Thirst

5.9K 125 7
                                    

"Hi, Les."

"M-ma-mark?"

***


Oh my god! It's...him. Tila may bumara sa lalamunan ko, hindi ako makapagsalita. Nakaawang pa ng medj ang bibig ko. Kasi...shit! Ang laki nya na. I mean, that bulge between his thighs. Oo mga bes, from his handsome face sinuyod ko sya ng tingin pababa: broad chest, pumuputok na biceps, six packs abs at....yun nga.😳

"Musta kana kulangot?" Panira niya sa pagpapantasya ko. Hinirapan ko lang siya. Pagkatapos nya akong halikan at basta iwan na lang ng walang paalam 10years ago, aasarin nya lang ako ngayon na parang wala lang?

"Kulangot your face. Payatot!"

He chuckled. Those sweet chuckles, hay. Nakakamiss sya.😭 Pero. Uhm, kailangan kong magmukhang nagtatampo. Kaya tinaasan ko sya ng kilay at nag-crossarm.

"Hay naku, kayong dalawa. Hindi na kayo nagbago. Anyway. Nak, labas ulit kami, hinatid lang namin 'tong kaibigan mo dito. Hindi pa kami tapos mamasyal nitong mommy mo."

What?! NO. Kami lang magsasama sa kwartong 'to?! Hindi pwede! Baka...baka...😫

"Ah, dad. Sama na lang po ako sainyo?"

"H'wag na. Mag-usap muna kayong magkaibigan. Alam kong nagtatampo ka dyan. Sige na. Sunod na lang kayo pagkatapos."

"Tama si daddy mo nak, nakausap na rin namin yang si Mark. Nasa beach lang kami."

Hays! Minsan pasubo din 'tong mga magulang ko eh. Hindi pa nga ako umuuo eh lumabas na ng kwarto at iniwan na kami.

Nakangiti at nakatingin lang sa'kin si Mark.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Wala. Hindi ko inaasahang gaganda ka ng ganyan."

"So anong ibig mong sabihin, ang swangit ko before?! Chura mo!"

He chuckled again. At naupo rin sa edge ng kama katabi ko.

"You're the cutiest young lady I ever met before, Les. Kaya nga kita crush eh. Pero ngayon..." He looked at me straight to the eyes, habang masuyong hinimas ang pisngi ko ng hinlalaki nya na ikinakaba ko lalo. Pero masyadong masarap 'yun sa pakiramdam para magprotesta. "You're simply gorgeous and hot." He added, at yung mga labi ko naman ang inahaplos nya. Napapikit ako. Ang sarap ng samyo ng hininga nya na humahampas sa mukha ko, nakakanginig ng kalamnan at nakakahalukay ng sikmura. Sorry naman, marupok ako sa mga ganito eh. I can't even. Gahd!
Pero I have to hear those things from him. Gusto kong marinig ang rason nya kung bakit sya biglang umalis noon, so I asked him.

"B-bakit ka umalis? And you don't even bothered--"

He cut me off. Napamulat ako.

"Sorry, Les. Hindi ko naman sinasadyang umalis at hindi magpaalam sa'yo. 'Nung araw na yun, nag-away at naghiwalay ang mga parents ko after mommy caught daddy cheating. Wala akong choice 'nun kundi umalis at sumama sa hometown ni Mommy, dito nga sa coron. Sinubukan kong magpaalam sayo, kaso iniiwasan mo 'ko nun at feel kong galit kapa sa'kin dahil sa ginawa ko." Mahabang paliwanag niya. Biglang flashback naman sa'kin ang eksenang yun, yung eksena na naging dahilan kung bakit ako...ganito.

"Hindi naman ako galit. Nagtampo, oo. Pero never akong nagalit sayo. Ikaw nga 'tong nainis ata, dahil sa sampal ko."

Ngumiti lang siya, at napakamot sa batok.

"Eh kasi ba naman, ang lakas mong sumapak! Bakat na bakat yung palad mo at limang daliri. Susme! Pero kasalanan ko din naman. Sorry. Nagbibinata tayo 'nun, y'know hormonal. Tapos yung suot mo pa 'nun.."

Ugh! Nahiya ako bigla. Napatakip ako ng mukha. Pero tinanggal nya naman, at tiningnan ulit ako ng diretso.

"Pero hindi ko pinagsisihan yun. That kiss was so memorable to me, inahanap-hanap ko pa...hanggang ngayon." Bumaba ang mga tingin ny sa mga labi ko at kapagkuwan napalunok. Nanuyot din bigla ang lalamunan ko, at napalagok din ng sunod-sunod. Until...

"Ako din." Bigla kong nasabi ng walang preno at hindi nag-iisip.

He smirked.

"Les?" Tanong niya, kasabay ng salitan na pagtingin sa mga mata at labi ko.

"Uhm?" Mariin sanang tikhim ko, pero..parang ungol ang dating. Napalipbite sya. Mas lalo pang nilapit sa akin ang mukha. Nakakabingi ang bawat tibok ng puso namin, parang luluwa na ang sa akin anytime. Halos nalulunod na rin ako ng sarili kong hininga. I'm so tempted to kiss his luscious lips.
"Les...can I kiss you, now?"

Oh my god! It's a sign. Harot mode is on.

I smirked, and sexily bite my lower lip habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.

"Sa isang kondisyon?"

"Y-yes Les, damn! Anything."

Nauutal sa excitement ang loko.

"Sasapakin ulit kita kung..." Pabitin kong sabi.

"Kung?"

I pointed my index finger sa ibabaw ng mukha nya. Gumuhit ng linya mula sa noo, pababa sa pisngi hanggang sa mga labi niya.

"....kung hindi ako masasarapan."

"Try me, Les. Don't me."


***

(A/N: Ooops!! Dyan muna.😅)

Ms. Perv! [Completed]Where stories live. Discover now