Epilogue

2K 62 45
                                    

"Les, teka... dahan-dahan lang--shit!" Pakiusap ni Mark sa 'kin habang habol ang sarili niyang hininga. Grabe naman sa OA nito.

"'Wag ka nga kasing malikot... kunti pa... kunti na lang... matatapos na... ako..."

Pagkatapos ng ilang segundong pagpikit at pigil hininga. Natapos ko rin.

"Bakit ba kasi tumaba ka ng ganyan? Pati belt tuloy sa 'yo sumusuko na."

Napakamot sa batok ang loko.

"Eh ang sarap niya kasing magluto."

"So ano pinapalabas mo ako dito masarap magluto ganun? Hampasin kaya kita nitong tiyan ko."

"Huy, 'wag! Baka mapaanak ka ng wala sa oras, ano ka ba?! Hahaha. Saktan pa ako ng tatay niyan."

Tinaasan ko siya ng kilay. Pero napangiti na rin ako kalaunan. Marami na nga talagang naganap. Sabagay, ilang buwan na rin halos ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap naming 'yun.

"Mark, buntis ako..."

Nakita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Mark mula sa pagmamakaawa hanggang sa balutin s'ya ng gulat, pait at lungkot. It's really hard to bare pero I have to face the consequence.

"Kay Phil ba?"

Napayuko ako. At marahang tumango. Wala namang iba eh.

"BULLSHIT!!"

Parang bunaliktad ang mundo namin bigla. Ang kaninang pagmamakaawa ni Mark na patawarin ko siya ay ako na ang gumagawa ngayon.

Nakaluhod na ako sa may paanan niya habang hawak siya sa magkabilang kamay. Iyak na ako ng iyak. Kung puno si Mark ng disappointment sa 'kin, mas pa ako sa sarili ko.

"M-Mark... I'm so... I'm so sorry... hindi ko---"

Natigilan ako sa sasabihin ko pa sanang pagpapaliwanag when he pulled his hands mula sa pagkakahawak ko. Akala ko sasampalin niya ako, mumurahin, pero hindi. Nag-iiyakan na kami pareho habang hawak nya ako sa magkabilang balikat at pilit pinapatayo mula sa pagkakaluhod.

"No. Ako dapat ang humingi ng tawad. Hindi ka magkakaganyan kung hindi na rin dahil sa kasalanan ko kay Phil noon. Dahil sa gulo namin nina Elise nadamay ka. 'Wag kang mag-alala, hindi ko na hahayaang may mangyari pa."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Ako ang tatayong ama ng anak mo at hindi si Philip."

Umiling-iling ako.

"P-pero hindi pwede yang iniisip mo. Mas lalo tayong magugulo. Hindi papayag si Philip lalo na't malakas ang kutob nyang sa kanya 'tong dinadala ko. And si Elise, paano si Elise? Ano'ng magiging papel mo sa buhay nila ng anak mo?"

Napasuklay ng sarili niyang buhok si Mark at napatingala. Mas lalong bumuhos ang mga luha niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi.

"Pero Les, mahal na mahal kita eh. Ikaw ang gusto kong makasama."

Mas lalong bumuhos ang mabigat na emosyon sa pagitan naming dalawa ni Mark. Kailangan ko na ring magdesisyon.

Ako naman ang humawak sa mga palad niyang nasa magkabilang pisngi ko.

"Mark, makinig ka sa 'kin. Mahal din kita at alam mo 'yan. Pero hindi na lang sa 'ting dalawa nakasentro ang lahat. Ang dami ng anggulo, ang dami ng taong involved at kailangan nating mamili at magsakripisyo. Papalakihin ko ng mag-isa ang anak ko. Hindi ko kailangan si Philip sa buhay ko. Pero ikaw, sa estado ng pagbubuntis ni Elise ngayon ay mas kailangan ka niya."

Ms. Perv! [Completed]Where stories live. Discover now