo sumagot."

Ang tingin niya sa'kin ay mas lalong sumama kaya nakagat ko ang mga labi ko. Hindi siya nagsasalita pero mukha siyang kakain ng tao kaya medyo napaurong ako sa kanya.

Naglakad siya papunta sa kama niya habang hindi ako pinapansin kaya mas lalo akong nalungkot. Kagabi noong sinalubong kami ng mga kapatid niya masayang masaya sila, they even hug me kaya akala ko gan'on rin siya kapag nakita ako pero parang ayaw niya sa'kin.

"Kuya, I'm Demone po pala." Ngumiti ulit ako dahil naalala kong hindi niya pa pala ako kilala. How rude of me.

"I don't care, just get out." Humiga siya na hindi pa rin kumikibo.

Bakit parang galit siya? It is because ginamit ko ang kama niya ng walang paalam? Or maybe dahil naligo ako sa bathroom niya at ginamit ko ang shampoo niya? I don't really know.

Naglakad ako papunta sa couch at hindi lumabas sa kwarto dahil wala akong damit. Isang dress lang ang dala ko na siyang suot ko kahapon pagpunta namin dito kaya hanggang ngayon ay nakahubad pa rin ako. Marumi na kasi ang dress ko na 'yon at bilin sa'kin ni daddy na dapat hindi daw ako mag-uulit ng damit dahil masama daw sa skin ko.

Napatingin tingin ako sa loob ng kwarto para maghanap ng magagawa pero napanguso lang ako ng makitang walang halos gamit dito. Isang malaking kama, mga unan at couch lang, well center table din at isang bookshelve na puno ng mga libro. Kulay gray with mix of dirty white ang kulay ng room niya hindi kagaya sa room ko na masasabing pambaae sa unang tingin palang.

Castillion Brothers Series 4: Fourth CastillionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt