Facing The Reality

1.6K 51 1
                                    

[Les]
--------

"Ho?!"

Halos sabay kami ni Philip na sabihin 'yun kay Doc. Imposible naman kasi na mabuntis ako. I'm taking contraceptive pills.

"Sure ka, Doc? I'm on a pill kaya imposibleng---"

"I guess sa reaction mo ngayon, you don't expect it. Well It could be possible, Ms. Sandoval. Kahit na sabihin mong nagpi-pills ka, eh kung nakalimutan mong uminom kahit isang araw lang and you made it after. Mabubuntis ka talaga. At hindi rin kami maaaring magkakamali kasi we took the pregnancy test thrice and it's all positive. The best thing to do now is kausapin mo 'yung asawa mo, about this."

Napayuko ako. The embarrassment eating me alive.

"Wala po akong asawa, Doc."

Nangati lang po tapos nagpakamot.

"Hmm, okay... pero kagaya nga ng sinabi ko, you need to talk about this with your parents and to the father of your child."

The father of my child? Jusko, sino nga ba? Dalawa silang sumamba sa 'kin ng gabing 'yun. Kinginaaaaa....

Tumingin ako kay Phil, napatitig rin s'ya sa 'kin. I saw a spark of happiness in his eyes. Kaya napayuko ulit ako at hindi na kumibo. Saka napahilamos ng mga palad ko habang nakapikit ng mariin.
Si Phil na ang narinig kong sumagot kay Doctora.

"Don't worry Doc, she will."

"Okay, ikaw na ang bahala muna sa kaibigan mo ah? Siguraduhin mong malalaman ng mga magulang niya ang kondisyon nya ngayon. First trimester pa naman, 'yun ang pregnancy stage na masilan kasi nabubuo pa lang ang bata sa loob. Kapag stable na s'ya at hindi na nahihilo, pwede na rin kayong umuwi." Ani ng Doctor, kasunod ng paghawak niya sa kamay ko. Napatingala ako. "Don't stress yourself too much. And sure to have an appointment to your OB as soonest, okay? Para na rin 'yan sa baby mo at sa 'yo."

Tipid na nginitian ko na lang si Doc habang marahang tumatango bilang pagsangayon sa sinabi niya.
Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ngayon. Parang gusto kong mahimatay ulit at matulog. Baka kasi panaginip lang ang lahat.

"Siya sige. I'll go now kung wala na kayong tanong."

Pero sa higpit ng hawak ni Phil sa kamay ko, mukhang hindi 'to basta panaginip lang. Gahd!

"Sige po, Doc." / "Salamat po." Halos chorus na sagot namin ni Phil.

Pareho kaming kinain ng katahimikan pagkatapos makalabas ni Doc sa pintuan.
Kalaunan, hindi ko na mapigilan ang emosyon ko ulit at nagsimula na naman akong umiyak. Naguguluhan ako. Ang bigat-bigat ng ulo ko. Pati ang hininga ko parang 'di na naman normal. Dala yata ng pangamba at takot sa pwedeng maging reaksyon ng parents ko about this. Kahit sabihin pa kasing 21 na ako, I'm still young to bare a child. At saka, kakatapos ko pa lang ng board exam at wala pa akong kasiguraduhan kung makakapasa nga ako do'n o hindi.

Kingina kasi self, bakit ang tanga-tanga mo?! "This can't be happening, Phil..."

Hindi pa rin umiimik si Philip. Nakatingin lang siya ulit sa 'kin habang paulit-ulit na hinihimas ang likod ko.

"Ano?! Say something. Bakit ganyan mo 'ko tignan?"

Inayos niya ang upo niya sa tabi ko at tinignan ako ng maigi sa mga mata at maya-maya ay nagtanong, "Tell me Les, akin ba 'yang dinadala mo?"

Mas lalo akong natigilan. Ano naman kasi ang isasagot ko? Kung kahit ako nalilito kung sino?

Huhu! Send help!

***

[Mark]
-----------

"Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" Tanong sa 'kin ng doctor na tumingin kay Elise sa ospital na pinagdalhan ko sa kanya."

"Hindi po, Doc. I'm, I'm just a friend." Kako, dahil 'yun lang ang posibleng maging relasyon naming dalawa.

"Okay, since ikaw lang naman ang nandito sa 'yo ko na 'to ibibilin na mga resita niya. This one ay para sa pangpakapit, to stop the bleeding and the other is vitamins. Mahina ang bata sa loob kaya kailangan niya nila pareho ang mga 'to. Naka indicate na rin d'yan 'yung prescription ko kung ilang beses iinumin. At isa pa, since nakatulog si pasyente, please say to her na iwasan ang masyadong pagpapagod at stress. Mas makakasama kasi 'yun sa bata."

Tumango-tango ako bilang pagsangayon,"Noted po, Doc."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko ngayon. After seeing Elise na dinudugo. Biglang dinaga ang dibdib ko at sinukluban ng takot sa maaaring mangyari sa kanya lalong-lalo na sa baby. Hindi pa rin ako mapalagay. I dunno, if it is. Pero ito nata 'yung tinatawag nilang lukso ng dugo?

"As soonest na magising si Misis Alcantara, pwede mo na siyang iuwi. Just make sure na she's stay on her bed muna for a week or two. Iwasan ang sobrang pagkikilos, dahil sa susunod na duguin pa siya baka hindi na makaligtas 'yung bata. Naiiintindihan mo ba?"

"Opo. Sisiguraduhin ko pong hindi na 'to mangyayari next time."

Bakit parang bigla-bigla gusto ko silang alagaan? Gusto kong safe sila lalong-lalo na ang bata. Shit! Naguguluhan na ako.

"Mabuti kung gayun. Mauuna na rin ako at may pasyente pa ako sa E.R."

"Sige po, Doc. Salamat."

"No worries."

Ilang minuto ko ring pinagmasdan si Elise nang makalabas na ang doctor sa loob ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit ko binabalikan ang mga masasayang ala-ala namin ni Elise nang okay pa ang lahat. Bago pa mangyari ang 'di dapat nangyari.

Kung tutuusin wala naman akong karapatang magalit sa kanya. Aminado naman ako sa sarili ko noon na gusto ko siya, may ecstasy man o wala. And that alone ay isa ng panloloko kay Philip. Ako ang unang bumali sa pagkakaibigan namin. At mali man ang naging paraan ni Elise upang may mangyari sa amin, hindi ko maitatanggi na ginusto ko rin ang lahat. Siguro hindi naman talaga galit ang nararamdaman ko sa kanya kundi inis at tampo dahil bigla siyang nawala pagkatapos at hinayaan akong akuin ang lahat ng galit ng bestfriend ko.

Which is isang malaking kaduwagan upang isisi sa kanya ang lahat. Tapos igiit na hindi ako ang ama ng batang dinadala niya behind the fact na pinutok ko ang lahat ng 'yon sa kanya ng gabing 'yon.

Sigh.

#

Nagising na si Elise. At una niyang kinapa ay ang umbok niyang tiyan.

"Thank you baby... thank you, 'coz you stay with mommy at hindi ka bumitaw." Mangiyak-iyak niyang sabi.

Napaisip ako, kahit parehas naming hindi sinasadya ang lahat ay hindi nya ginawang ipatanggal ang bata. Samantalang ako... mala-ilang beses ko pa siyang pinagtulakan palayo.

Nakokonsensya ako.

Inabot ni Elise ang isang kamay ko at pinisil ito.

"Salamat, Mark. Salamat at iniligtas mo kami ng anak ko."

Pinilit kong ngumiti.

"Walang anuman. Kahit sino naman pwedeng gawin ang ginawa ko kanina."

"Yeah. But still, maraming salamat."

Kinain muna kami ng nakakabinging katahimikan bago ako nagsalita ulit.

"Elise, I'm sorry kung nalagay kayong dalawa sa alanganin ng anak ko dahil sa ginawa kong pagtaboy ulit sa 'yo kanina. Nadala lang ako sa sobrang bugso ng damdamin ko dahil sa nangyari five months ago. At 'yung nangyari kanina, way na siguro 'yun para makapag-isip-isip ako."

"'Wag kang mag-sorry dahil may kasalanan din ako sa nangyari. Pero magkagayun pa man, hindi ko itinuturing na pagkakamali ang pagbubuntis ko. Dahil sa kanya mas nagkaroon ako ng rason para mabuhay pa. At kagaya mo nakapag-isip na din ako..."

Pagkatapos niyang sabihin 'yun, nagkatinginan kami mata sa mata. At kalaunan, halos sabay naming nasabi 'to.

"Papanagutan ko na kayo ng anak natin."

"Hahayaan na kita, Mark. Babalik na ako ng Palawan."

***










OMG! Pa 'no kung malaman niyang buntis rin si Les at akalain siya ang ama? Magbabago pa kaya ang desisyon ni Mark? At mga bes, hindi naman bitch 'tong si Elise. Patawarin mo na.😅

Ms. Perv! [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara