Turmoil

1.8K 63 21
                                    

Tsikai, this is for you. As promise. Advance happy birthday!

***

Nasa malapit na coffee shop si Mark, kung saan tahimik n'yang hinihintay na matapos ang board exam ni Leslie. He's about to sip his coffee frappe nang may tumawag sa kanya, "Mark!"

Si Elise.

Napakunot-noo si Mark sa nakita, ano na naman kaya ang gusto ng babaeng 'to sa 'kin ngayon, he thought habang pinupukol ito ng cold glare.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Hanggang dito ba naman sinusundan mo 'ko?!" Anas niya rito kalaunan.

Dahan-dahan munang umupo si Elise sa katabing silya ni Mark, bago ito sumagot sa tunong nagtatampo. "Bakit ka ba ganyan sa ina ng magiging anak mo ah? Well of course, nandito ako kasi gusto kong makasiguro na nasa maayos na kalagayan ang ama ng anak ko. At saka, kung nasaan s'ya, naroon din dapat kami ng anak n'ya."

Napakuyom ng kanyang kamao si Mark. Kung makapagsalita kasi ito, ay parang wala itong ginawang panggagago sa kanya. Na ang lahat ng nangyari ng araw na 'yon was all her planned at ngayon ay nagdurusa siya dahil do'n. Kaya hindi niya maikakaila ang galit na nararamdaman sa babaeng kaharap. But still, he have to stop himself na mapagbuhatan ito ng kamay dahil nga sa kalagayan nito. Pero he has to do something para matigil na ito sa kahibangan n'ya.

"Tigilan mo ako, Elise. Napag-usapan na na 'tin 'to at uulitin ko ulit. Hangga't walang DNA test na nagsasabing anak ko nga ang batang dinadala mo ngayon, wala kang mapapala sa 'kin. Kaya pwede ba?"

Mark trailed off at pagkatapos dali-daling tumayo para talikuran si Elise. Pero nakakailang hakbang pa lamang siya palayo rito nang marinig niya ang pag-igik nito.

"Ahhh... M-Mark... Mark, ang sakit-sakit ng tiyan ko..."

Napapikit ng mariin si Mark saka bumuga ng marahas na hangin. Naisip niya kasing baka panibagong palabas na naman ito ni Elise just to please him na panagutan siya.

Pero hindi.

Totoong may umaagos na dugo sa mga hita nito.

"Mark... help me..."

"Elise?"

Nagsimula ng mataranta ang mga tao sa loob ng coffee shop. At pati na rin si Mark. Kahit gaano man kasi kasama ang ginawa ni Elise sa kanya, hindi naman niya maaatim na mamatay ito sa harapan niya. Pati na rin ang batang dinadala nito na maaaring anak niya.

Patakbo niyang nilapitan ulit ang namimilipit sa sakit na si Elise, saka binuhat ito.

"Mark, ang baby natin..."

"Just hold on, Elise. Dadalhin na kita sa ospital."

***

[Leslie]
-------------

Finally, natapos na rin 'yung exam. Grabe! Umupo lang ako saglit pero sobrang nakakapagod! At saka, naalog yata lahat ng braincells sa loob ng utak ko; bigla kasing sumakit at nakaramdam ako ng hilo. Pero...

Mabuti na lang malayo ang utak sa keps, kasi kung nagkataon, sa dinami-rami ng harot ko this past few weeks, malamang naisabay sa mga orgasms ko 'yong mga napag-aralan ko. Nalintikan na kung nagkataon.

Anyway, naglalakad na rin ako palabas ng examination room. I'm walking halfway sa lobby ng when suddenly I heard my phone beep twice. Kaya huminto muna ako saglit  to check kung kanino nanggaling ang messages. And I found out, 'yong isa galing kay Mark, and the other one ay galing kay... Philip?

After that scene two weeks ago, ngayon lang siya nagparamdam ulit. Sana lang hindi na gulo ang dala niya sa 'min ni Mark ngayon.

Inuna kong basahin 'yong message ni Mark.

Baby
10:31 A.M

Baby, dito na kita hintayin sa coffeshop sa may left side ng parking lot, okay? See you. Mwuah! Love you.

Napangiti naman ako. Extra sweet kasi ang loko ngayon. Bumabawi eh. Pagkatapos kasi ng masinsinan naming pag-uusap 'nung isang gabi mas naging malinaw na sa 'min ang relasyon naming dalawa. Although may mga pagsubok ngayon na kailangang pagdaanan, we promise to stand still para sa isa't-isa. And with regards kay Philip... we still need to talk para pag-usapan kung ano man ang dapat pag-usapan. Pero I promise to Mark na hanggang doon na lang 'yon, nothing intimate. Kailangan ko lang talaga ng panahon at timing. Ikaila ko man kay Mark kasi, Philip occupied a small space in my heart kaya hindi madali sa 'kin ang lahat. Pero unlike before I already know my priority, at si Mark 'yon.

I swipe back my inbox, para mabasa ang message ni Philip.

Prof. Nakatani
10:00 A.M

Les, can we talk after your exam? Sana you allow me. Nandito lang ako sa parking lot sa malapit, just give me  beep. Hihintayin kita.

I sigh. A deep, deep sigh. Bakit naman kasi ngayon pa?

***

Papasok na ako ng coffee shop where Mark is. Pero isang komusyon ang naabutan ko. May buhat si Mark na isang babaeng buntis at dinudugo ito.

"Ma--"

Pagtatangka kong tawagin siya to let him know na nandito ako, pero halatang taranta ang loko. At isa pa, natigilan na ako ng tuluyan dahil sa narinig ko.

"Mark, ang baby natin..."

"Just hold on, Elise. Dadalhin na kita sa ospital."

Sa eksenang 'yon, hindi ko alam kung ano ang mas masakit. 'Yung nararamdaman ko bang bigat at sakit sa puso ko, dahil 'di man lang nagawang mapansin ng boyfriend ko ang presenya ko, dahil sa may emergency at nanganganib makunan ang babaeng nabuntis niya o 'yung sakit ng sentido ko na para bang mabibiyak na di mo malaman kasabay ng matinding pagkahilo?

"Aray..."

Napakapit ako sa nakaparadang sasakyan sa tabi. Tuluyan na kasing nanlabo ang paningin ko. Pero bago pa man ako mawalan ng ulirat, isang pamilyar na mukha ang naaninag ko.

"Les, are you okay? Ano'ng nangyayari---Leslie!!"

At isang pamilyar na boses na umuugong sa isipan ko bago nagdilim ang lahat.

Philip.


Ms. Perv! [Completed]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora