Tangled

1.9K 62 16
                                    

Sakay ng wheelchair si Elise habang tinutulak siya paunahan ni Mark sa hallway ng hospital. Samantalang kami ni Philip ay kakalabas lang ng kwartong inukupa namin kani-kanina lang. Parang huminto ang mundo at oras sa pasilyong ito ng ospital, na sinadya yata ng tadhanang dito mag-krus ang mga landas naming apat. Ang pasilyong ito na kahit ang luwag-luwag ngayon ay parang ang sikip-sikip para sa paghaharap-harap namin.

Kaloka!

Nahinto si Mark sa pagtutulak kay Elise dahil sa nagulat nang makita ako kasama si Philip. Bakas sa paluwa na niyang singkit na mata ang pagkagulat.

"Les..." tawag ni Mark sa 'kin. Pero wala ako sa mood para marinig kung anuman ang paliwanag niya. Masyado ng maraming nangyari ngayong araw na 'to at gusto ko ng magpahinga. Pagkatapos kay Mark, bumaba ang tingin ko sa naka-wheelchair na kung hindi lang buntis ay malamang tinuluyan ko ng pinilayan at ng mapilantod na forevs!

Napabuga ako ng hangin dahil naiirita talaga ako. Masama pa naman daw ang ma-stress ngayon kingina!

Niyaya ko na si Phil paalis, "Phil, halika na."

Mahirap na. Baka makalimot akong buntis pala ako at mapag-untog ko 'tong mga hayop na 'to!

Tumango si Philip pero hindi kumikibo. Natulala rin parang natuklaw ng ahas pagkatapos makita si Elise after a long time. Lagkit ng tinginan nung dalawa oh? Solid!

Napaismid ako. "Tsk, bahala ka dyan. Magsama-sama kayo." At nauna ng naglakad kay Philip.

Pero bago pa man ako makaalpas kay Mark na sinungaling ay nahawakan niya ako sa braso.

"Les, ano'ng ginagawa mo rito sa ospital? May nangyari ba sa 'yo? Ba't namumutla ka?"

Sunod-sunod na tanong ni Mark. Maang-maangan ang hayup na 'to. Parang walang nangyari. Taragis lang!

Hinarap ko siya ulit. At padaskol na inalis ang kamay niya sa braso ko. Pinigilan kong may kumawalang anumang emosyon na magpapakita sa kanila lalong-lalo na sa Elise na 'yan na kaawa-awa ako. Dahil ayokong kinakaawaan ako. Hindi ko deserve 'yun.

"Gusto mong malaman? Ba't biglang concern ka yata? Eh kanina lang halos wala kang kilala sa harap ng coffee shop. Nahilo na ako't nawalan ng malay hindi mo 'ko nilingon, Mark! Hindi ka lumingon dahil alalang-alala ka sa kanya!" Himutok ko sabay pukol ng masamang tingin kay Elise. "Kaya ngayon, simula ngayon, kanya ka na! Maghiwalay na tayo!"

Pak!

Pagkatapos kong mabitawan ang isang malutong na sampal na kay Mark, nagmadali akong naglakad palayo sa kanilang lahat. Palayo sa isang mundo na minsan kong minahal at niyakap. Akala ko matatag kami. Akala ko kaya ko siyang ipaglaban sa paraang alam ko, pero hindi. Hindi dahil nauna siyang bumitaw.

Siya ang unang sumira ng pangako namin para sa isa't isa kaya tama na... tama lang, Les, ang ginawa ko.

"Les, teka! Leslie! Magdahan-dahan ka nga!" Sigaw ni Philip mula sa likuran ko, pero hindi ko sya pinansin.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko. Hanggang sa nakalabas na ako ng hospital. Balak ko sanang tumakbo at habulin 'yung paalis ng taxi pero napigilan ako ni Philip. Yakap niya ako sa bewang at binuhat ng parang batang inihili.

"Damn, Les! Ano'ng sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

"Gago! Ikaw ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Ibaba mo nga ako!" Ngitngit ko sabay suntok sa matigas niyang dibdib.

Nakinig naman ito at binaba ako ng dahan-dahan.

"Eh ayaw mong paawat. Ang bilis mong maglakad. May balak ka pang makipagpatintero sa taxi. Nababaliw ka na ba?! Kakasabi lang ng doctor kanina na mag-ingat ka! Tangina naman, Les, kasi!" Sermon sa 'kin ng loko. Hindi na lang ako kumibo. Dahil sa sobrang galit ko muntik ko ng makalimutan na hindi na pala ako nag-iisa ngayon. May kailangan na akong protektahan bukod sa nadudurog kong puso.

Napayuko ako at napaiyak na lang. Yung kanina pang sama ng loob sa dibdib ko na gustong-gustong lumabas, kumawala na rin.

Tanginang pag-ibig 'to, oo!

Humahagulgol ulit ako habang yakap ng matitipunong bisig ni Philip. Oo, lagi na lang si Philip. Siya na lang parati ang nandiyan sa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng karamay. Siya na lang parati ang nagsasalba sa akin mapaharot man o hindi. Na dapat sana ay si Mark ang gumagawa dahil siya ang lalaking mahal ko. Pero... iba ang nangyari. Imbes na siya ang kumalinga sa 'kin, siya pa 'tong dahilan ng paghihirap ko.

"Shhh... tama na iyak. Bawal ma-stress 'di ba? Makakasama 'yan sa baby natin."

Napaangat ako ng ulo bigla mula sa pagkakayukyok dito sa dibdib niyang mas malaki pa sa 'kin.

"Anong baby mo? Baby ko lang, period." Point out ko habang humihikbi.

Napabuntong-hininga ang loko.

"Kahit ano pa ang sabihin mo. Ramdam ko, Ms. Leslie Sandoval. Sperm ko ang nanalo sa sperm race at wala ka ng magagawa kasi I'm claiming it!" Ani Philip with conviction. Gusto kong matawa pero sumasabay sipon ko. Kaasar ang isang 'to, jusko. Pero may isa pa syang binulong pagkatapos niya akong buhatin ulit at ipasok sa kotse nya.

"Sa apartment muna tayo ah? We need to celebrate. At saka... may gusto pacheck-up si Junjun."

Kinginaaaa....

Me: 🙅😵
Kotse: 😱
Baby: 🙌
Universe: 😏😎💦





***

Epilogue is up next!
.
.
.
.
Pero next year ko na i-update.😂

Ms. Perv! [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ