Catching Up

5.9K 123 2
                                    

"Yes, mo--oh my god!"

"Oopps!"

***


"Anak, ba't nandito 'to?"

Nakakunot ang noo ni Mommy habang nakatitig sa'kin. Para akong nawalan ng dugo sa katawan, bwisit kasing Mark 'to pahamak! Kailangan kong makapag-isip ng palusot.

Jusko! Hari ng kalibugan, please help me!

Mabilis akong tumalilis ng takbo para kunin ang panty ko sa kamay ni mommy.

"S-sorry mom, ano kasi eh..umm, ma-maliligo sana ako kanina, bago kayo dumating. Oo, yun. Tapos, ano--..yun na nga nailagay ko pala dito tapos nakalimutan ko."

Nakayuko kong sabi, pero pasimple kong tinapunan ng masamang tingin si Mark.

"Ikaw talaga, be cautious na lang next time. Nakakahiya kay Mark."

Nakakahiya e ba't tinaas mo pa? Mommy naman eh! Siya may gawa niyan!

"O-opo mom. Sorry po."

"Ayus lang po, tita. Di naman po yun issue. 'Wag kasing burara kulangot." Pang-asar ni Mark sa'kin, sabay kindat ng kumag.

"Ako burara?! Mukha nito." balik na singhal ko naman sa kanya, tsaka binato ko siya ng bagay na hawak ko. Too late ng ma-realize kong panty ko pala 'yun. Shit! Bigla akong napatingin kay mommy, buti na lang nakatalikod na siya para kunin ang wallet niya.

Pinandilatan ko ng mata si Mark, para ibalik sa'kin yung panty ko. Pero ngumisi lang yung loko at ibinulsa yung panty ko.

"Souvenir." Aniya at kinindatan ako.

Taena!

Mura ko sa isip, buti na lang hindi ko nasabi, kundi tuktok inabot ko kay mommy. Pinakitaan ko ng dirty finger si Mark. Asshole e!

"O ano, tara na?" Aya ni mommy at nauna ng lumabas sa pinto.

"Presko ba, Les?" Tanong ni Mark sa'kin ng pabulong, pinaala pa ng kumag na wala akong undies ngayon. Sarap pisain ang itlog e!

"Fuck you! Akin na?!"

"Akin na yun remembrance. And fuck you too, babe. Next time we will. I promise." Flirt niya sa'kin, bago sumunod sa paglabas ni mommy.

Shit! Kailangan kong kumalma, kundi...kundi, mapupunit ang sedula.

***

Sumalo sina Mark at Tita Elise ang mommy niya, sa amin sa tanghalian. Sinulit namin yung halos sampung taon na hindi pagkikita-kita sa isang makabuluhang kwentuhan, patungkol sa buhay and what so ever.

Gaya pa rin ng dati, puno ng tawanan at asaran. Maging ang kulitan namin ni Mark walang puknat, maging sa ilalim ng mesa. Kundi kamay namin ang magkahawak, mga paa namin ang naglilinggisan sa ilalim. Kilig na kilig naman ako.

Napag-alaman ko din na sa kanila pala 'tong resort. Ito na raw ang naging libangan ni Tita Elise after ng paghihiwalay nila ni Tito Greg, daddy ni Mark. Nakakalungkot ngang isipin na naranasan ni Mark yun. Mabuti na lang nasurvive niya, nakakaguilty tuloy. Kasi wala ako sa tabi niya ng mga oras na kailangan niya ng taong masasandalan. Hay.

***

Pagkatapos namin mag-lunch, inilibot kami ng mag-ina sa resort nila. Hindi naman kalakihan ang lugar, pero super ganda talaga. White sand, clear salty water tapos may mga activities din sila like: parasailing,  banana boat, scuba diving at marami pang services like full body massage. Mabuti pa nga siya, at his age negosyanteng negosyante na. Samantalang ako, pag walang magawa harot ang nasa isip ko. Pero huy, mataas grades ko sa school ah kahit ganun.😛

Inabot na kami ng gabi sa kakakwentuhan. After naming magdinner nagkanya-kanya na kami. I mean, sila mommy, daddy at tita inextend ang chikahan sa hotel. Samantala kami ni Mark, chilling dito sa tabing dagat. Nasa tamang edad nanaman ako para uminom, and my parents know naman. Moderate nga lang, mga 2 bottles of lady's drink lang ganun. Madali kasi ako malasing. Pero parang lalampas ata ako sa limit ngayon.

"Huy kulangot, tama na. Pang-apat mo na yan. Ipapahamak mo ko sa parents mo nyan e."

"Edi maganda. Kwits na tayo. Ipinahamak mo rin ako kanina, diba?" Sabi ko, habang kinukurot siya sa cheeks.

"Sorry pala dun ah? Di ko namalayan na doon sumabit."

"Loko ka kasi."

"Nakakagigil ka kasi." He said, sabay inom ng alak in can.

Tinignan ko siya, medyo ramdam ko na ang pagkahilo pero kebs pa naman.

"I miss you...sobra." Biglang confession ko. Madaldal talaga ako pag may amats. Kaya don't tell me your secrets, kasi pag oras na nalasing ako nasa tabloid ka kinabukasan. Cheret!

Tinignan niya ako. Tapos humarap sya sa'kin. Hinaplos ng palad nya ang manhid ko ng pisngi.

"I miss you more, Les. Kung alam mo lang. Gustong-gusto kitang dalawin pero naipit ako sa pagpapatakbo nitong resort. Hindi ko naman kayang iwanan kay mommy ng mag-isa. I tried to search you sa facebook pero wala ka atang account dun. Pati phone number nyo sa bahay, di ko na rin makontak. Hindi mo alam kung gaano kita iniisip araw-araw, kung gaano mo binabagabag ang diwa ko. Lalong-lalo na ng halikan natin na yun."

"Ako din naman eh. Dapat nga, sinisisi kita kung bakit ako ngayon pervert. Halos gabi-gabi ako kung magparaos sa sarili ko, alam mo ba yun? At halos tambayan ko na ang mga porn sites sa internet, just to ease the heat na iniwan mo sa'kin ng umalis ka."

Confession ko ulit sa kanya ng dark side ko, hindi madaling isiwalat yun pero I did. Kasi feeling ko, he deserves to know. Pandirian nya man ako, so what? I don't care. That's me.

Bigla na lang niya ako hinila palapit sa kanya, at agad akong yinakap. Mahigpit. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganun, basta tahimik lang kami na nasa ganung posisyon.

"Hindi ka ba na-turn off sa sinabi ko?" Basag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Um, hindi. It's normal. Basta promise me, sa'kin ka lang dapat perv. Ako lang dapat ang ka-flirt mo, maliwanag?"

Bigla akong kinabahan. Pumasok sa isipan ko si Phil. Kumalas ako sa yakapan namin.

"Luh, possessive? Ano ba kita?"

"Bestfriend mo..bestfriend with malice." Aniya sabay tawa.

Tumawa din naman ako. May point.

"Halika nga dito?"

Kinabig niya ulit ako payakap sa kanya.

"Les.."

"Umm?"

"Lasing na ako."

"Ako din. Balik na tayo?"

"Maya na. Yakapin mo lang muna ako. Sarap e."

Hindi na ako umimik, tahimik na lang akong ngumiti at niyakap na lang siya ng mas mahigpit pa. Habang nakasuksok ang mukha niya sa leeg ko, ramdam ko pang inaamoy-amoy niya yun at hinahalik-halikan.

"M-mark..baka makita nila tayo."

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ko, tapos hinila ako patayo.

"Teka, dahan-dahan naman bes. Nahihilo na ako o. Balik na ba tayo?"

"Hindi. Lublob tayo para maalis amats natin."

"Huh? Malamig na."

"Di magpainit tayo.."

"Umm..pilyo ka talaga!"

"Ano game?" Aya niya sa akin, habang hinuhubad ang pantalon. Buti na lang walang tao sa gawing 'to ng resort, so walang nakakita ng boxers niyang sponge bob print, ako lang. At tawang-tawa ako.

"Hay naku, Mark. You're already 25 pero hanggang ngayon adik na adik ka pa rin dyan?"

"Ano naman ngayon? Mas okey naman 'to, kesa sa grade six na umiihi pa sa panty niya."

"Huy! Hindi sadya yun noh, kiniliti mo kaya ako 'nun."

"Hahaha, SI LESLIE UMII--HSBSJZNSHXSJSM"

Ang ingay. Kaya pinatahimik ko ng isang mainit na halik ang balak niyang ipagsigawan sa buong resort na umihi ako sa panty ko one time. Maryosep!

Ms. Perv! [Completed]Where stories live. Discover now