The Unexpected

1.7K 61 17
                                    

[Philip]
------------

Almost an hour na akong naghihintay sa loob ng kotse. Pasilip-silip, at nag-aabang sa paglabas ni Les mula sa katapat na building kung saan ginaganap ang nursing board exam niya. Mga singko minutos na rin ang nakalipas magmula nang tinext ko siya, pero wala pa rin itong sagot.

Napapabuntong-hininga na lang ako.

"I guess, ayaw niya na talaga akong kausapin." Bulong ko, pero I'm wishing deep inside na sana mali ako. Na maaaring 'di pa n'ya nababasa ang text ko kasi 'di pa s'ya tapos. Na anytime soon, tutunog ang phone ko, at ngingiti na lang ako ng parang tanga rito dahil nagreply siya.

Shit! This is so frustrating!

Dumaan ang tatlo, limang minuto. Pero this time nakahinga na ako nang maluwag dahil nakita ko na si Leslie na naglalakad papuntang parking lot. Para akong tanga na nakangiti rito at excited na sinambit ang pangalan niya, "Leslie..."

But later part I frowned, dahil parang nag-iba yata ng daan si Les. Instead dumiretso ito sa parking lot where I am, ay naglakad ito patungo sa coffee shop sa kabilang kalye.

"Baka bibili muna siya ng cold coffee bago makipagkita sa 'kin." I assumed. Pero naisipan ko na doon na lang din kami mag-usap, kaya after getting myself out of the car and pressing the lock, malalaki ang ginawa kong hakbang para sundan siya.

Currently, nasa likod ako ni Les. Pero mga limang hakbang pa ang agwat naming dalawa. Pareho kami ritong nakatanga at natigilan, dahil sa nakikita namin.

We saw Mark carrying Elise with his arms at dinudugo ito. At ang masama dito, dinaanan niya lang si Les. He didn't even notice her presence.

Mas natuon ang paningin ko kay Les. She's shock na para bang binagsakan ito ng langit at lupa.

Sino nga ba naman ang mag-aakala sa ganitong tagpo? Even me, hindi ko ini-expect ang lahat.

I was moved a little nang makita kong tila matutumba si Les. Pero nang tuluyan ng napakapit siya sa hood ng kotseng katabi, doon ko na siya patakbong nilapitan.

Damn! Nagpa-panic na ako and worried like hell when I saw how pale and weak she is.

"Les! Les, are you okay? Ano'ng nangyayari--- Leslie!!"

Pero lalo akong nahintakutan ng tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Fuck!

***

After Les collapsed, dali-dali ko siyang binuhat at dinala sa malapit na pagamutan.

"Nurse!"

"Yes, sir. Ano po'ng nangyari sa pasyente?"

"Bigla na lang siya nanghina at nawalan ng malay."

"Okay, sige po, sir. Kami na po ang bahala sa kanya, pa-fill up na lang po ng info sheet ng pasyente sa nurse station. Salamat."

"Sige, sige, Miss. Salamat." Sang-ayon ko. Pero hindi pa rin nawawala ang pagkataranta ko.

After kung sundin ang bilin ng nurse, sinundan ko agad sila sa emergency room. Halos 5 hanggang 10 minuto rin akong naghintay sa labas ng E.R bago lumabas ang doctor na sumuri kay Les.

"Doc, how is she?"

"Are you the guardian of Miss Sandoval?"

"No, Doc. Pero kaibigan niya po ako. Ako rin po 'yung nagdala sa kanya rito. "

"Okay. Maayos naman ang vital signs ng pasyente."

"Thank God..." usal ko na para bang nabunutan ng tinik.

"Pero kailangan lang namin s'yang kuhanan ng dugo for lab test para mas malaman natin ang dahilan why she passed out. Meantime, hintayin muna natin 'yung resulta ng test to make sure."

"Okay po."

"Sige. Balikan kita mamaya. Check ko muna iba kong pasyente."

"Sige lang po, salamat."

"Walang anuman."

Pagkatapos naming mag-usap ng doktor. Inilabas na rin si Les sa E.R at inilipat sa ibang kwarto. Sa ngayon, nandito ako sa tabi niya at binabantayan siyang mahimbing pa rin na natutulog.

Ginagap ko ang isa n'yang kamay at hinawakan ito ng mahigpit. Kahit sinabi pa ng doktor na okay lang siya, nandun pa rin ang pag-aalala ko.

Dinala ko ang kamay niya palapit sa mga labi ko at hinagkan ito. I know this is uncertain at masyadong mabilis. Pero hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong mahalin siya. Kahit alam kong mali.

"Uhh..." Narinig kong igik ni Les kalaunan. Kasunod ang marahan niyang pagmulat ng mga mata.

"Les..."

Nagtatangka siyang tumayo. Pero pinigilan ko. "Les, 'wag ka munang bumangon. Baka lalo kang mahilo."

Sumunod naman siya sa 'kin. Pero kunot-noo niya akong tinitigan, "P-Philip?"

Nginitian ko siya, "Oo, Les. Ako nga 'to."

"Teka, ano'ng-- 'asan ako?"

"Nasa ospital ka. Bigla ka kasing nag-collapsed sa labas ng coffee shop kanina. Buti na lang talaga nakita kita at sinundan."

Naglayo ng tingin si Les sa akin at napayuko. Marahil naisip n'ya bigla 'yung eksena kanina.

Pinilit niyang inangat ang sariling katawan sa kama. Inalalayan ko naman siya para magawa niya 'yun. Ilang segundo rin ang nagtagal bago siya nag-angat ulit ng mukha at tinitigan ako.

"Akala ko, wala lang sa 'kin kung sakaling dumating ang araw na makita ko silang magkasama. Naisip ko kasi kampante na kami ni Mark sa isa't isa eh. Nakaplano na ang lahat. P-pero, kanina.. kanina nang makita ko kung gaano siya kataranta habang buhat n'ya yung babae at nanganganib ang buhay ng dinadala nito, napaisip ako."

"Les.."

"Napaisip ako Phil eh. Natakot. Nasaktan. Actually ang sakit-sakit pa rin hanggang ngayon. Bigla akong naguluhan. Ang daming what if's. Paano kung lumabas na ang baby? Ganun pa rin ba kami? Pa 'no kung---"

Pinatigil ko kung ano pa man ang sasabihin niya using my index finger. Saka ako tumayo mula sa kinauupuan ko at tinabihan siya sa kama.

"Shhh... Les, 'wag ka munang mag-isip ng kung ano-anu ngayon. Hindi ka pa okay. Mag-usap muna kayo ni Mark. Ikaw na rin ang may sabi na kampante na kayo sa isa't isa. Hayaan mo muna siyang magpaliwanag sa kung ano'ng nangyari kanina. 'Wag kang manguna."

She frowned.

"Bakit Phil? Bakit mo sinasabi ang lahat ng 'to sa 'kin ngayon? 'Di ba galit ka kay Mark?"

Oo, galit pa rin ako sa tarantadong 'yun. Pero kahit siraan ko pa s'ya ng paulit-ulit, hindi ko na mababago ang katotohanang mahal siya ng babaeng gusto ko. Pero it doesn't mean rather, na sumusuko na ako. Hangga't hindi ko nakikitang magiging maayos ang buhay ni Les sa kanya, hindi ako titigil.

"Ang sarap maghigante sa totoo lang, Les. Pero hindi na sa kanya nakatuon ang mundo ko ngayon eh."

Kitang-kita ko sa mga mata niya na marami pa s'yang tanong. Pero pareho kaming natigilan saglit at napatingin sa pintuan, nang sandaling bumukas 'to at iniluwa si Doc.

"Hi, Ms. Sandoval. Mabuti at gising ka na. Nakuha ko na ang result ng lab test mo and it says na kaya ka nahilo at nawalan ng malay kasi you're already 2 weeks pregnant. Congratulations!"

Pareho kaming nagulat ni Les dahil sa naring namin mula kay Doc. Sabay muna kaming nagkatinginan at sabay na reaksyong... "Ho?!"

Pero sa kabila ng lahat, may bahagi sa akin na masaya sa nalaman ko.

'Coz the possibility is possible.

***














End.






Char!😂

Sa tingin n'yo sino ang ama?

Ms. Perv! [Completed]Where stories live. Discover now